LESSON 28 “His Reason Why” LABIS ang gulat ni Principal De Vera sa mga sinabi ni Abby kaya sinugod niya ito. Itinulak niya ito hanggang sa mapasandal ito sa dingding at saka niya ito sinakal nang mariin. “Paano mo namalan ang tunay kong pangalan? Sino ang nagsabi sa iyo?!” gigil na gigil na turan niya. Hinawakan ni Abby ang kamay niya na nasa leeg nito. Paputo-putol ang ubo nito at nahihirapan nang huminga. “P-pakawalan m-mo a-ako!” Hirapang sabi nito. Nang alisin niya ang kamay niya sa leeg ni Abby ay sumagap agad ito ng hangin sabay tingin sa kanya pagkatapos. “Importante pa ba iyon kung paano ko nalaman? Maniniwala ka ba kung sabihin ko sa iyo na sina Olivia mismo ang nagpakita sa akin kung sino ka talaga?!” Humalakhak si Principal De Vera. “Gusto mo ba talagang makilala kung sino a

