LESSON 29 “Last Night” PAGKALABAS ni Abby sa principal’s office ay inilabas niya ang kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa at pinindot ang stop sa recording. Lingid sa kaalaman ni Teacher Noah ay ini-record niya sa cellphone niya ang pag-uusap nila. Kasama na roon ang pag-amin nito sa mga krimen na ginawa nito. Napangisi siya dahil naisahan niya ito. Kasama ang record ng pag-uusap nila sa mga ebidensiyang kanyang iniipon. Parang alam na rin niya ang ibig sabihin ng sinabi nito kanina na bukas ng umaga ay tapos na ang lahat. Baka papatayin na nito si Elise ngayong araw na ito. Pinuntahan niya sina Maira at Marvin sa bahay ng mga ito. Inutusan niya si Marvin na bantayan si Elise sa bahay nito. Habang ibinigay naman niya kay Maira at kanyang cellphone. “Pakinggan niyong dalawa iyong nag

