Halos takbuhin ko na ang mga possibleng paradahan ng sasakyan ni sir zach , pero bigo akong hindi siya nakita. Paikot ikot lang ako, habol ko pa ang hinga ko sa kakatakbo, kahit anino lang niya , kahit anino lang ,wala talaga. Kailangan kong mag explain sa kanya. Gusto kong maintindihan niya ako..gustong gusto ko syang makita.. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Asan kana ba kase ?
Naalala ko ang cellphone ko. Kahit nanginginig ang kamay ko , pinilit ko parin kunin iyon. Enopen ko ang cellphone ko at doon ko na nakita ang sunod sunod na text ni sir zach sa akin.
{Ave, send me the location!}
{You really piss me off, woman!}
{Okay, I'll look for you Ave, i dont care where that f*****g restaurant is!}
Tumindig ang balhibo ko sa last message niya sa akin. So , hinanap pala niya talaga ako. Napakagat labi nalang ako. Dali dali kong dinial ang number niya. Nag ring naman iyon.
"Sumagot ka please." sabi ko nalang
Perumo agad din kinancel. Dinial ko ulit peru kinancel ulit. Nanghina akong binaba ang phone, sa tainga ko. Ayaw nyang sagutin. Gusto kong umiyak.
Wala akong gana pero nagpara parin ako ng taxi.
Pag uwi ko sa building para akong lutang na naglalakad. Hanggang sa makapasok ako sa condo. Dumeretso na ako paakyat ng kwarto. Naalala ko ang mga sandaling pinagsaluhan namin ni sir zach dito sa kwarto, ang halik niya , mga haplos niya. Napabuntong hininga nalang ako. Napa upo nalang ako sa kama.
DUMATING ang lunes , maaga akong nagising mga 5 am , naghanda na ako para pumasok. Excited na akong makita si sir zach , kailangan ko syang maka usap , kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Na misinterpret lang niya kaming dalawa ni caleb.
Ayaw kong mag isip ng negatibo. For sure , maiintindihan niya ako , kahit 5% lang ang kasigaruduhan na kakausapin niya ako. Alam kong nasaktan siya.
Pagbaba ko ng building pumara na agad ako ng taxi. Paghinto ng sasakyan , bumaba na ako at dali dali naman akong lumakad papasok sa Agnello Building, gustong gusto ko nang makita o makausap man lang si sir zach. Halos takbuhin ko na ang elevator , dahil unti unti na itong sumirado buti nalang at naharang ko agad ang kamay ko. Kaya bumukas ulit iyon. Nanlaki ang mata ko ng pumasok ako at nakita ko doon si sir zach sa loob. Nagkatinginan ang aming mga mata , pero agad din niya itong iniwas , tumabi na ako sa kanya. Na langhap ko kaagad ang pabango niya. Swerte ko at nakasabay ko siya, kanina gustong gusto ko syang makita ngayon katabi ko na. Napangiti nalang ako. Napawi naman ang ngiti ko ng maalala kong galit ito sa akin , kailangan ko palang magpaliwanag.
SHUTA KA TALAGA, AVE! nagawa ko pa talagang kiligin. Hays.
Bumilis agad ang t***k ng puso ko,
Akala ko ba kakausapin ko siya. Bat hindi na ako makapagsalita . Gustong gusto kong magpaliwanag pero nag dadalawang isip akong ibubuka ang bibig ko. Napapikit nalang ako. Sinulyapan ko siya pero tahimik lang sya na seryosong nakatingin sa harap.
Ano na ave! Ipaliwanag mo na sa kanya ! Grab the chance! Kayo lang dalawa oh !
Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko sa isip ko. Tumikhim pa ako bago nagsalita.
"Uhm. About sa nang----" hindi ko natuloy ang sinabi ko dahil bumukas ang elevator.
May pumasok na limang babae. Kitang kita ko mga ngiti nila na parang kinilig pa habang nakasulyap kay sir zach.
"Good morning Sir Agnello" masayang bati nila , nag tutulakan pa sila kung sino ang mauna sa loob kaya napaatras ako hanggang sa na out of balance ako. Shuta na! Biglang may lumapat na kamay sa baywang ko at nasalo ako. Pero agad din itong binitawan. Napalingon ako at si sir zach iyo. Nagkatinginan pa kami ng ilang segondo peru binalik din niya ang tingin sa mga babae at parang galit pa ito.
"The five of you!! I didn't like your hustle inside the elevator!!" matigas na sermon ni sir zach. Nanlaki ang kanilang mga mata at napahiyang na napayuko.
"Sorry po Mr. Agnello" sabay sabay nilang sabi .
"Are you all still kids!??" galit na galit na tugon ni sir zach. Kahit hindi naman ako kasali sa kanila , naramdaman ko din ang nerbyos . Iba talaga pag nagalit itong si sir zach nakakatakot.
Nakayuko lang sila at walang sumagot. Kitang kita ko ang panginginig nila sa takot at nerbyos.
"ANSWER!!" malakas na sigaw ni sir zach.
Napa igting nalang kami sa lakas ng kanyang boses. Shuta !
"H-hindi po, "
"s-sorry po s-sir" sabay sabay nilang sabi .
"Para kayong hindi mga professionals!!" Matigas na sabi ni sir.
Napapikit nalang ako sa kaba.
Tumunog na ang 30th floor at napayuko nalang sila na dahan dahang lumabas.
Doble naman ang kaba ko nang kami nalang dalawa ni sir zach.
Shuta! Cancel muna ang sasabihin ko, natatakot na akong magpaliwanag , Bumalik na siya sa pagiging masungit. Badmood pa nga amp.
Pagdating namin sa 40th floor , na una nang lumabas si sir , hays! Ang hirap naman suyu in nito.
Pagkapasok ko sa office , napahinto agad ako dahil nakatutuk agad ang mga mata nila sa akin. Lumapit naman si jackson at kinaladkad ako malapit kina Agatha
"Aminin mo nga sa amin te, ano ba relasyon ninyo ni Sir Agnello ? " mahinang sabi ni jackson sa akin.
"Wala, wala kaming relasyon" sabi ko sa kanila pero ang mga mata nilang nakatitig sa akin ay hindi kumbinsido.
"Alam mo ba sa tagal na namin dito, hindi pa namin nakita na nagkaganun si sir, my ghaad te!" mataray na sabi ni jackson.
"Ewan ko nga kung bakit siya nagkaganun. Hindi ko alam. " Hindi ko naman talaga alam kung bakit nagkagusto bigla si sir sa akin.
"May gusto talaga si sir sayo ave, ayieeeee" sabi ni mica na tinukso pa ako
"im jealous !" sabi ni agatha habang nakatawa
"kaya pala ganun nalang kagalit ni sir sa akin nong nagtawanan kami ni ave" kunot noo na sabi ni christoper
"Peru mag ingat ka ave, wag kang masyadong mahulog kay sir, baka kase pagnagsawa , iiwan ka" concern na sabi ni jackson. Nginiti an ko sila.
"Alam ko na yan , cge na .. Punta na ako sa table ko" paalam ko sa kanila .
Swabe lang ang naging trabaho ko, hindi ko masyadong nakakausap si sir , pag may kailangan siya tumatawag lang siya sa telepono. Gusto ko pa naman syang maka usap pero parang ayaw ata niya. Hays maghahanap nalang ako ng paraan para makapasok sa office niya. Pero paano ? Habang nag iisip ako.
Sakto naman at dumaan si Mica ..
"Pssst...mica" mahinang tawag ko sa kanya, may daladala syang mga papeles . Lumingon naman siya sa akin at lumapit.
"Bakit Ave?" sabi niya
"Saan punta mo?"
"Ah, ibibigay ko to kay sir" sabi niya at pinakita niya ang mga papeles na bitbit niya.
"Ako na ang magbibigay nyan kay sir" sabi ko. Mukhang eto na yung way , para makausap ko si sir.
May panunukso naman ang tingin ni Mica sa akin.
"Asuuuus.. Gustong gusto mo na syang makita no?. Ayieeee"
"Hindi, hindi noh , may ano .. Uhm. isasabay ko lang din yung sa akin" pagsisinungaling ko sa kanya. Aish. Anu ba naman tong si mica. Ngumisi naman siya.
"Oh eto na, Paki sabi nalang at busy ako. Ayiee" at nilapag na niya yung papeles sa table ko at umalis.
Tumayo na ako at kinuha yung papeles. Huminga pa ako ng malalim sa tapat ng pintuan niya bago pumasok.
Nakita ko kaagad siya na busy sa laptop niya. Tama ba tong ginagawa ko ? Parang gusto ko atang mag back out. Peru andito na ako , wala nang atrasan.
"Ahem." Umubo pa ako kunware para mapansin niya ako. Pero parang wala ata syang narinig , busy parin sya at nakatutuk sa laptop. This time nilakasan ko na.
"Aheeem!" tila parang huminto ako sa paghinga.
"what are you doing here?" sabi niya na nakatutuk parin sa laptop..
"ano, ah. Busy kasi si Mica , kaya ano . Uh. Inutusan niya akong ihatid sayo ito." pagsisinungaling ko. Sorry talaga mica.
Huminto naman siya sa ginagawa niya at bumaling sa akin. Parang may anong kuryente ang dumaloy sa aking dugo nang magtama ang mga mata namin.
"Lapag mo nalang dyan and you can leave!" kainis naman oh. Huminga ako ng malalim. At nilapag yung papeles sa table niya.
"Okay, gusto kitang makausap" dretsong sabi ko sa kanya.
"tss. I dont want to talk to you" cold nyang sabi at nakatuon na naman sya sa laptop.
"Please, pakinggan mo muna ako, na misinterpret mo lang kami ni Caleb" kumunot naman yung noo niya.
"that f*****g Caleb, isn't he the one you talked to at the bar? yung muntik na kayong maghalikan ave !? You lied to me, you said you didn't know him, and worst, he's still coming home to your condo" galit na sabi niya sa akin.
"Totoong binigay yun ni tita sa akin , hindi ko lng talaga alam na may spare keys siya sa condo, sira ulo lang talaga siya at isa pa wala akong gusto kay Caleb" ngumuso akong nakatingin sa kanya.. Tumayo siya at lumapit sa akin.
"bakit? Saan kaba nagkagusto?" nilapit na yung mukha niya sa mukha ko. Naghuramentado na yung puso kaya iniwas ko ang mata ko sa kanya.
"look at me and Answer me ave" malambing na sabi niya. Dahan dahan akong tumingin sa kanya. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko parang aatakihin ata ako sa puso nito.
"S-sayo.." sagot ng nakatingin sa mga mata niya.
Nagulat ako nang hilain niya ako palapit sa kanya at hinalikan ako sa labi.
Halik lng pala katapat , edi bati na kami yieeeee..