HIS FIANCEE

1641 Words
PARA akong tanga na ngumingiti habang palabas sa office ni Sir Zach, Napakagat labi nalang ako , shuta ! Hindi ko mapigilan ang sarili kong isipin ang bawat halik niya . Parang hanap hanapin mo na , hahaha.. Masaya ako kase nagkabati na kami at hindi na siya masungit mode . Pumunta na ako sa table at umupo . Habang nag tytype ako sa computer , may narinig akong malakas na yapak papunta sa gawi ko kaya nilingon ko iyon. Isang magandang babae na naka high heels na mahahalata mo talaga na anak ng mayaman dahil sa mga mamahalin nitong sout , sobrang tangkad niya mas matangkad pa siya ng kunti sa akin. Lumapit siya papunta sa akin. "Miss! are you the Secretary here?" naamoy ko ang mamahalin nyang pabango, tinasaan niya ako ng kilay tas tinarayan pa ako. Wait! Sino ba to ? Pano siya nakapasok ? "Yes ma'a--" "Is Zachary Tyler in his office?" malutong na english na sabi niya , gusto kong mainis dahil sa ugaling pinapakita niya sa akin. Maganda sana , masama lang yung ugali "Yes ma'am, pero bawal po kayong pumasok kung wala kayong appointment sa kanya ma'am" pinigilan ko ang sarili kong hindi mainis at tinaasan pa ang aking pasensya "I no longer need an appointment to talk to him, I'M HIS FIANCEE!! And YOU!? You are just a despised useless assistant!!" dinuro niya pa ako na parang nandidiri pa.. Tinalikuran na niya ako at pumasok sa office ni sir zach .. para akong nanglumo sa sinabi niya na wala akong kwentang secretary at parang naging doble pa nang sinabi nyang Fiancee nya si sir zach? Napatingin ako sa pintuan , hindi ako makapaniwala sa narinig ko, may fiancee siya? May fiancee si sir zach ! Parang inuulit iyon sa utak ko. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso , bakit ganito ? Bat ang sakit ? Gustong gusto kong pumasok at alamin kung totoo ba ang sinasabi ng babaeng iyon. Nasasaktan ako kase baka pinaglaruan lang ako at ginawang pass time . Nagseselos ako naiinggit ako. Gusto kong bumalik doon , gusto kong umeksena. Peru isa lang akong di hamak na walang kwentang secretary. Gusto kong umiyak pero para saan pa ? Magmumukha lang akong kawawa. Mayamaya. Bumukas ang pintuan at lumabas yung babae , huminto pa siya at may kinuha sya sa kanyang mamahaling bag , napaawang nalang ang labi ko ng salamin at lipstick ang kinuha niya at pinahiran niya ang kanyang labi ng pulang lipstick tapos binalik niya sa kanyang bag , bumaling siya sa akin at ngumisi siya sakin yung nakakairita tas lumakad na siya paalis. Okay ? Ayokong isipin na kaya siya naglipstick ulit dahil naghalikan sila ni sir zach. Ganon yung dating sa akin. Ganun yung nasa isip ko. Mas lalo akong pinaghinaan ng loob. Okay na okay na sana kami kanina eh, i was hoping na sana pupunta si sir zach sakin dito o tatawag man lang siya sa akin para magpaliwanag pero di niya ginawa. Ayoko siyang pasukin sa office niya gusto ko siya mismo ang pupunta sakin at magpapaliwanag pero bigo ako dahil walang sir zach ang nagpakita hanggang sa uwi an na. "te, lets go na! Uwi na tayo. Ano? Maghihintay ka nalang ba dyan na lumabas si sir agnello?" sita ni jackson sa akin. Andito kase sila naghihintay na tumayo ako sa table ko at sumabay sa kanila umuwi. Bumuntong hininga ako. "Kung pasokin mo nalang kaya ave?" sabi ni mica Gustong gusto kong gawin iyon pero pinipigilan ako ng isip ko. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. ngumiti ako ng pilit sa kanila "Tara na" sabi ko sa kanila. "Are you sure?" sabi ni agatha . "Wag niyo na ngang kulitin si ave" sabi ni christoper at inakbayan ako hindi naman ako umangal. "lets go na! Gutom na ako eh" sabi ni mica . Tumawa naman kami. Paglabas namin ng Agnello building , nagpa alam na sila sa akin. Actually, kanina pa ako pa sulyap sulyap sa cellphoneon ko, nag aabang sa message ni sir zach pero wala ,wala talaga . Siguro nga, pinaglaruan niya lang talaga ako at hindi siya seryoso sa akin, ako lng talaga tong hulog na hulog na. Dretso na sana ako sa highway nang may tumawag sa pangalan ko. "Ave!" lumingon ako at nakita ko si tita kumakaway kasama si Caleb. Shuta! Anong ginagawa nyan ditu.Dretso ang tingin ni Caleb sa akin. Tss. wala kayong pinagka iba parehas kayong hindi loyal. Iniwasan ko ang mga mata niya. Bumaling ako kay tita, kahit mentally hindi ako okay pinilit ko parin maging okay at ngumiti ng pilit, kumaway ako kay tita at lumapit sa kanya. Kung wala sana si tita sa tabi ni Caleb , Di na ako mag aaksayang lumapit, gusto ko syang iwasan , ayoko ko syang makita , hindi ko parin malimutan ang ginawa niya kay sir zach tapos sinabi pa nyang gusto niya ako. Napaka babaero talaga.. Isasama pa niya ako sa mga collection nyang mga babae. Tsk tsk tsk. "We were about to go home when we saw you, pauwi kana rin ba? Sumabay kana sa amin ave" hinawakan ni tita ang braso ko. Medyu na ilang ako kase gusto kong umayaw pero ayokong ma dissapoint si tita sa akin. Ngumiti ako kay tita at tumango ako sa kanya. Lumakad na kami papunta sa saksakyan ni Caleb. "Ave, sa harap kana , ako na sa likod" tugon ni tita sa akin at pumasok na siya sa likod. Oh God! tita must be kidding , matatabi ko pa si caleb. I hate this! Wala akong choice kaya pumasok na ako sa loob. Napatingin pa ako kay Caleb, kitang kita ko ang tagong ngiti sa labi niya.. Inirapan ko nalang siya. Nag seatbelt na ako. Pinaandar na ni Caleb ang sasakyan. "Ave, sa bahay ka na kumain , para hindi kana mag abala magluto pa sa condo mo" sabi ni tita. Okay na sana kung ihahatid lang pero ang kumain sa bahay nila , sa bahay pa ni caleb .. Hindi ko ma take. Mukhang wala talaga akong choice nito. Hindi ko matanggihan si tita. "c-cge po" pilit kong sabi . "Good" sabi ni tita. Nakarating kami sa isang napakalaki at magarang bahay , bubungad ang garden pagpasok mo sa main gate, mga ibat ibang halaman ang makikita dito at may mini tree rin sila na lalong nagbigay ng tropical vibe , may mahabang pool din ito na nag iilawan . Sobrang yaman talaga nila tita. Ito talaga ang pangarap ko noon pa , ang makatira sa magarbong bahay. Kami nila papa, roro at mia. Kaya lang wala na si papa at kami nalang tatlo ni roro at mia. Malalim na bumitaw ako ng hininga. "Are you okay?" mahinang sabi niya sa akin, napalingon ako kay caleb. Kitang kita ko ang pag alala sa mata niya kaya umiwas ako at tumango. Lumabas na kami at sinalubong kami ng isang kasambahay , dinala niya ang mga gamit ni tita. "Handa na po ang pagkain ma'am" sabi nong kasambahay. "maraming salamat manang" tumango ito at umalis. "lets go Ave, welcome ka sa bahay namin" masayang tugon ni tita sa akin. Pagkapasok ko kitang kita ko kaagad ang naglalakihang chandelier , Sa kaliwa naman makikita mo ang kanilang Living Room na may Curved Sofa. May mga halaman din dito. May mini bar din sila. Dito siguro ineentertain ang mga bisita . Dumeretso na kami sa kanilang 8 seater na dining table kung saan nakahanda doon ang pagkain. Umupo na ako at tumabi si Caleb. Hindi ko nalang pinansin. Nakakagutom ang mga ulam na nakahanda sa mesa , mga lutong bahay , may asado , humba , tinolang manok , may prinitong bangus at iba pa. Parang fiesta lang ang peg. Pero wala akong gana, iniisip ko parin siya, iniisip ko parin si sir zaaaaaach . gustong gusto kong kunin yung cellphone ko sa bag at e check kung nag text ba siya. Nagpray muna kami bago kumain. "lets eat !" sabi ni tita. Nilagyan ko na ng kanin ang plato ko , maliit lang, pero nagulat ako ng nilagyan pa ni Caleb ng kanin ang plato ko . Inis ko naman syang tiningnan. "you dont look okay, you should eat a lot" sabi niya at ngumiti, gustong gusto kong isa uli yung kanin peru nakatingin si tita kaya hinayaan ko nalang , buset talaga tong si caleb. Habang kumain , natatakam ako sa bangus kaya lang parang malayo , sinubukan kong abutin peru hindi ko maabot , kailangan ko pang tumayo para makuha ko iyon. Nagulat ako nong abutin iyon ni caleb at nilagyan niya ako sa plato ko. Nangangamba ako kase baka anu nang isipin ni tita sa amin. "Ako na caleb" mahinang sabi ko sa kanya. "I can do it" sabi niya. Aangal pa sana ako pero naalala kong ang mga mata ni tita ay nasa amin. "Okay" sabi ko nalang para matapos na. Pagkatapos namin kumain nagpaalam na ako kay tita . "Uuwi kana?" "opo tita , maaga pa ako bukas eh" "Okay . Okay, ipapahatid kita kay caleb" hinawakan ko ang kamay ni tita "wag na po" pigil ko sa kanya. "Gabi na at delikado sa labas , ave." tinawag na nya si Caleb at sinabihan na ihahatid ako. Okay, no choice ulit. Lumapit si caleb sa amin. "I will definitely take her home even if you don't tell me, mom" tinapik ni caleb ang balikat ni tita at nauna nang umalis papunta sa sasakyan niya. Shuta talaga itong si caleb kahit kailan. Hindi talaga nag iisip. Napahiya akong bumaling kay tita. "ahh.. hehehe. Alis na ako tita" paalam ko kay tita. Ngumiti lng si tita sa akin at kumaway. Pagdating ko sa sasakyan ni caleb, nauna na itong pumasok. Inis naman akong sumakay sa harap. At hinampas siya sa balikat .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD