LESSON 25 “Unmasked” “ANG nagsulat no’n ay si-- ay! Putang ina naman!” Hindi naituloy ni Maira ang pagsagot sa tanong niya dahil bigla na lang sumuka si Marvin. Sumakto pa talaga sa braso ni Maira sumuka ito. Umasim nang pagkaasim-asim ang mukha ni Maira na may kasamang pandidiri. “Sorry…” Nag-peace sign si Marvin kay Maira. “Diyos ko naman, Marvin! Bakit mo naman ako sinukahan? Anong palagay mo sa akin? Inidoro?!” “Kanina pa kasi ako nahihilo. Hindi ko talaga kinaya `yong Space Shuttle, e. Tapos ang dami ko pang nakain. Sorry talaga.” Pumaling ng tingin sa kanya si Marvin at nanghingi ng tissue. Mabuti na lang at bumili siya niyon sa supermarket. Ibinigay niya iyon kay Maira. Inabutan niya din ito ng alcohol at pabango para mawala ang amoy ng suka kay Maira. “Sa susunod kasi, magsi

