Chapter 4

2578 Words
Hinatid na ni James si Jason sa bahay nila at umuwi na din ito agad. Pagdating sa bahay ay kinumusta agad ng nanay ni James si Jason dahil sa nai-kwento niya na hindi pa ito umuuwi simula nung gabi. Hinalikan ni James ang nanay niya at nagmano naman ito sa tatay niya. “ naku mi, ayaw magpaawat sa pag inom. Naghatid na nga po kami ng ibang ka-klase namin saTandang Sora saka naming binalikan ni Alea si Jason sa restaurant “ kwento ni James sa nanay niya “ teka… Alea ba kamo? “ tanong ng ina nito “ opo mi, bakit po? “ “ diba yun yung ex mo na iniyakan mo dati? Kumusta na siya? “ “ ok naman po, may asawa kaso namatay na pero may anak naman po siya kaya ok na din “ “ aba sakto anak, baka siya ang babaeng para sa iyo. Ano sa palagay mo? “ Napakamot na lang ng ulo si James ng marinig na sinabi ng nanay niya ito, parang lahat ng tao gusto silang maging sila ulit. Ngunit wala sa siyang nararamdaman kay Alea, saka ayaw niya sa babae yung unang gumagawa ng moves. “ uy… anak? Ano na nangyari sa iyo? Nasabi ko lang na baka kayo ei kung anu-ano na naiisip mo “ niloloko sabi ng ina sa anak “ haist… no comment na lang mi “ At umakyat na agad ng kwarto si James. Maya maya ay nakatanggap ito ng message galing kay Alea. “ I’m home, take a rest. Salamat nga pala at sinamahan mo ako ihatid sila at sa Starbucks. “ Hindi alam ni James kung magre-reply ba ito or de-deadmahin na lang ang message sa kanya. Kaya naligo na  lang si James at nung titingnan niya ang fone niya ay may message na naman galing kay Alea. “ I’m sorry, I can’t help it James. Nung nakita kita kahapon, iba naramdaman ko. I felt na yung feelings ko before bumalik at mas lalo kitang nagustuhan dahil hindi ka nagta-take advantage sa taong may gusto sa iyo. I love you James and I’m willing to wait… “ Nung time na yun ang lalong nag dalawang isip na sagutin ang text sa kanya kaso parang bastos naman kung kahit isang paramdam ei hindi niya magawa. Nag-iisip siya ng magandang sasabihin pero wala siyang maisip dahil totoo, wala siyang nararamdaman na kay Alea. Tumawag siya kay Jason, pero hindi sinasagot. Naisip niya na baka maagang nakatulog dahil halos walang tulog yung kaibigan niya kaya hinayaan na lang niya. Maya maya ay… Ring… ring… ring Tiningnan niya agad at baka si Jason na yung tumatawag kaso si Alea pala ang tumatawag sa kanya, sinagot niya at nagpanggap na tulog na. “ hello… “ mahinang boses “ james, tulog ka na ba? “ tanong ni alea dahil sa hina ng boses “ oh… Alea, oo nakatulog ako pag dating kaya hindi na ako nakapag message sa iyo “ “ ay.. sorry. Sige magsleep ka na, text mo ako pag gising mo ha? “ At binaba na agad ni James ang telepono, naisip niya bakit pala niya nasabi na hindi na siya nakapag reply ei kung tulog na naman pala siya.  Papaano niya sasabihin kay Alea na friends lang talaga sila dahil ayaw niya. Humiga na si James sa kama pero pa-ikot ikot siya dahil sa pinagtapat ng dating ex niya. Hindi naman siya makapag bukas ng social media dahil makikita na gising pa siya. Minessage na lang niya si Jason at sinabihan na tawagan siya agad pag nagising na ito. Umabot na ng 4am pero gising pa din si James, tumatakbo sa isip niya na sana matanggap ni Alea na hindi na pwedeng maging sila dahil kaibigan na lang talaga ang kaya niyang i-offer. Kakaisip niya nakatulog na pala ito, kaso saka naman tumawag si Jason sa kanya. “ hello bro, bakit? Anong prob? Na-miss mo ba si Alea? “ “ huwag mo na akong biruin kay Alea bro, nililigawan na nga ako at yun ang problem ko “ “ anong sabi sa iyo bro? or reaction niya? “ “ sabi ko friendship lang ang kaya kong ibigay sa kanya “ “ ayun naman pala ei, deadmahin mo na lang bro. matulog na ulit tayo, mamaya na tayo mag-usap or puntahan kita dyan. Magbanlaw tayo diyan sa inyo “ “ sige bro, pumunta ka na lang dito mamaya “ Binaba na nila parehas ang fone at nakatulog na din agad si James sa sobrang pag iisip. Maagang nagising si James at bumaba agad sa baba para magluto ng makakain. Tinignan niya ang laman ng ref nila at nakita niya na may baka sila, kaya nagluto agad ito ng bulalo dahil iinom sila ni Jason mamaya. Nagluto na din siya ng agahan para pag gising na magulang niya ay makakain na sila sabay sabay dahil tuwing lingo lang sila nagkakasabay kumain. Minessage na din niya si Jason na bumili ng beer para hindi na ito lalabas pa mamaya. Habang nagluluto ito nakatanggap na naman siya ng message kay Alea kaya minabuti niya na replayan na lang ito. “ goodmorning, nagpre-prepare lang ako ng breakfast and lunch namin, pupunta si Jason mamaya dahil nagyayaya siyang uminom “ “ iinom na naman siya? Buti hindi ka kaparehas ng bestfriend mo ano? “ “ may limitation naman ako “ “ can I go there later? “ “ maybe next week na lang if you want? For the boys muna “ “ ok, no problem! I will call you later pag nandyan na si Jason “ “ ok, bye “ Ramdam ni James na puspusan ang panliligaw sa kanya ni Alea pero naisip niya na hayaan na lang niya ito hanggang sa mapagod at sumuko sa nararamdaman. Mga ilang oras lumipas ay may nagdo-door bell na. Binuksan ng nanay niya ang gate at nakita niya si  Jason. “ Jason anak, mukhang gusto mo na ubusin ang beer ah? Hinay hinay lang kayo at baka mapano kayo niyan “ pag aalalang sinabi ni nanay ni James Nagmano ito at sinabi.. “ mi minsan lang po, nag enjoy lang dahil sobrang busy sa trabaho “ “ pumasok ka na at akyatin mo na din sa kwarto si James “ Kaya umakyat na ito agad, at nakita niya si James na hawak hawak ang kanyang  celfone. “ I’m here na bro, anong tinitingnan mo? “ sabay silip sa fone ng kaibigan “ ano ba bro “ patago niyang tinago para hindi makita “ sus… problemado pero tinitingnan naman niya ang social media nung isa, pakipot ka pa. single naman kayo parehas kaya walang masama dun bro “ Binulsa na lang ni James ang fone niya at niyaya ng bumaba para kumain at makainom na sila. Habang kumakain kasama magulang nito ay sinabihan niya si James na hayaan lang si Alea kung ano ang gustong iparamdam sa kanya. Napa iling na lang si James kay Jason  dahil sa harap mismo ng magulang ito nagsalita. Masyado kasing madaldal si Jason hindi niya napansin na kasabay pala nila ang magulang ng kaibigan niya. “ anak, ano ba ayaw mo kay Alea? “ tanong ng ina “ mi bata pa nung naging kami at wala na akong nararamdaman sa kanya ngayon. Hindi ko na siya mahal at masaya ako sa pagiging single “ “ anak, gusto ko magka apo para may batang makulit dito sa bahay “ sagot naman ng tatay niya Hindi na kumibo si James dahil tatlo sila at nag-iisa lang ako. Pagtapos naming kumain ay pumunta na kami sa sala para uminom, niyaya niya ang tatay niya para tatlo silang mag inuman. “ sige kayo na lang, bata pa naman kayo? Sagot ng tatay niya Nang maubos ang beer na binili ni Jason ay plano pang bumili pero inawat na siya ni James dahil may pasok pa kina umagahan at uuwi pa si Jason. “ bro, next week na kailangan nating magpahinga. Baka hindi pa tayo makapasok sa sama ng pakiramdam natin “ Tumango naman si Jason sa kaibigan at nagpa-alam na din na uuwi na. pag alis ng kaibigan naisip niya si Alea dahil sabi niya tatawag siya pag nandun na si Jason pero hindi siya tumawag. Kaya si james mismo ang tumawag kay Alea. “ hello Alea, naka alis na si Jason. Nawala sa isip ko na imessage ka para makatawag ka “ “ ayos lang, sabi mo naman kasi for the boys kaya hindi na ako tumawag baka kung ano pa isipin nun “ “ ah ok, sige na. pahinga ka na at bukas may pasok na naman “ “ ok, goodnight James, sweet dreams “ Binaba na ni James ang telepono at nag-shower na din. At nung nakahiga na ito nagcheck lang saglit ng email tpos social media at natulog na din. Mga 4am nagising na si James, inayos ang gamit dahil may bago silang project at kailangan niyang ayusin sa opisina. Naligo na sya agad at saka umalis pag nakarating sa opisina ay hindi pa nagme-message si Alea. Bigla siyang napa isip. Galit kaya sa kanya dahil gusto niya pina punta kahapon pero sinabi naman niya na next week na lang dahil for the boys muna. Napa isip  hanggang makapasok sa loob ng opisina niya. Pero naisip niya baka nagpapamiss lang iyon kaya hinayaan na lang niya at agad na nagtrabaho. Pinatawag niya si Cris at tiningnan ang mga litrato na kinunan nila nung nag site visit sabay tingin sa blueprint. “ Cris, ano masasabi mo sa restaurant? “ tanong ni James “ sir, simple lang ang design nila baka yun ang gusto ni Mr. Santos “ sagot naman nito sa boss niya “ ano mga menu nila? “ “ more on pasta, pizza sir “ “ ah ok, so dapat Italian design ang gagawin natin para mag match sa restaurant nila “ Tumango naman si Cris kay James “ ok sige ako gagawa ng layout tapos ituloy niyo na lang “ “ sige po sir “ at lumabas na ito ng kwarto Nagde-design na si James at bigla naman tumawag si Alea, hindi na nga niya iniisip ito dahil marami na siyang ginagawa. “ oh, napatawag ka Alea? “ “ hindi ako nakapasok kasi may sakit ako? “ sabi ni Alea kay James “ why? “ “ I don’t know, basta pag gising ko mataas na lagnat ko. Tapos wala pa mga bata dito ngayon “ “ may gamot ka? “ “ wala ei, pero lalabas ako mamaya para bumili ng gamot “ “ no, wait for me. Ibibili kita? “ “ Saan ka ba nakatira? “ sa Vista Verde “ “ sige message mo sa akin full address mo ngayon at puntahan kita diyan, bibili kita ng gamot at makakain mo “ Binaba na agad ni James ang fone at tinawagan naman niya si Jason. “ bro nsa office ka? “ “ oo bro, why? “  “ May ibibigay ako sa iyo ng address, puntahan mo. Bumili ka ng gamot at pagkain, may sakit si Alea“ “ ei bakit ako pupunta? Hindi naman ako tinawagan saka ikaw ang gusto nung makita at mag alaga sa kanya “ “ bro, marami akong ginagawa pero mamaya pag out ako, didiretso ako duon “ “ ei baka kayo nga magkatuluyan niyan bro “ “ ewan ko sa iyo, antayin mo message ko at puntahan mo “ Sabay baba ng telepono. Nung natanggap na niya ang text ni Alea, pinasa na niya agad ito kay Jason. At nagmessage na siya kay Jason “ sige susundin ko utos mo pero may utang ka sa akin ha? Sasamahan mo ako sa Wednesday night kay architect “ sagot ni Jason kay James “ sige na, sasamahan kita bro basta sundin mo lang inuutos ko “ Sinunod nga ni Jason yung utos ni James. Pagkabili ng gamot at pagkain dumiretso na agad si Jason sa bahay ni Alea. Nagulat si Alea dahil ang ine-expect niya si James ang pupunta ngunit si Jason pala. “ Alea inutusan lang ako ni James, sobrang busy kasi siya ngayon pero sabi niya mamaya daw pag out niya dadaan siya dito. “ “ ganun ba? Sige,salamat. pasok ka muna Jason “ “ hindi na, mauna na din ako kasi may meeting ako mamaya “ “ ok, salamat ulit “ At umalis na agad si Jason, nung nasa office na siya nagmessage ito kay James “ sir James, na deliver ko na po yung gamot at pagkain ng ex at future mo, ok na po ba sir? Pang iinis na message sa kaibigan niya “ salamat bro, sige work na muna ako “ At nagmessage din sa kanya si Alea “ James, salamat sa padala mo, sana hindi mo na inutusan si Jason. Nahiya tuloy ako “ “ walang problem, kumain ka na at uminom ng gamot. Puntahan na lang kita mamaya pag out ko. Message mo lang ako kung ano kailangan mo para pag pumunta ako diyan madala ko “ Hindi na sumagot si Alea at sinunod niya niya utos ni Jamse. Natulog din siya para masabihan na good girl siya. Mga 3 hrs, nagising na si Alea at nagmessage ito kay James. “ hi! Busy? What time ka punta? “ Nung nabasa ni James yun agad ito nagreply. “ hello, mamaya pa para mag-out ko, may tinatapos kasi kaming design “ “ sige, miss na kasi kita ei “ Hindi na sumagot si James, naisip niya na totoo ba na may sakit yun baka naman wala at gusto lang niya na pumunta ako sa bahay nila. Nagkaroon pa tuloy ako ng utang kay Jason. Hinayaan na lang niya kung totoo or wala naman sakit si Alea talaga. Kumatok si Cris sa opisina ni James para ibigay ang natapos na design, tinignan lang ni James at tumango. Tinawagan niya si Mr. Santos “ hello Mr. Santos, si james po to. Available po ba kyo tom? “ “ ok james, punta ka na lang sa restaurant bukas “ “ ok sir, see you tom “ Pagkababa nila ng fone ay nag ayos na din si James ng gamit para makapag out na. dadaan pa kasi siya kay Alea dahil na promise niya dito na pupunta siya. Naglakad na palabas ng kwarto si James. “ see you guys tom, Cris agahan niyo tom. May meeting tayo kay Mr. Santos “ “ yes sir “ sagot naman nito Sumakay na ng sasakyan si James at biglang nagmessage na naman si Alea “ where are you? “ “ im coming, see you later “ Nang makarating sa bahay ni Alea, nakita niya na ang laki ng bahay pero nag iisa lang siya. Nakakalungkot tingnan ang bahay nila Alea sobrang laki pero nag-iisa lang siya na nakita dito. Hindi pa lumalabas ng sasakyan si James pero binuksan na ni Alea ang gate.  “ huwag na, hindi naman ako magtatagal. Nag dropby lang ako para kumustahin ka at uuwi na din ako agad dahil maaga appointment namin sa client namin. How are you? “ “ medyo ok na pkiramdam ko, kailangan ko lang magpahinga siguro “ “ oo, you need to take a rest. Mag leave ka muna sa work mo ng ilang araw “ Tumango lang si Alea, at nagpaalam na din si James para makapag pahinga na din. Gusto pa sana ni Alea na magstay dun si James kaso naisip niya na may pasok din kina umagahan at busy yun the whole day.                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD