"aray! Masakit ave! Whats that for,huh? " inis niya akong nilingon at hinimas himas ang kanyang balikat.
"Anong, whats that for! HA! nakakahalata na si tita sa mga galawan mo !" nanggigil na ako sa inis.
"Who cares!" at ngumisi siya. Lalo akong nainis at hinampas siya ulit. Hinimas na naman niya ulit ang balikat niya.
"Ang brutal mo sa akin , baby" dagdag pa niya. masama ko syang tiningnan.
"wag na wag mo kong ma baby, baby ! Baka nakalimutan mo , malaki pa ang kasalanan mo sa akin " bigla syang sumeryoso at pinaandar na ang sasakyan.
"tsh. You like your boss?" sabi niya na hindi nakatingin sa akin. Hindi ako naka imik.
"Look ave, I'm sorry if I said something wrong that night, I'm annoyed because you chose him more than me, nasaktan ang ego ko sa ginawa mo ave" serysong tugon ulit niya. Bigla akong natahimik at napatingin nalang ako sa bintana .
"I'm serious about what I said, na gusto kita"
Napapikit nalang ako , ayoko ng ganitong topic.
" I don't care if you like him or he f*****g likes you, basta wag mo kong pigilan sa nararamdaman ko sayo" dagdag pa niya. humarap ako sa kanya.
"Naka drugs ka ba?" sabi ko
"What??" nagtataka naman syang sumulyap sa akin .
"Sabi ko naka drugs ka ba?" ulit ko sa kanya.
"mukha ba akong naka drugs!?" nakakunot na yung noo niya.
"Sinong tangang maniniwala sa mga pinagsasabi mo !? Shuta ka Caleb, kilala kang babaero, kung sino sino lang mga babaeng kinakasama mo! Ano? Isasama mo ko sa collection mo !?" galit na tugon ko sa kanya. Mahirap paniwalaan ang mga pinagsasabi niya sa akin. Pano ko siya paniniwalaan kong ako mismo ang maka witness sa pagkababaero niya. Hindi ko siya maintindihan.
Rinig na rinig ko ang buntong hininga niya.
Bigla akong kinabahan dahil binilisan nya ang takbo ng sasakyan niya , shuta baka e bangga niya ito.
"CALEB! ANO BA !! KUNG GUSTO MONG MAGPAKAMATAY ! WAG MO KONG ISAMA!! SHUTA KA!!" sigaw ko sa kanya. Peru nakatoon lng siya sa pagdridrive. Mabilis din niyang hininto ang sasakyan niya sa tapat ng Condominium. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"SINCE I CAME HOME I STOPPED PLAYING WITH GIRLS, AVE!!...YES! IM A PLAYBOY! BUT f**k , AVE! SINCE I TASTED YOUR LIPS I SUDDENLY GOT TIRED OF GIRLS!!" habol hininga nyang sabi sa akin.
Kitang kita ko sa mga mata niya yung pagkatotoo niya sa sarili niya. Totoo ba tong nakikita ko ?
Pero ayoko parin sa part na nagsawa siya dahil matikman niya ang labi ko ?
Tinanggal ko na yung seatbelt ..
"Im sorry Caleb , peru mahirap talaga paniwalaan.. Salamat sa paghatid" sa totoo lang gusto ko talaga siyang iwasan. Ang seryoso niya at mukhang totoo yung pinagsasabi niya. Nong isasarado ko na yung pintuan narinig ko pa yung paghampas niya sa manobela at narining ko pa yung mga mura niya.
Umakyat na ako sa condo ko. Dretso na kaagad ako sa kwarto. Andaming nangyare sa araw na to . Una yung yung fiancee ni sir zach pangalawa yung kay caleb. Perumo mas nangingibabaw parin si sir zach . Ang sakit isipin na may fiancee na siya.
Kahit pagod ako , pumunta pa rin ako sa bathroom para maligo . Matagal akong natapos sa shower dahil gusto kong malamigan yung utak ko.
Pagkatapos nag blower ako sa buhok ko , ilang buntong hininga ang ginawa ko , iniisip ko parin siyaaaa. Siya talaga laman ng utak ko. tapos na akong magblower , nag pajama na ako na terno . Pinatay ko na yung ilaw at tanging lampshade lng lumiliwanag , humiga na ako, pinilit kong makatulog pero ayaw ng mga mata ko. Pa iba iba pa ako ng posisyon pero ayaw parin. Nagulat nalang ako ng mag ring ang phone ko at kinuha ko doon sa drawer. Nagising ang diwa ko ng si sir zach ang tumawag. Sinagot ko iyon.
"hmmm." sabi ko. Rinig ko ang malalim nyang hininga.
"I'm outside your building, can you come down here and let's talk" sabi niya sa linya.
matagal bago ako sumagot.
"sige, hintayin mo ko dyan" shuta! Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
Habang nakasakay ako ng elevator pababa, hindi na ako mapakali . Alam ko , na ang pagpunta niya dito ay ang magpaliwanag sa akin. nakita ko kaagad siya nakasandal sa sasakyan nyang aston martin naka cross arms, halatang inaantok na yung mga mata niya.
Umayos siya ng tayo nang makita ako. nginitian ko siya habang papalapit ako sa kanya nakatingin lang siya sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata.
"Uh, ano pala p-pag uusapan natin ?" sabi ko
"About her. " dretsong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Alam ko na ang tinutukoy niya ay yung fiancee niya.
"Uh, yung fiancee mo ? " mahinang sabi ko pero rinig naman niya. Napalunok nalang ako at tumingin sa kung saan. Narinig ko ang buntong hininga niya.
"It's true that she's my fiancee"
Biglang sumikip ang dibdib ko. So, totoo pala na fiancee niya talaga yung babaeng iyon. Napayuko nalang ako. Ayokong ipakita sa kanyang nasasaktan ako.
"My mother agreed to reconcile me and marry me to the only daughter of Chin , so that, our company can grow even more and be protected and also for the future of Agnello company" kumunot ang noo ko sa sinabi niya at bumaling sa kanya.
"Hindi ko maintindihan , okay naman yung Agnello Company diba? Mayaman naman din kayo , ano pa ang kinatatakot ng pamilya mo ?"
"The Chin family is powerful, my family thinks that when they join forces with us, the Agnello Company will flourish and become more powerful they are afraid that the agnello company may fall in the future and in order to protect it, they agreed to marry me and that woman,as soon as possible"
Napanganga nalang ako . Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko lubos maisip na ganyan mag isip ang mga mayayamang tao.
"Ginamit ka lang ng pamilya mo"
"Yeah. " tipid nyang sagot.
"papayag ka ? "
"I dont know Ave, they will get angry if I don't follow what they want and they will reject me as their child . I'm tired, I'm really tired of being next to them, Do it! Do that! f**k! Just f**k! I could do nothing but follow them." napasinghap nalang siya at biglang may bumagsak na luha sa kanyang mga mata. Pinahiran niya iyon at umiwas siya ng tingin. nakaramdam naman ako ng awa. naawa ako dahil kaya syang itakwil ng pamilya niya.
Hindi ko napigilan ang sariling kong lumapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit . Nasasaktan ako, sobrang nasasaktan ako, hindi ko alam na ganito pala ang pinagdadaanan niya, kaya pala ganun nalang ang pag sumikap nyang magtrabaho dahil ayaw nyang magkamali, Kaya pala importante sa kanya lagi ang oras at naka focus lang sa trabaho dahil ayaw nyang magalit ang pamilya niya, minsan pa nga hindi na siya kumakain, pinapatay na niya ang sarili niya sa trabaho.
Ewan ko pero hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak habang nakayakap sa kanya. Damang dama ko yung sakit na nararamdaman niya. Damang dama ko yung pighati , yung lungkot . Totoo talaga ang sinabi nila na kapag nagka gusto ka sa isang tao mag coconnect kayo sa isat isa.
Humiwalay siya sa yakap ko at hinawakan niya ang dalawang braso ko , nagkaharap na kami. Tinitigan pa niya ako at bigla syang napatawa.
"Stop crying, ikaw pa talaga yung umiyak , you look cute when you cry" iniwas ko naman yung tingin ko sa kanya. Nagawa pa nyang magbiro sa sitwasyon niya ngayon.
Hinawakan nya ang mukha ko at pinaharap sa kanya. Pinahiran niya ang luha sa mga mata ko gamit ang hinlalaking daliri niya. Biglang bumilis agad ang t***k ng puso ko.
"all my life I thought I would just give myself to my family, that I would just follow them forever, not, until i met you Ave, you are the reason why I have to escape their confinement. " titig na titig ako habang sinabi niya ang mga salita nya sa akin. Lumunok pa ako ng ilang beses. Sobrang makakatotohan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"For now, I want to first show my family that I consented to the marriage they agreed upon, before settling on my plan . I don't want to be engaged to a woman I don't like , Ave , My point here, I want you to trust me, I have a plan, I want you to wait " sabi niya sa akin.
"So, kakalabanin mo ang pamilya mo ?" hindi ko na mapigilan ang magtanong sa kanya. Hindi ko alam kong anong plano niya peru di ba sya natatakot ? Ngumiti siya sa akin pero yung mga mata niya kitang kita ko yung takot
"Yes, so, just trust me and wait. Can you do that to me? Ave?" at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Tumango ako sa sinabi niya. Masyado akong nadala sa titig ng mga mata niya. Kung ano man ang plano mo, andito lang ako.
Bigla niya akong hinila at hinalikan sa labi .
"I love you, Ave." mahinang sabi niya nong humiwalay yung labi niya sa labi ko.