Dali dali kong tinago ang cellphone ko sa pouch. Hindi ko siya nilingon. Alam ko at naramdaman kong nakatingin siya sa akin .
"its okay, ang importante ay nakapunta ka, nagbago na talaga ang anak natin hon, take a seat my son"sabi ni tito , naramdaman ko naman na umupo si Caleb sa tabi ko. Umusog pa siya nang kunti sa akin.
Kung wala sana ang parents mo , sinipa na kita animal ka.
"So, ave, i would like you to meet my son , Aiden Caleb " tuwang tuwa naman si tita na ipinakilala ako sa anak niya. Ibis matuwa ako. Inis naman ang lumalatay sa dugo ko.
Go Ave! umarte ka na parang wala lang.
Unti unti kong binaling ang mukha ko sa kanya , nanonood sila tito at tita kailangan kong ngumiti. Nakita ko naman ang mapaglarong ngiti niya.
"Hi, ikaw pala si Caleb, nice to meet you" sabi ko nalang, na kahit labag sa loob ko .
Nagulat ako nang nilapit niya yung mukha niya at umaktong bumeso sa akin.
"You look so hot , baby" mahinang tugon niya sa tainga ko, na ako lang yung nakakarinig. Pasimple pa nyang hinaplos ang buhok ko bago siya bumalik sa upuan niya.
Huminga ako ng malalim at pinigilan ang inis ko. Nahalata niya sigurong naiinis ako sa kanya kaya mas lalo siyang ngumisi . Matalim ko syang tiningnan.
"You look familiar to me " sabi ni caleb. Bigla nalang akong kinabahan. Shuta ka talaga caleb! Kakatayin talaga kita ng buhay!
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Nagkakilala na kayo ?" sabi ni tita
Pinandilatan ko siya ng aking mga mata. Peru ngumisi lang ang peste!
"i-imposible pong nagkakilala na kami ni Caleb tita , hindi ko pa nakikita ang pagmumukha ng anak niyo" kinakabahan na ako tumugon sa kanila
"Hindi pamilyar talaga siya sa akin mommy, ahhhh.! I remember na , kamukha niya kase yung pulubi na nanghingi sa akin ng barya sa labas" tapos tumatawa pa syang nakatingin sa akin.
Pinigilan kong hindi mainis dahil uma akyat na lahat ng dugo ko sa ulo ko.! Kunting kunti nalang CALEB!
Tapos ano raw sabi niya? Kamukha ko daw yung pulubi na nanghingi ng barya sa kanya sa labas!
Binibwesit mo talaga ako Caleb ha! Sasabog na talaga ang inis ko sa kanya.
Sinaway naman siya ni tita.
"Caleb! Hindi maganda ang biro mo. I'm so sorry ave, namangha lang siguro si Caleb dahil sa ganda mo" alam ko naman na sinabi lang yan ni tita para pagaanin ang loob ko.
"Okay lang tita" dahil hindi ko napigilan ang inis ko tinapakan ko yung paa ni caleb diininan ko talaga. Parang tanga naman si Caleb na namimilit sa sakit. Buti nga sayo. Peste ka!
"avee, masak--kittt" mahinang bulong nya na halos pigil pigil na siya sa paghinga niya. Ano kaha! Ano !!
Dumating naman yung waiter at nag serve na nang food sa aming table. Binitawan ko na yung paa niya. Kitang kita ko naman yung galit ni Caleb sa akin. Pasimple ko syang inirapan.
"Lets eat" ngiti na sabi ni tita na parang hindi kami nakita ni caleb na nagkainisan
Tahimik lang kaming kumain nang biglang magsalita si tita.
"nga pala ave, naka adjust kana ba kay Mr. Agnello?" bigla akong nabulunan ng banggitin ni tita sir zach , dali dali akong uminom ng tubig.
tumikhim pa ako bago nagsalita "Ah. o-opo tita" sabi ko.
"mabuti naman ave" ngiting sabi ni tita.
Pagkatapos namin kumain , naghanda na kami sa pag uwi , atat na atat na talaga akong umuwi dahil ayoko sa presensya ni caleb.
Nasa labas na kami ng magsalita si Caleb.
"Mom, dad , ako na po maghahatid kay Ave" nagulat nalang ako sa naging presinta niya. Nooooo!!!
Nagkatingin naman si tita at tito.
"Cge anak, para mas magkakilala kayong dalawa" sabi ni tito . Did he just? Whatever!
"Ah. hin--" hindi ako pinatapos ni caleb sa sasabihin ko.
"Bye mom, bye dad" tas bumeso siya sa kanila.
ARGHH!! Bumeso naman si tita sa akin.
"ingat kayo pauwi , ave" sabi ni tita at umalis na sila.
Inis akong bumaling kay Caleb
"Umuwi kana , mag tataxi ako! Ayaw kong magpahatid sayo !" bulyaw ko sa kanya.
At lumakad papuntang high way , hinawakan ni Caleb ang braso ko at kinaladkad ako papunta sa sasakyan niya.
"Ano ba caleb! Bitawan mo ako !! " pero higpitan niya yung pagkahawak niya At binitawan nang makarating kami sa sasakyan niya binuksan niya yung pintuan.
"Get in! O kakaladkarin kita papasok?" seryosong sabi niya. Hanep! Sino ako para susunod sayo! Inis kong pabagsak na isirado uli yung pintuan .
