Ang aga aga may tumatawag na agad kay James, pero hindi niya sinasagot ang tawag ng tumawag sa kanya. Nung naka anim na beses na medyo naiinis na siya kaya tiningnan ni James kung sino yung tumatawag sa kanya. Si Jason pala, kaya agad niya itong tinawagan.
“ hello bro, bakit naman ang aga mong tumawag sa akin “ tanong na parang antok na antok pa
“ bro, nandito pa ako, punta ka at dito ka na lang mag breakfast. Ang daming pang pagkain at inumin, hindi pa kami tapos uminom “ sagot ng kaibigan na mukhang hindi pa din nalalasing
“ ano! Nandiyan ka pa din? Nakatulog na ako lahat, ikaw na sa inuman pa din “
“ sige na bro, punta ka na dito. Antayin kita ha? See you “
Sabay baba ng telepono kaya no choice si James. Tumayo na siya at agad na naligo para puntahan ang kaibigan na kahapon pa umiinom. Nang matapos siyang maligo at magbihis at agad na ito bumaba para mapuntahan agad ang kaibigan.
“ anak, Saan ka pupunta? Sabado ngayon at walang pasok sa opisina “
“ naku mi, si Jason hanggang ngayon na sa inuman pa din. Pinapupunta ako duon para dun na daw ako kumain “
“ naku naman anak, yang bestfriend mo na yan talagang walang kupas sa pag-inom akala mo mauubusan ang alak sa mundo “
Tumango lang si James sa nanay niya at hinalikan ito, sabay labas ng pinto at binuksan agad ang gate sabay sakay sa sasakyan.
Habang na sa sasakyan, nakatanggap naman ito ng text message. Kaya tiningnan niya.
“ goodmorning, how’s your sleep? “
Number lang ang nag-appear sa fone niya kya tinawagan niya agad, naisip niya baka kung sino.
“ hello, how’s this po? Tanong ni James duon sa nagmessage sa kanya
“ hello james, si Alea to. Hindi na kita minessage kagabi baka kasi nakatulog ka na agad dahil napansin ko na medyo nalasing ka?
“ ah… pasensiya ka na Alea ha? Paano mo pala nakuha number ko?
“ kinuha ko kay Jason kagabi, nawo-worry kasi ako dahil medyo naka-inom ka tapos late na din nung umalis ka dito “
“ ganun ba? Don’t say nandiyan ka din? Nag aalalang tanong din
Hindi na sumagot si Alea kaya naisip niya na nandun pa nga.
“ sige, see you later dahil pupunta ako diyan. Nagdri-drive lang ako ngayon
At binaba na ni James ang telepono, naisip niya na itong si Jason talaga kahit kalian basta nakakainom wala ng paki kung sino man ang kumuha ng number ng kaibigan niya. Sabi niya sa sarili niya..
“ humanda sa akin pag dting ko sa restaurant “
Kaya nagpatuloy na siya sa pagdri-drive niya hanggang makarating ito sa restaurant. Buti at walang naka park dun sa pinag parkinggan niya kahapon kaya dun ulit siya nag park.
Nag-stay muna siya saglit sa parking lot at nagpabango bago ito pumasok sa loob.
“ ow you’re here bro, sakto at kakain na din ako. Sabay na tayo kumain ng breakfast “ medyo lasing na pero kaya pa din sarili niya
“ uy ano ka ba bro? naka uwi na ako at nakatulog, ikaw umiinom pa din? “
“ minsan lang naman ito bro, hayaan mo na ako mag enjoy “
Nakita niya si Alea na natingin at papalapit sa kanila, kaya umiwas agad si James at pumunta sa restroom. Ayaw niya yung feeling niya na ang babae ang nagpaparamdam sa kanya. Hindi lumalabas ng restroom si James at nagulat na lang siya ng pumasok si Jason sa loob ng restroom.
“ bro ang tagal mo naman dito, kanina pa kita inaantay. Kakain na tayo “
“ na iilang kasi ako kay Alea ei, at bakit mo binigay number ko dun? Naiinis na tanong ni james
“ ha? Nabigay ko ba? Naku sorry bro akala ko kasi ok lang sa iyo kasi ex mo naman siya “
“ hay naku, ikaw talaga. Wala kang kupas bro “
Hinatak na ni Jason si James palabas na ng restroom, at agad naman ito nakita ni Alea.
Nahiya tuloy si James dahil nakita ni Alea na hinahatak siya ni Jason pabalas ng restroom.
Tumungo sila sa kainan para kumuha ng pagkain at lumapit si Alea.
“ Jason can I borrow your lighter? “ sabi ni Alea
Kinuha ang lighter sa bulsa ng pants niya at ibinigay ito kay Alea, pagkakuha ni Alea ay tumalikod na ito.
“ Alea, kumain ka na ba? “ tanong ni James
“ sige mamaya na lang ako kakain “ sabay talikod ulit
“ hindi sabay na tayo kumain, gusto mo ba kuhanan kita ng food? “ pangungulit na sabi ni James
“ huwag na, sige yosi na lang muna ako saka ako kukuha ng pagkain “ sagot ni Alea
“ no, let’s eat first. Tapos sabay na tayo mag-yosi “ giit ni James
Tumango na lang si Alea sa sinabi ni James, kaya binalik niya ang lighter kay Jason. Binigay ni James ang pinggan niya kay Alea para makakuha na ito ng pagkain. Iniisip ni James na nagu-guilty siya dahil naramdaman ni Alea na parang umiiwas ito sa kanya. Kaya para mabawasan ang guilt feeling nito ay inalok na lang niya na sabay sila kumain.
Pagkakuha nila ng food, pumunta na si James sa lamesa.
“ dito ka na kumain Alea “ sumunod naman yung isa
Habang kumakain, pinilit ni James na huwag maramdaman ni Alea na niilang talaga siya. Kaya tinanong niya ito
“ may dala kang sasakyan? “
“ meron, saka baka maya maya aalis na din kami “
“ ako hindi ko pa sure dahil mukhang walang balak umuwi itong si Jason “ patawang sagot nito
Tumawa lang si Alea at ramdam niya na parang wala ng tense sa amin. Nang matapos si Alea kumain ay inantay lang niya matapos kumain si James para makapag yosi na sila. Si Jason naman ay kumuha ng tatlong beer para sa kanilang tatlo.
“ bro, hindi ka pa ba tapos kumain? hapon na? pang iinis na sabi nito sa kaibigan
“ tapos na po ako kumain, ano hindi pa tapos uminom at kumuha ka pa talaga ng tatlo? Sagot naman ni James
“ ano ba kayong dalawa? Hindi kayo masaya, kapag hindi ninyo naiinis ang isa’t-isa ano?
“ ganyan lang talaga kami, pero iinom din yan si James “ nakakalokang sagot
“ halika mag-yosi na lang tayo “ yaya ni james sa dalawa
Tumungo na sila sa smoking area at nagsindi na ng sigarilyo, si Jason dala dala ang bote ng beer niya pero yung dalawa ay iniwan naman sa lamesa.
“ bro pag tapos mo niyan, uwi na tayo ha? “
“ mga tatlo pa bro, tapos uwi na tayo “
“ kami naman baka pag tapos natin magyosi, umuwi na din kami kasi ihahatid ko pa yung dalawa sa bahay nila “ sabi naman ni Alea
“ sakto Alea, pasama ka kay James para makapag usap naman kayo. Pag balik niyo tapos na ako uminom “
“ ano? “ na iinis na sagot ni James
“ huwag na, mukhang ayaw naman ni James “ sagot ni Alea
“ papayag yan Alea, diba bro? hatid niyo muna yung dalawa saka niyo ako balikan dito “ nakaka inis na tingin sa kaibigan niya
“ ha? Ah oo, ayos lang, ayoko din naman uminom na. Tapos naka inom ka din kaya ako na lang ang magdri-drive “
At pumasok na sila sa loob ng restaurant, dumiretso si Alea sa lamesa ng dalawang kaibigan niya at si James naman napipikon sa kaibigan dahil alam naman niya na naiilang na siya pero pinagdidikan pa niya lalo.
Lumapit na si Alea kasama pa yung dalawang ka-klase nila. Nagpaalam na din sila sa iba.
“ Jason mauna na kami ha? Thank you, dahil natuloy din ang get to together natin sana maulit ulit kasi masaya. Message lang sa group chat natin “
“ oo, sana every month meron tayong reuinion para masaya “ sagot ni Jason sa mga ka-klase nila.
Napatingin si James kay Jason at pinag lakihan niya ng mata, naisip niya kaya gusto niyang every month para buwan buwan siyang iinom.
“ sige, ingat kayo guys “ sabi ni Jason
Lumabas na ng restaurant sila kasama si James, sumunod lang siya kay Alea dahil hindi naman niya alam kung ano ang sasakyan nito. Nung nandun na sila, kinuha ni James yung susi ng sasakyan para siya na ang magdrive. Inabot naman ni Alea yung susi kay James at saka sumakay na ng sasakyan.
“ saan pala tayo? “ tanong ni james dun sa dalawa
“ sa Quezon City kaming dalawa James, kahit sa Tandang sora na lang kaming dalawa “
Tumango lang si James, at nagsimula na itong magdrive. Nagtitinginan sila Alea at yung dalawa sa likod. Napansin naman agad ni James kaya…
“ what’s wrong guys? May dumi ba mukha ko? “
Ngumiti lang yung isa sa likod pero yung isa naman sumagot
“ wala James, mas lalo ka kasing naging gwapo. Saka ang bango bango mo “
Napa tawa na lang si James sa narinig at napatingin kay Alea.
“ oo nga James, mas gwapo ka ngayon “ sabi ni Alea
“ naku… ano gusto niyo? Starbucks? Natatawang sagot ni James
Yung isang tatahi-tahimik ay biglang napasagot.
“ true James, gwapo ka nga talaga “ sabay tawa
Tumawa lang ng tumawa si Alea, sabay tingin kay James kaya tumawa na din si James. At nung may nakita si James na Starbucks nag drive thru sila dun.
“ uy, James huwag na “ sabi ni Alea
“ hindi, gusto ko talagang magkape “ sagot ni james
At kinuha na ni James ang order na tatlong girls, saka nagpatuloy sa pagdri-drive. Nung nag-sip si James ng kape niya may tumapon ng konti kaya to the rescue si Alea at pinunasan agad ang bibig nito.
“ uy… bagay pala kayong dalawa “ sabi ng ka-klase nila
“ huwag, baka mailing na sa akin si James “ biglang sagot naman ni Alea
“ oo girl, bagay kayo. Single naman si James, single ka din, maganda ka naman tapos gwapo naman siya kaya magiging maganda o gwapo magiging anak ninyo “
Umiling lang si Alea at si James naman namula ang pisngi sa hiya, naisip niya alam kaya nila na naging kami dati ni Alea.
“ naku, change topic na lang tayo baka mainis si Alea “ sabi ni James sa dalawa
Mga ilang sandali pa…
“ dito na tayo sa tandang sora, saang banda tayo ? tanong ni James
“ sa may mercury na lang James “
Dahan dahan na siyang gumilid at nag hazard ng sasakyan.
“ thank you James, Alea sa paghatid sa amin. Ingat kayo “
“ welcome sis “ sagot ni Alea
Nag smile lang si James, at nung nakita niya na naglalakad na palayo yung dalawa saka pina-andar na ni James yung sasakyan. Napaka tahimik na sa loob ng sasakyan dahil wala na silang kasama, siguro nagpapakiramdaman lang silang dalawa kung sino unang magsasalita.
“ ok ka lang ba James? Pasensya ka na sa dalawa ha? Niloloko kasi nila ako sa iyo kahapon pa “
“ ok lang yun “ sabay ngiti
“ bakit pala wala ka pang asawa or girlfriend? “
“ hindi ko pa siguro nakikita yung babaeng makakatuluyan ko, pero darating din sa akin yun “
“ sabagay, ako nakita ko na kaso kinuha naman sa akin agad buti na lang nagka anak kami kaya masaya na din ako. Kaya ikaw dapat hanapin mo na ang babae para sa iyo para mas maging masaya buhay mo “
Ngumiti lang ito at hindi na sumagot dahil sa totoo hindi pa niya naiisip mag-asawa, masaya pa siya sa pagiging binata.
“ drive thru tayo sa mcdo, parang gusto ko kasing kumain ng cheese burger saka ng soda “ yaya ni James
“ dun na lang tayo kumain, para naman mas mag-enjoy si Jason sa pag inom niya “
Tumango at nag park na ng sasakyan, nang pumasok sila sa loob ng mcdo kinuha na ni James ang order ni Alea at sinabi na niya sa counter. Nung magbabayad na ay binigay na agad ni Alea yung bayad sa counter.
“ no, ako na. ako nagyaya sa iyo “
“ ako na, ikaw na nagbayad sa Starbucks kanina kaya ako naman ngayon “
Hindi na tumutol si James kaya kinuha na lang niya yung order at naghanap ng mauupuan.
“ James, ano pala gusto mo sa isang babae?”
Natatawa si James dahil ayaw talaga siyang tantanan, bakit ba gusto nila magka gf or asawa ako. Ei ok lang naman sa akin na single ako.
“ wala akong qualification sa babae? Basta naramdaman ko na gusto ko or mahal ko pero ngayon, wala pa talaga. Bakit mo natanong? “
“ mag aapply kasi sana ako? “ sabay tawa ng malakas
Bigla na lang uminit ang mukha ni James at gusto nitong lumubog sa kina uupuan niya. Hindi niya ine-expect na sasabihin ni Alea yun sa kanya.
“ naku kumain na lang tayo, nagkakalokohan na ei “
“ totoo james, diba naging tayo naman dati, bakit hindi natin try ulit? “
“ Alea, sorry pero wala na akong nararamdaman sa iyo kasi bata pa tayo nung naging tayo. Marami ng nangyari, may kanya kanya na tayong buhay. Pero hindi ko sinasara feelings ko, kung siguro in the end tayo. Magiging tayo sa huli “ nahirapan I-explain kay Alea ang sitwasyon
” I understand but I’m willing to wait James “ malungkot na sagot ni Alea
“ let’s eat na lang and enjoy, ok? “
Tumango lang si Alea at nagpatuloy na ito sa pagkain. Umabot sila ng isang oras kaya tumawag na si Jason sa kanila
“ bro, nasaan na kayo? “
“ ito, papunta na diyan. Tapos ka na ba uminom? “
“ patapos na bro mga two bottles na lang, solve na ako? Sagot ng kaibigan
“ ok, gusto mo kape? Nsa mcdo kami? “ tanong ni James
“ sige, bili mo ako bro. thanks! “
Sinabi ni James kay Alea na gusto ni Jason ng coffee kaya pumuta ito sa counter at bumili ng kape.
Mga ilang saglit pa, nasa restaurant na sila James at Alea, sinundo na nila si Jason na lasing na. Binigay na din ni Alea ang kape kay Jason. Nagyaya ni James si Alea na magyosi bago silang lubusang maghiwalay. Walang kibo si Alea dahil hindi pa nagsisimula ei na basted na agad siya ng dating bf niya.
“ ok ka lang ba Alea? “ nag-aalalang tanong
“ yes, im ok? Don’t worry James. I’ll be fine “
Pa-guilty effect ni Alea pero deadma naman kay James. Lumapit yung ibang ka-klase nila at nagpa-alam na, sumunod na din si Jason na tipsy pa lang. Ng matapos silang magyosi ay nagpaalam na sila sa isa’t-isa.
“ pano James, next time na lang? text text pag may time?
“ sige Alea, ingat ka ha? Message mo ako pag na sa bahay ka na? “
“ kayo din ni Jason “
Hinalikan na niya sa pisngi si James sabay lakad papunta sa sasakyan niya.