CALEB

1239 Words
Nagpangisi nmn sya sa pagitan ng aming mga labi. Parehas kaming naghahabol hininga ng lumayo na ang labi niya sa labi ko. nanatili paring malapit ang mukha niya , napatitig lang siya sa akin. Hindi ko alam kong kakayanin ko pa ba ang systema na bumabalot sa akin ngayon , Bakit ko siya hinalikan pabalik ? Ang tanga mo Ave! pero aminin ko man , nagustohan ko talaga yung halik na iyon. Masyado akong binaliw ng lalaking ito. "Don't make me jealous like that Ave, hindi ko na mapipigilan ang sarili kong angkinin ka" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Hindi kita maintindihan, " hindi ko alam kong saan ako humugot nang lakas para masabi iyon sa kanya. Masyado na akong nalunod , nangangatog na yung dalawang binti ko. Bumuntong hininga muna siya "I also can't understand myself.. I just found out gusto na pala kita" bigla akong nanghina , nanginig agad ang mga kamay at maging tuhod ko , ang dami agad tanong sa utak ko . nagulat nalang ako nang biglang nag vibrate ang phone ko, napapikit nalang siya. laking pasalamat ko naman na humiwalay na yung mga braso niya sa akin. Tiningnan ko kung sino iyong tumawag si tita pala iyon. Sinagot ko kaagad "hello tita" [Ave , asan ka ? Wala ka ba dito , nasa labas ako ng condo mo] Tiningnan ko muna si sir zach , nakatingin lang din siya sa akin. "Andito ako sa uhm. bar , kasama ko yung mga ka workmates ko tita, kanina kapa ba dyan tita , uuwi na po ako" sabi ko. [Hindi na Ave , enjoy ka muna dyan. uuwi na rin ako , babalik nalang ako bukas dito] "sige po tita ingat ka po pauwi" [sige ave] pinatay na niya yung linya Bumaling ako kay sir zach , "uh.. Ano.. Uuwi na ako" di ako makatingin ng deretso sa mata niya Bukas nalang cguro ako mag explain kina jackson , i'm sure , madami na ang mga tanong sa isip nila gayong kita talaga nila yung biglaang paghila ni sir akin. "okay , hatid na kita" tumango lang ako , na una na siya pumasok sa sasakyan at sumunod naman ako. Nanaginip ba ako ? sana panaginip lang ito. Huhhhhuhuhu. Paano ako maka tratrabaho nito ng maayus gayong maygusto pala si sir zach sa akin. Oo, may parte din sa akin na masaya , pero nangunguna talaga yung pangamba , pano nalang pagnalaman nila agatha na ang kinakatakutan nilang boss may gusto sa akin. Ewan ko ba , alam kong lasing si sir ngayon at hindi pa ako sure kung totoo yung sinasabi niya sa akin. Bali 50/50 pa yung pag amin niya. Pero yung halik , masyado akong nadala sa malambot nyang labi , bigla akong nakaramdam ng kiliti sa tyan ko. Tiningnan ko si sir na nagmamaneho. Napakagat nalang ako sa labi . Ma swerte na ba ako dahil sakin ka nagkagusto ? "Don't think too much Ave" sabi niya at nilingon ako , napalingon naman ako sa harap. Hindi ako nag umimik sa sinabi niya " Is it too unbelievable? I know, there are already many questions in your mind" dagdag niya. Sakto naman at huminto na yung sasakyan hudyat na nakarating na ako. "I'll go now , sir " sabi ko at aakma nang lumabas peru s**t hinawakan pa niya yung braso ko. Kaya nilingon ko pa siya "Why are you in such a hurry, may sasabihin pa ako" sabi niya. Hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan niya ako sa noo. Napatulala ako saglit. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. "Goodnight!" sabi niya sa akin. Pumasok na ako sa loob ng condo , dretso na akong umakyat sa kwarto. Muling nag flashback yung nangyaring paghalik ni sir sa noo ko. Bat may pa ganun ganun pa? Halos mamatay na ako sa kabang dulot ng halik na yun. Shuta! Pagkatapos kong mag shower at magbihis , humiga na ako sa kama. Pinilit kong makatulog pero ayaw ng mga mata ko. Kaya nakatulala lang akong nakatingin sa kisame, biglang nag beep yung phone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan , message from unknown number Naka kunot ang noo ko nong binasa ko iyon {still up?} napataas ang isang kilay ko? Wala naman akong pinagbigyan ng number ko {wrong sent?} reply ko {Why would I make a mistake in sending a message? Huh? Woman?} Shuta na to! Nagalit pa amp. {Hala! Sino to?} {Your knight in shining armour} Napatawa ako ng wala sa oras , Corny hahahaha {weg ke nge , sino nga to ! Saan mo nakuha number ko !} {its me , your boss} natigilan naman ako , sinu daw ? Nanlaki naman ang mata ko. Hala! Si sir zach pala. Dali dali naman akong nagreply {ikaw pala to sir, may pa knight in shining armour kapa ha haha } Mga ilang minuto pa bago sya nag reply { I can't sleep thinking about you} ayan na naman , bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. Why are you doing this to me sir , pwede ba tigilan mo to kase nahuhulog na talaga ako sayo Mag rereply sana ako peru may panibago naman syang message {i know youre thinking a lot, just sleep ave, goodnight :)} hindi ko alam kong magrereply ba ako o hindi . Napakagat labi nalang ako. Pinasok ko nalang sa loob ng drawer ang cellphone at pinilit na makatulog. Nagising ako sa ingay ng doorbell , tiningnan ko muna ang oras 11 am . thankful ako dahil sabado ngayon napahimbing kase ang tulog ko. Napansin kong may message galing kay sir zach, mamaya ko na cguro to babasahin Bumaba na ako at binuksan ang ang pintu an. Napangiti ako ng si tita iyon. Medyo nahiya lang ako dahil magulo pa yung buhok ko. "Goodmorning tita, pasok po kayo" ngiti ngiti na sabi ko Pumasok naman si tita "Goodmorning, di ako magtatagal ave may lakad pa ako" tas tumingin sya sa relo niya "ahh. Okay po tita" Umupo si tita sa sofa "My son came home last night" panimula ni tita "PO? SI CALEB?" Medyu napasigaw ko iyon . Nagtaas naman ng kilay si tita sa akin "nagulat lang a-ako tita , kase diba .. sabi niyo, matagal na yung hindi umu uwi" napakagat nalang ako sa labi. Shuta ka ave! Baka malaglag ko pang dito umuuwi si caleb pa minsan. Naku! Huhuhuhu . "So yun nga ave humingi siya ng tawad sa akin sa papa niya , masaya din ako kase baka nagbago na si Caleb" Hindi yun magbabago tita , ano naman kaya ang nasa isip ng peste na iyon at umuwi ng bahay . "maganda po yun tita" nag alinglangan pa akong ngumiti kay tita "Gusto kitang isama ave, kakain kami sa isang restaurant ngayong gabi" sabi ni tita "Andun po si Caleb?" "yes, kinwento kase kita sa kanya at gustong gusto kanyang makilala " ngiti ngiti na sabi ni tita. Napaawang nalang ang labi ko. Gustong gusto niya akong makilala? Shuta ka caleb! Ang galing mo pang magdrama ha! Ayoko ! Ayokong makita ang pagmumukha mo! Pero kase hindi ko matanggihan si tita. Pano ba to ? Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. Nagbuntong hininga nalang ako at kahit labag sa loob ko. "Okay tita" Siguraduhin mo talaga Caleb na hindi mo ilalaglag kay tita na umuuwi ka ditu sa condo. Agh. Mapapatay talaga kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD