CHAPTER 11 - Banta at Panganib

1579 Words

NAGKASUNDO ang mga tao na magsagawa ng mahigpit na pagro-ronda maging araw man o gabi. Magsasalitan ang mga kalalakihan sa pagbabantay sa buong Traves, habang ang mga kababaihan naman ay tutulong sa pag-gawa ng mga pana, sibat at matutulis na buho. Ang mga kabataan ay tutulong din sa paggawa ng karagdagang mga sulo. Ang mga itak, punyal, jungle bolo, karet at ibang uri ng patalim ay ipinahahanda na rin. Mayroon silang ilang riple na makakatulong ng malaki. ANG takot ng magkababaryo ay napalitan ng tapang! Nabuo ang kanilang loob na magagawa nilang ipagtanggol ang kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng mahusay na pamumuno ng kanilang matapang na Teniente. Nagkaisa silang lumaban imbis na magtago at umiwas. Dahil may malubhang pinsala si Julian, si Esmeralda ang naging kahalili n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD