CHAPTER 27 - Kurot sa Anghel

1510 Words

HINDI makatulog si Alger buong magdamag. Ang pagkasabik at katuwaan sa pangako ng bagong kaibigan ay nagpasigla sa dugong nananalaytay sa kanyang mga ugat. "Kruuk, totoo kaya ang sinabi ni Mang Kaliskis? Darating nga kaya s'ya mamayang gabi sa dalampasigan?", muli nitong tanong. "Kuk... kuk...", mahinang sagot ng batang Ardilya. Nag-aagaw antok na ito at napapabalikwas na lang sa t'wing magsasalita ang kaibigang paulit-ulit lang naman ang mga sinasabi. "Sana nga, Kruuk! Ang saya-saya ko!", patuloy pa rin sa pagsasalita si Alger. Huminto na lang ito nang mapansing pumipikit-dilat na ang kaibigan. Nakangiti itong nahiga hanggang sa dalawin na rin ng antok. ***** Tiktilaok..! Tiktilaok...! "Gumising ka na, Kerubin. Maya-maya lang ay magmimisa na tayo.", sabi ni Padre Serafin habang baha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD