MOBILE LEGEND

1082 Words
PAGLABAS ni tita sa condo , doon na ako naglabas ng inis ! Really ? Magkikita kami ni Caleb? Magkasama pang kumain. Argh! Kailangan ko pang mag drama na hindi ko siya kilala. Shuta talaga. Kinuha ko yung phone ko at binuksan ang message ni sir zach , {good morning} {Are you still sleeping?} {I'm in a meeting today, I'm about to get stressed here Ave , are you busy?} Tatlong mensahe na sunod sunod. Napakagat nalang ako sa kuko ko. Habang nag tytype ako , umakyat ako sa kwarto para makaligo na. {Sorry, andito si tita kanina, may pinag usapan lang kami} Matagal bago siya nag reply uli . {about what?} napakunot nalang ako sa noo. Kailangan ko pa talagang sabihin sa kanya. {Niyaya niya akong mag dinner sa restaurant ngayong gabi} {okay} mabilis nyang reply Hindi ko na sya ni replyan . Naligo na ako. Pagkatapos ng mga routine ko. Ay bumaba na ako para kumain. Wala pa akong luto. Tinatamad akong magluto nag kape lang ako at biscuit. Mayamaya . Dahil bored ako naglaro nalang ako ng Mobile legend. Biglang tumunog yung phone ko , binasa ko yung message ni sir zach. {nasa labas ako nang building niyo} halos hindi ako naka concentrate sa laro. Ano ginagawa nya dito ? Dali dali akong lumabas kahit yung atensyon ko nasa laro. Para akong tanga na lumalakad na busy sa paglalaro. Pagbaba ko. Nasulyapan ko kaagad siya na nakatayo malapit sa sasakyan niya naka kunot ang noo nakatingin sa selpon. Papalapit ako sa kanya pero yung atensyon ko nasa laro parin Narinig ko yung buntong hininga nya. "Seriously Ave?" sabi niya. "Wait lang , malapit na matapos" sabi ko habang seryoso sa laro. Napapadyak nalang ako nang mapatay ako ni Miya. "Argh.!" napakagat nalang ako sa labi. Tiningnan ko si sir zach at seryoso syang nakatingin sa akin. Nginiti an ko nalang siya para ma good mood siya. Ang seryoso eh hahaha. Hinawakan ko yung kamay niya at hinila papasok sa building, hindi naman sya umimik . Hanggang sa pasakay kami ng elevator. Nang mabuhay ako sa laro ko. Binitawan ko muna ang kamay niya at naglaro. Bumuntong hininga na naman siya. "Stop playing ave" inis na sabi niya. "Malapit na talaga" sabi ko. Seryoso parin ako sa laro . Inataki na namin ang tore nila. Halos mabitawan ko yung selpon ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. Wala na sa laro ang isip ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Kaya nong tumunog ang elevator na una na akong lumabas . Sumunod namsn siya sa akin. Binuksan ko na yung pintuan sa condo at pumasok siya. Alam kong na iinis na siya sa akin dahil yung mata ko naka fucos lang sa laro. Eh kase naman naka rank ako. Baka ereport ako at bumaba ang CS ko . "okay , im leaving" cold nyang sabi at lumakad na papunta sa pintuan. Nataranta naman ako at kahit hindi pa tapos pinatay ko na yung laro. Bahala na. Hinabol ko naman si sir zach na nag iinarteng lumabas hinawakan ko yung braso niya. "im sorry , wag ka muna umalis " sabi ko "Wag na , unahin mo muna yang laro mo" napangisi naman ako , ang OA nito hahaha. Hindi ko mapigilan ang kiligin sa inaasta niya ngayon. "Wala na nga, tapos na." Hindi sya makatingin sa akin. Hinila ko ang kamay niya at pina upo sa sofa . "bakit ka pala naparito? Tapos na ba meeting mo?" sabi ko sa kanya "Hmmm. " "Kumain kana ?" nagyaya pa ako na di nga ako kumakain pa kase tinamad ako mag luto .. shuta talaga. "Hindi pa" yan tuloy hindi pa daw. -_- "wait ipagluluto kita, dyan ka lang " sabi ko at tumayo na Nilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng condo. Nagtaas siya ng kilay at tumingin siya sa akin. "This condo is not yours?" sabi niya "Binigay ni tita sa akin. Actually sa anak niya ito kaya lang binawi sa kanya, kaya ayun naglayas" ayokong sabihin kay sir zach na binawi to ni tita kase kung sinu sinu lng babae dinadala ni caleb dito. Baka ano pa isipin niya . Alams na. "lalaki?" "Oo" "ano pangalan?" inirapan ko siya. "bat aalamin mo pa ang pangalan" naka simangot akong nakatingin sa kanya " i want to know" seryoso din yung mukha niya. "Caleb, happy kana ?happy?" Lumakad na ako papuntang kusina. Napaka Seloso talaga . Iling iling nalang ako Naisipan ko nalang magluto ng asadong manok, tiningnan ko muna sa ref kung kompleto yung ingredients . Nag saing pa ako muna ng kanin. Tapos nilagay ko sa table yung nga sangkap at nagsimula ng maghiwa. Narinig ko naman yung yapak niya. At tumabi sa akin amoy na amoy ko yung pabango niya. "He doesn't come here, does he?" nanlaki ang mata ko. "Sino?" kahit alam ko naman na si caleb ang tinutukoy niya. "Caleb." ayokong sabihin na pumupunta sa si Caleb dito. Nooooo. "b-bakit naman s-sya pupunta dito!?" napasigaw kong sabi "Why are you shouting?" "im not!" "you are. " Bigla naman syang tumawa. Abnormal to . Inirapan ko sya. "okay. okay. you win" dagdag pa niya. tas hinalikan niya ako sa pisngi. Pinigilan ko naman yung sarili kong hindi kiligin . Shuta talaga . Hindi ba niya alam na ang pag halik halik sa akin bigla , bumubuhay sa dugo ko. "umupo ka nga doon di ako maka concentrate pag andyan ka" naglalarong ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin "Aren't you comfortable that I'm here next to you?" Oo!! Sobrang bango mo kase at hindi iyon kaya ng presensya ko. Gustong gusto ko lng syang amuyin nalang magdamag. Yan ang nasa isip ko. Lumakad siya papunta sa harap ko at umupo. Pinagmasdam nalang ang mga galaw ko. Kahit na iilang ako dahil pinapanood niya ako magluto , sinubukan ko parin mag concentrate. . Tinikman ko yung sabaw , hinipan ko muna dahil umuusok pa sa sandok. "Gusto mo tikman?" sabay abot ko sa sandok. "I prefer to taste you" naglalaro naman yung ngiti niya sa labi. Mas grabe pa to kaysa kay Caleb. Tiningnan ko naman siya ng masama. Tumawa lang sya. "im just kidding" kinuha niya ang sandok at hinigop ang sabaw. Kinagat kagat ko yung daliri ko habang naka tingin sa kanya na ninamnam ang luto ko. "Ang sarap!" "Talaga?" "pwde na maging asawa ko" alam kong biro iyon , pero iba yung dating sa akin. Humaplos iyon sa aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD