"MABUTI na lang at hindi tuluyang napahamak ang inyong lola! Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa inyong dalawa na huwag kayong lalayo? Bakit n'yo ako sinuway?!", sermon ni Esmeralda sa dalawang anak. Hindi naman sumasagot ang magkapatid. Nanatiling nakatungo lamang at walang imik. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na hindi dapat makita ng ibang tao ang tunay ninyong anyo?!", patuloy ng ginang habang pabalik-balik sa paglakad. "Alger, ikaw ang nakakatanda. Ikaw ang titingin sa iyong kapatid. Ikaw ang magpapakita ng magandang halimbawa na kanyang gagayahin. Ikaw ang magpapaalala sa kanya kung alam mong hindi tama ang kanyang gustong gawin!", sermon nito sa panganay. "At ikaw naman, Arun. Bilang nakababata, ay susundin mo ang iyong kuya. Hindi maaaring parati ka na lamang niyang pagbibig