Kitang kita ko yung dismaya sa mata niya sa ginawa ko.
"Ayokong magpahatid sayo ! Peste ka!" sigaw ko sa kanya. Lalakad na sana ako paalis pero marahas niya akong tinulak sa sasakyan at kinulong ng dalawa nyang mga braso.
"s**t Ave! Gusto lang kitang ihatid ! kaya sa ayaw at gusto mo , ihahatid kita! " sigaw niya . Natatakot ako sa mga mata niya. Nakakapangamba. Napatitig ako sa kanyang mga mata.
"WHAT THE f**k !!!" parehas kaming napalingon ni Caleb sa pamilyar na boses na malutong na sumigaw sa amin. Nanlaki ang mga mata ko nang naaninag ko ang nanginginig sa galit na nakatayong nakatingin sa amin.
SIR ZACH ???
Nanlaki naman ang mata ko , oh my ghad! Panong? Hindi ko naman siya binigyan ng address , pano siya nakarating dito ? Tapos nakita pa niya kami ni Caleb sa ganitong sitwasyon. Kilala ko siya, madali lang itong magselos . Baka ma misinterpret niya ito. Omooooo!
Tinulak ko si Caleb para makawala sa bisig niya. Hindi naman siya umangal. Nagkatinginan yung dalawa na parang nag uusap na nagliliyaban ang kanilang mga mata..
Bumaling naman yung mata ni sir zach sa akin. Umiigting na nmn ang bagang niya. Galit na to, for sure !
"Is this ave? Is this the reason why you don't want me to pick you up here?" bigong bigo ang tono ng boses ni sir zach. Kitang kita ko yung pagod niya , gulong gulo pa ang buhok niya. Wait? Hinanap niya ba ako ???
"Nooo, na mis interpret mo lang to, ano..." hindi ko alam kung paano ko eexplain ito sa kanya. Kinakaban na ako hindi gumagana yung utak ko.
"Stop explaining ave, Sino ka ba ?" nasapo nalang ako sa ulo nang magsalita si caleb. Aaysss. Baka magpatayan tong dalawa.
"Ikaw sino ka !?" seryosong pabalik naman ang tanong ni sir zach.
Tumawa naman si Caleb yung tawa na sarcastic . Hinawakan niya ang braso ko. Sinubukan kong bawiin ang braso ko peru hinigpitan niya lalo.
"fuuuuck off your hands!" lumapit si sir zach at hinawakan ako sa kabilang braso. Ay ang galing. Marahas akong hinila ni caleb pero hinigpitan ni sir zach ang paghawak sa akin. Shuta na talaga toh. Mainit na naman ang mga tingin nila sa isat isa. Inis kong hinila ang dalawa kong braso pero shuta talaga! Hinigpitan nila pareho.
"ANO BA! bitawan niyo nga ako!" sigaw ko sa kanila pero parang wala namam silang narinig. Aish ! Kainis. Bat nagtagpo pa ang dalawang toh! Shuta !
"Let go of her hand!!" sigaw na sabi ni Caleb kay sir zach.
"who are you!? para diktahan ako !" galit naman na sabi ni sir zach.
Ayss! Mababaliw na ako sa dalawang toh! Kulang nalang ata magsuntukan sila
"We live together in the same condo, alam mo ba iyon?" nanlaki ang mata ko at bumaling kay Caleb. ANONG PINAGSASABI NIYA! Aangal na sana ako sa sinabi ni caleb pero nagulat ako nang linuwagan ni sir zach ang pagkahawak niya sa akin. napalingon ako sa kanya.
"So, ikaw si Caleb?" sabi ni sir zach , hanggang sa bumaba ang tingin niya sa akin. Dismaya ang natatanaw ko sa kanyang mga mata.
"You said.... you said the condo was given to you, Tell me ave! Is it true!? Or you are just really lying!"
"Maniwala ka sa akin , hindi totoo ang sinabi ni Caleb na magkasama kami sa iisang condo .. may mga pagkakataon lng na hindi ko inaasahan na uuwi siya doon." halos magmakaawa na ako na paniwalaan niya ako. Peru mas lalong umigting ang kanyang bagang at mas lalong naging blanko ang mga mata niya.
"f**k your reason , Ave ! Parehas lang din iyon!" tuluyan na nyang binitawan ang braso ko at tumalikod na siya paalis. Bigla akong nanghina. Sumisikip ang dibdib kong nakatingin sa kanya. Hindi ko ma explain ang nararamdam ko. Gusto kong magpaliwanag sa kanya .
"Lets go ave" hinila ni caleb ang braso ko.
Ewan ko ba kung saan ko nakuha ang lakas para itulak sya ng malakas. Nabitawan niya ako.
"MASAYA KANA !? MASAYA KANA CALEB?BAKIT KA NAGSINUNGALING! BAKIT MO YUN SINABI !! NABABALIW KANA BA ! HA!" hindi ko na mapigilan ang galit ko sa kanya. Damn jerk!
Tumalikod na ako at aakmang aalis para sundan si sir zach.
"I said that because I like you.." mahinang sabi ni caleb peru rinig na rinig ko. Napatigil ako sa paglalakad.
Kung ano man yang nararamdaman mo caleb , itigil mo na dahil hindi ikaw ang gusto ko. Sabi ko sa isip ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad para habulin si sir zach.