CHAPTER 10 - Pagkalat ng balita

1515 Words

KINABUKASAN ay sumilip na ang mukha ng haring araw. Nagbuga na ito ng mainit na singaw ng liwanag. Nakalabas na sa kani-kanilang tahanan ang magkakapitbahay. Karamihan ng mga pamilya ay nagtutulung-tulong sa pagliligpit at pagkukumpuni ng mga nasirang ari-arian. Ang iba naman ay nasa gilid ng balon at abalang-abala sa paglalaba at pagkukula ng mga damit na iniiwasang magtagulamin sa anggi ng ulan, habang ang ilan ay nagbibilad naman ng mga inasinang isda. "H-ha?! Totoo ba ang sinasabi mo?!", gulat na tanong ng isang ginang sa mga kasamang ginang. Nahinto pa ito sa paghampas ng palu-palo sa damit na binabanlawan at nakaawang ang mga labi sa hindi kapani-paniwalang balita na narinig. "Narinig ko lang din ang kwento. Pero ang sabi-sabi, totoo daw! Hindi na kasi si Mitoy lang ang nakakita. M

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD