CHAPTER 12 - Batang demonyo

1546 Words

"IDANG! A-anong..., bakit humahangos ka?!", nagtatakang salubong ni Aling Dalmacia sa kaibigang halos matuyuan ng laway sa tindi ng hapo. Panay ang pagtatangka nitong makapagsalita ngunit puro paghingal lang ang nagagawa. "Maupo muna kayo nireng pagkaganda-gandang batang kasama mo.", aya ni Aling Dalmacia. "Sandali lang at ikukuha ko kayo ng maiinom.", pagkasabi ay nagmamadali itong nagtungo sa kusina at nang magbalik ay may lalagyan nang tangan. "Maryosep naman, Idang! Aba'y bakit ka sumugod dito ng ganitong oras, tirik na tirik na ang araw?! Paano kung dinimlan ka ng paningin? May kasama ka pa namang bata. Maigi at hindi ka humandusay sa gitna ng bukid. Biruin mong ubod ng layo ang nilakad n'yo. Tignan mo at pati itong bata ay putlang-putla na sa pagod!", panenermon ni Aling Dalmacia

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD