Chapter 2

2468 Words
Napasarap yata ang tulog ni James, alis singko na ng umaga ngunit tulog pa ito. Knock…knock…knock “ anak, papasok ka ba ngayon “ tanong ng nanay niya Nag-unat lang si James at parang ayaw pang gumising, mga ilang sandali pa ay napatingin ito sa wall clock at agad ito bumangon sa kina hihigaan niya. “ naku mi. napasarap ako ng tulog. May aayusin pa pala ako sa opisina bago ako pumunta sa party naming mamaya “ “ naku anak, mag-ayos ka na ng sarili mo at baka ma-late ka kung papasok ka pa pala sa opisina “ Agad itong naligo at inayos na ang gamit, tapos sinunod na niya ang kanyang pantalon na sira sira at t-shirt. Nag-ayos naman ang nanay niya ng pagkain dahil sigurado siya na hindi na makakakain ang anak niya dahil nagmamadali na ito. Pagbaba ni James para umalis na, hinarang siya ng nanay niya at inabot yung baon na hinanda para sa anak. “ Mi, salamat po. “ sabay yakap at halik sa ina Ngumiti lang ang nanay niya at tumango “ Mommy, mala-late po pala ako ng uwi mamaya dahil aattend po ako sa reunion at iinom din po ako “ paalam niya sa nanay niya “ ah sige anak, pero huwag masyadong uminom dahil magdri-drive ka pa pauwi ha? Tumango lang si James sa nanay niya at ngumiti, binuksan na niya ang gate sa kanilang  bahay at pumasok sa sasakyan. “ Mi, ako na po ang magsasara “ Tumango lang ang nanay niya sabay pasok sa loob ng bahay. Habang nasa daan naman ni James ay tumawag ito kay Jason. Ring…ring…ring “ Jason, papunta na ako sa office. May aayusin lang ako saglit at pupunta na ako sa venue. Kung sakali matapos ako agad puntahan na kita sa office nyo ha? “ “ brod, totoo ba yan? Baka naman niloloko mo na naman ako ha? “ tumatawang sagot ng kaibigan niya “ oo bro, may kakausapin lang ako at aalis na din ako “ “ ok bro, ingat. See you later “ “ see you “ Mga ilang saglit pa, nasa parking lot na siya ng opisina at mukhang walang ng bakante. Nag-ikot ikot ito hanggang sa may makita siyang isang paalis na sasakyan kaya inantay na lang niya ito at dun siya magpa-park. Pagka park niya, kinuha niya ang gamit niya at pumunta  na agad sa opisina. Habang naglalakad ay may naisip siyang nakalimutan. Ang baon na ginawa ng nanay niya dahil kapag nakita ng nanay niya na hindi  ito nakain ay siguradong magtatampo yun sa kanya. Kaya binalikan niya yung pagkain. Pag balik niya dun sa sasakyan, naisip niyang magyosi muna dahil napapagod na din siyang maglakad. Habang nagyo-yosi siya nakita niya si Cris kaya tinawag niya ito. “ Cris, huwag mong kalimutan yung budget pagpunta sa site ha? Kumuha ka din dun ng pang snack ninyo kung sino man ang isasama mo “ saad ni James sa tao niya “ Goodmorning sir, opo, mag aayos lang po ako ng dadalhin at aalis na din po kami “ “ that’s good cris, keep it up “ Sabay na sila umakyat sa opisina. Si James ay dumiretso sa canteen para kumain at si Cris naman ay dumiretso sa lamesa niya. Habang kumakain si James, nagche-check na ito ng email sa fone niya para kung may dapat siyang gawin ay magawa na niya agad at maka pag out na din. Napatingin siya sa relo niya at nakita niya na 9am na pala, nagulat siya dahil ang bilis ng oras. Hindi na niya inubos yung pagkain at pumunta na siya agad sa office niya. Naglalakad na si James papunta sa opisina niya, nakita niya si Cris at yung kasama niya. “ sir, aalis na po kami. Message or tawagan ko na lang po kayo kapag nakapag-site visit kami “ Tumango na lang si James, at tinapik ang balikad ni Cris. Nung nasa loob na siya ng opisina, nagcheck lang siya ng ibang design at nag ayos na din ng gamit niya. Tinawagan niya si Jason… “ hello bro, nasa office ka pa ba? “ tanong nito sa kaibigan “ oo, mga lunch time ako aalis dito bro “ “ mga 10 mins paalis na ako dito, susunduin na kita diyan “ “ ha? Bakit ang aga naman yata? “ nagtatakang tanong ni Jason “ akala ko ba sabi mo agahan natin pumunta sa venue? Kaya maaga kitang susunduin “ “ sige, puntahan mo na lang ako dito “ Binaba na ni James ang fone at nag-ayos na ng kanyang gamit, habang naglalakad siya palabas ng opisina nakita niya yung ibang tao niya. “ Guys, out na ako. If you have any problem regarding sa mga design, email niyo lang ako or tawagan para makita natin ang problem, ok? “ “ ok po sir “ Tuloy na naglakad si James palabas ng opisina at nagtungo na sa sasakyan niya. Mga 20 mins lang ang layo ng opisina nila james kina Jason pero sa bilis magdrive ni james kaya niyang i-drive ng 10 mins lang. Pag pasok niya sa opisina ni Jason, nakita niya agad ang parking space kaya agad ito nagpark at nagstay muna dun dahil alam niya na hindi pa tapos sa ginagawa niya si Jason. Naisip niyang pumunta sa smoking area muna at magyosi bago siya magmessage sa kaibigan. Ngunit nagulat siya dahil nandun din pala si Jason na nagyoyosi. “ uy bro, ang bilis mo ah? Akala ko i-indianin mo ako “ natatawang sinabi ni Jason sa kaibigan niya Tumawa lang ito at nagsindi na agad ng yosi para sabay na silang umakyat mamaya. Maya maya umakyat na sila at nag-ayos na din siya ng gamit para maka-alis na din sila at maka-punta na sila sa venue. Tinulungan ni James si Jason dahil sa dami nitong dala. Sumakay na sila sa sasakyan at nagsabi si Jason na mag drive thru sila para makakain muna dahil baka mamaya hindi na sila makakain dahil iinom na agad sila at mag aasikaso na din ng mga ka-klase  nila. “ James ako na magbabayad tutal hindi mo naman ako inindian ei “ “ loko loko ka talaga ah “ sagot ni james sa kaibigan niya Habang nasa sasakyan nila napansin nila na matraffic kaya kumain na yung dalawa sa sasakyan. “ bro, sino nga ba ang ine-expect mo mamaya? “ urirat ni Jason “ naku bro, wala akong ine-expect na darating sa reuinion natin “ naka ngising sagot sa kanya “ kilala kita bro, hindi  ka magtatanong sa akin kung wala kang hinahanap “ Nag-isip muna si James bago ito sumagot hanggang sa… “ si Alea bro, kasi naging kami dati pero walang kaming formal break up pero wala sa akin yun saka matagal na yun, bata pa tayo nuon nung naging kami “ “ ah… pupunta siya pero kasama niya yung barkada niya nung high school. Naging gf mo ba yun? Parang hindi ko naman nakita na nag-usap kayo nun? “ “ oo nga bro “ natatawang sagot ni james “ Ayan na bro, pumasok ka na sa parking lot. Sa bungad lang tayo mag park, para mamaya pag lasing na tayo hindi na tayo maglalakad ng malayo “ Sinunod naman niya ang sinabi ng kaibigan niya. At kinuha ang pinagkainin nila at tinapon sa basuran dahil ayaw ni James na makitang madumi ang loob ng sasakyan niya. Pumasok na sila sa restaurant at nandun na din ang mga food, kaya nilapitan na niya agad yun at binayaran. Pinaayos na din niya sa lamesa yung mga pagkain. Si James naman tumungo sa c.r para magpalit ng damit at naglagay na din ng pabango, nilagay lang niya yung tshirt niya sa loob ng bag niya para hindi na siya pumunta pa sa sasakyan. Nung lumabas siya sa c.r nakita niya na nandun na ang ibang mga classmates nila na nakaupo sa isang lamesa kaya dun agad dumiretso si James. “ James, ikaw na ba yan? Tanong ng isa “ oo, bro. bakit may nagbago ba sa akin? “ tanong nito “ mas lalo ka kasing naging gwapo? Siguro may asawa ka na? “ “ naku, wala nga gf ei, asawa pa? “ pa ngising sagot nito “ naku yan si James, choosy yan sa babae. Kahit maraming nagpaparamdam na babae diyan, deadma lang kasi workaholic lang “ sinabi ni Jason sa classmate nila “ Jason wala pa talaga yung right girl para sa akin “ sagot agad ni james “ nagpapayaman pa yata ei “ natatawang sinabi nung isa “ bilisan mo na bro, baka mahuli ka sa byahe niyan “ sagot naman nung isa “ mga loko loko kayo ah, ako pinag tri-tripan niyo. Kumain at iinom na lang tayo baka kapag na lasing ako makita ko na ang babae para sa akin “ pa tawa sagot ni James Tumayo na sila at kumuha na ng pagkain, habang kumukuha sila. Dumating si Alea at ibang ka-klase nila. Hindi napansin ni James pero nakita agad ni Jason kaya pinuntahan niya agad si James para sabihin na dumating na ang ex niya. “ bro, huwag kang mainggay. Niloloko na nga ako baka mamaya lokohin ako kay Alea ei “ Tumahimik na si Jason at umalis, hindi tinitinggan ni James ang lugar na pinag stayan nila Alea pero biglang… “ James, dito ka pala? Tanong ng kasama ni Alea Kaya napatinggin si Alea kay James at ngumiti. “ kumusta? Oo, kasama ko si Jason kasi isa siya sa nag-organize ng reunion natin “ sgot ni James Napatitig si Alea at hindi nakapag salita agad. “ girl, anong nangyari syo? “ tanong ng kasama niya kay Alea “ hi Alea, musta? “ tanong ni James “ ha? Ok lang, ikaw? “ sagot naman ni alea kay james “ I’m good, kuha na kayo ng food and let’s party. Mahaba pa ang gabi na magkakasama tayo, punta lang ako sa table ko ha? Enjoy! “ Tumango lang sila sa sinabi ni James at sabay tumayo  na din para kumuha ng pagkain. Sunod sunod ng dumating ang iba hanggang makumpleto na ang listahan ng mga pupunta. Nagkakainin, nag-iinuman, nagkakantahan at yung iba sumasayaw. Si Jason naman halos wala ng paki sa bisita dahil nagsimula na itong uminom, si James naman tahimik lang umiinom at nagyo-yosi. Lumapit si Jason kay James. “ bro, ano nangyari kanina bakit natulala yung ex mo nung nakita ka? Nakakainis na tanong sa kaibigan niya “ ewan ko dun bro, hayaan mo siya “ sagot na parang walang paki sa pinaramdam nung isa “ naku bro, inlove pa yata sa iyo si Alea ah? “ “ uminom na lang tayo at magyosi “ sagot ni James kay Jason At kumuha na lang ito ng stick na yosi at nagsindi  na agad yung dalawa. Habang nagyo-yosi ang dalawa, may lumapit sa kanila at humiram ito ng lighter. Pag tingin ni James si Alea pala “ nagyo-yosi ka pala? “ tanong ni James “ oo, matagal na? pa join sa inyo ha? Tumango naman si Jason at nakipag kwetuhan kay Alea tungkol sa buhay buhay. Nalaman nila na Manager pala siya ng isang malaking company. “ kayo ano work ninyo? Tagal na ninyo na magkaibigan siguro hanggang sa work magkasama kayo?“ “ ay hindi, parehas kaming designer pero magka-iba kami ng opisina. Mahirap naman kung pati sa opisina magkasama kami baka magsawa kaming dalawa “ natatawang sagot ni Jason “ parehas kaming interior designer pero hindi kami magkasama sa work, baka maging lasinggero ako pag magkasama kami niyan “ pang iinis sa sagot ni james “ ang tindi mo bro ah? “ natatawang sagot naman ng isa Natatawa si Alea sa dalawa dahil sa tindi ng inisan nila. “ sige, dun muna ako guys “ paalam ni Alea Hindi napansin ni James na 4am na pala at si Jason ay umiinom pa din, lumapit ito sa kaibigan. “ bro, 4am na. uuwi na ako saka baka malasing pa ako ng sobra “ “ sige bro, mauna ka na at mamaya pa ako uuwi “ na parang nag uumpisa pa lang ito uminom “ sure ka ba? Paano ka uuwi? “ nag-aalalang tanong “ mag grab na lang ako bro, kaya ko, ako pa ba “ Hinawakan ni James ang balikat nito at tumayo na sa kina uupuan, lumapit naman si Alea kay James para humiram ulit ng lighter kaya sinamahan na lang niya muna ito bago ito umuwi. “ hanggang anong oras kayo dito? “ tanong ni Alea “ ako, pag tapos natin magyosi uuwi na ako, si Jason malamang bukas na uuwi yan tutal 24 hrs naman natin pina reserved ang venue “ “ uuwi ka na? magagalit ba asawa mo kapag hindi ka umuwi? “ “ hindi, wala akong asawa lalo walang girlfriend “ medyo tipsy na sgot Nag alala si Alea dahil naramdaman niya na medyo lasing na si James. “ are you ok?” tanong nya agad “ yes, I’m ok. Pero pag nagstay pa ako dito baka hindi na ako makauwi dahil malalasing na ako, hindi na ako magpapaalam sa iba ha? Kasi pag nagpaalam pa ako hindi pa ako makauwi agad. Ikaw na lang magsabi sa iba pero nagsabi na ako kay Jason “ sagot ni James Kaya sinamahan ni Alea si James kung saan naka park ang sasakyan niya, at hinalikan niya sa pisngi si James. “ ingat ka ha? Dahan dahan lang sa pagdri-drive “ Tumango lang si James at saka pina-andar ang sasakyan pauwi sa kanila. Nang makapasok si Alea ay pinuntahan niya si Jason upang kunin ang number ni James, at dahil sa medyo lasing na din ito kaya naibigay niya yung number ni James kay Alea. Mga 30 mins dumating na sa bahay si James, binuksan ang gate at pinasok ang sasakyan. Bago pa ito pumasok sa bahay ay nagyosi muna ito malapit sa gate nila para bumaba ang tama ng beer ininom niya. Pag pasok niya sa loob ng bahay, dumiretso siya agad sa refrigerator para  kumuha ng malamig na tubig saka ito umakyat sa kwarto. Nag shower na din siya para mawala ang lasing niya at masarap din tulog. Hindi niya napansin na tumunog ang fone niya at nagmessage si Alea. “ Hi James, this is Alea. Nasa bahay ka na ba? “ nag aalalang message niya kay James At pag labas ni James, nakita niyang nag bli-blink ang fone niya kaya tiningnan niya ito, nakita niya ang message ni Alea. Binasa niya at ni-replayan. “ yes, I’m home. Thanks! Ingat and goodnight “ Hindi na nakasagot si Alea dahil naramdaman niya na parang tinapos na ni James yung convo nila. Kaya nakipag inuman na lang siya sa mga kasamahan nila. At si James naman ay nakatulog na agad sa lasing.                              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD