Nang maka uwi si James ay agad na ito umakyat, halos hindi na siya nakapagshower at nakapag palit ng damit sa pagod. Nagising na lang siya, umaga na at nagmadali agad ito maligo at magbihis dahil kailangan niyang makapunta agad sa opisina sapagkat may meeting siya kay Mr. Santos.
“ anak, kumain ka muna bago ka umalis “
“ hindi na po mi, nagmamadali lang po ako ngayon dahil may kakausapin po akong client “ sabay halik at yakap sa kanyang ina
Sumakay na agad sa sasakyan at pinaandar na agad ito. After 30 mins ay nasa opisina na siya. Pinatawag niya agad mga tao ngunit wala pa si Cris. Habang nagme-meeting ay bigla naman tumawag si Jason.
“ bro, mamaya na pala ang meeting ko kay Architect kaya samahan mo ako mamaya ha? “ sabi nito sa kaibigan niya
“ ha? Akala ko ba sa Wednesday night pa? Tuesday pa lang ngayon ah? “ tanong ni James
“ ei busy full ang sked niya sa Wednesday kaya mamaya na lang daw “
“ ok sige, puntahan mo na lang ako dito mamaya sa office “
“ ok, see you bro later “
At pinagpatuloy na nila ang meeting nila. Nakita niya si Cris na nagmamadali kaya tinawag niya ito para pumasok sa loob ng opisina.
“ guys, ayusin niyo na mga dapat naming dalhin mamaya. In 30 mins aalis na kami ni Cris “
Tumango naman ibang kasamahan nila at lumabas na din ng kwarto. Si James ay pumunta sa restroom para ayusin ang sarili. Pag balik sa office ay nag check lang ng email at nag aantay lang ng oras hanggang sa maka alis sila.
Mga ilang sandali pa ay pumasok na si Cris sa office ni James dala dala lahat ng kailgan nila sa meeting. Tumayo na si James dala ang laptop para sa presentation.
“ Cris, sasakyan ko na lang gagamitin natin “
“ ok po sir “ at sumunod lang ito sa boss niya dahil hindi niya alam kung anong sasakyan ang dala.
“ ready ka na ba sa presentation? “ tanong nito sa tao niya
“ yes sir, kumpleto naman po tayo sa gamit saka maganda naman po yung ginawa nating design para sa restaurant ni Mr. Santos “
Tumango lang si James, at positive naman sila sa mga gawa nila dahil tulong tulong sila sa pagde-design nun.
Nang makarating sila sa restaurant ay agad nila nakita si Mr. Santos, nag present na agad sila. At kita sa mukha ni Mr. Santos na gusto naman niya ang design na ginawa nila James at mga tao niya.
“ ok James, let’s do it, ilang months ba bago matapos ang project na yan? “ tanong agad ni Mr. Santos kay James
“ in two months time po Mr. Santos “
“ good, ayusin niyo na ang contract para masimulan na natin “
“ ok Mr. Santos “
“ anything to drink pala? “ tanong ni Mr. Santos
“ we’re ok po, will go ahead para maayos na namin ang contract and si Cris na lang po ang magdadala ng contract dito “
“ you can email the contract para less hassle na sa inyo “
Ngumiti na lang si James at si Cris dahil mabait kausap yung client nila at hindi na sila pinahirapan pa.
Naglakad na dalawa papunta sa sasakyan pero sabi ni James
“ pwede ba tayong dumaan sa shakeys, bibili ako para sa team natin dahil na closed natin yung deal kay Mr. Santos “
“ Sige po sir “ masayang sagot ni Cris
At nang may nakita silang shakeys tinuro ni Cris kay James at agad ito gumilid.
“ Cris ikaw na ang umorder para sa ating lahat “ sabi ni James at sabay bigay ng pera
Lumabas na agad si Cris para umorder at si James naiwan sa sasakyan. Habang inaantay niya si Cris, naisipan niyang imessage si Alea para kumustahin at sumagot naman agad ito.
“ I’m good James, how are you? Pupunta ka ba sa bahay mamaya? “
“ hindi ko alam kasi may lakad kami ni Jason mamaya, baka late na din ako makauwi “
“ may date lang kayong magkaibigan ei, bakit kasi humahanap ka pa. Nandito naman ako? “
“ sige na nga Alea, mamaya na lang tayo magtext may gagawin lang ako “ sabay baba ng telepono
Walang kupas talaga si Alea sa pagpaparamdam kahit alam niya na basted na siya. Mga ilang sandal pa ay lumabas na ng restaurant si Cris dala dala yung ilang kahong pizza at iba pang inorder nito. Halating hindi nahihiya si Cris dahil sa sobrang bait ni James kahit ano pwede nilang kainin.
Pag pasok ni Cris ng sasakyan.
“ ok na ba yan? “
“ ok na sir, kumuha na din po ako ng chicken at mojos “
Tumawa lang si James at sinabi
“” oo khit ano pwede ninyong kainin, daan tayo sa 711 para bumili ng mga softdrinks, paper plate at plastic cup “
“ sige po sir “
At nung malapit na sila sa office, dumaan na sila sa 711 para pag akyat nila sa office ei kakain na lang mga kasama nila.
“ guys, sa office ko “ sabi ni James sa tao niya
Sumunod naman agad mga tao niya at ..
“ Congrats! Na close natin ang deal kay Mr. Santos, may dala kaming pagkain para sa hard work nating lahat. At pag natapos na natin ang project lalabas tayo pra I-celebrate yun “
Nagpalakpakan ang mga tao niya at bakas sa mukha nila ang saya kapag nakaka-close sila ng project. Hindi kasi tinitipid ni James ang mga tao niya kaya masasaya silang magtrabaho at pinag bubutihan nilang lahat. Tawanan, kwentuhan ang maririnig mo sa loob ng opisina ni James. Kaya biglang pumasok ang boss nila.
“ what’s going on, mukhang ang sasaya ng mukha ninyo ah? “ tanong niya sa lahat
“ yes sir, dahil na close natin ang deal kay Mr. Santos at pinahahanda na ang contract para masimulan na agad ito “
“ well, dapat nga mag-celebrate. Good job guys, hindi ako nagkamali na sa inyo ko binigay ang project “
Masayang masaya ang lahat pati ang boss niya ay naki-kain na din. Bago ito lumabas ng kwarto ni James, nag abot ito ng 10k para makapag celebrate sila sa labas. Agad na sinabi ni James ito sa tao niya.
“ guys, nagbigay si boss ng 10k para makapag celebrate tayo sa labas, ano gusto ninyo “ tanong nito sa tao niya
“ sir mag bar tayo “ sagot nung isa
“ sir swimming na lang “ sagot naman nung isa
“ ok, lets vote guys, sino may gusto na mag bar tayo “
Ilan lang ang nagtaas ng kamay, halos lalaki lang.
“ sino naman ang may gusto ng swimming “
Mas maraming nagtaas ng kamay
“ ok, magswi-swimming tayo. I set natin kung kelan. At isama na ninyo ang gusto ninyong isama, huwag lang barangay “ sabay tawa ni James
Kanya kanya na sila ng hanap ng magandang lugar kung saan sila magswi-swimming hanggang sinabi ng isang tao niya
“ sir sa los banos tayo, dun sa may hot spring tapos overnight po “
“ sige, tutal ikaw naka-isip nyan kaya ikaw maghanap ng lugar “
“ ok po sir “
“ magdadagdag pa ako ng 10k para sa food natin at inumin, I want everybody happy at para ma relax din tayong lahat “
“ sir kayo sino isasama ninyo? Siguro yung bestfriend ninyo na si Sir Jason “
“ oo siya nga, dagdag driver natin “ sabay tawa sa mga tao niya
Speaking of Jason, mukhang hindi na nagparamdam sa kanya simula kanina. Naisip niya baka hindi na tuloy ay meeting dun sa architect.
Mga ilang oras pa na kasiyahan biglang may kumatok sabay bukas ng pinto.
“ naku sir, speaking of sir Jason. Nandto na “ tawa ng isang tao ni James
“ guys yan si Jason basta may inuman, kailangan present. Lakas radar niyan ei “
Nagtawanan mga tao niya sa sinabi ng boss nila
“ hey, mukhang ako pinag-uusapan ninyo guys ah? “ sagot ni Jason
“ mag outing po kasi kami, night swimming. Tinanong naming si sir James kung sino isasama niya at sinabi niya na kayo daw ang sasama niya “
“ love ako niyan, hindi niya ako pwedeng iwanan. Pero guys, malapit na magkaroon ng gf boss niyo. Just wait and see “ sabay tawa
“ wow sir, totoo po ba? Pakilala ninyo sa amin ha? Para naman makilatis ng team “ sagot ni Cris
“ mga loko loko, wag kayo maniwala diyan kay Jason. Niloloko lang kayo niyan “
“ niloloko? Uy hindi ako nagloloko ah, dba ex and future mo bro? “
Saktong may tumawag si Alea….
“ guys look, may tumatawag na sa boss niyo. Yung ex niya na magiging future wife niya “ pa birong sabi ni Jason
Nag-sign si James sa lahat ng sandal at sasagutin lang niya ang tumatawag sa kanya. Kaya tumahimik ang lahat
“ hello, bakit? “ tanong ni James
“ wala kasi nami-miss kita, naisip ko na baka pwede ka naman dumaan bago kayo pumunta sa meeting ni Jason or pag tapos ng meeting? “
“ naku Alea, I’m not sure. Sobrang pagod na ako and kung hindi lang ako naka oo kay Jason, uuwi na din ako agad. Sa ibang araw na lang siguro, pahinga ka na lang muna para gumaling ka “
“ sige na nga, pero message mo naman ako kahit nandun na kayo tutal sinamahan mo lang naman si Jason sa meeting niya ei “
“ ok, ok. Sige message na lang kita later, bye “ sabay baba ng telepono
Pag baba ng telepono, halos lahat nakatingin kay James at halatang naniniwala na sila sa sinasabi ni Jason na magkaka gf na boss nila.
“ guys, huwag niyo akong tingnan ng ganyan ah? Pasaway ka talaga Jason “
Tumawa lang ng tumawa si Jason habang kumakain ng pagkain nila.
“ sir walang masamang magka gf kayo kasi gwapo naman kayo, stable at swerte ang magiging gf ninyo dahil mapagmahal kayo “ sabi ng isang tao niya
“ oo nga sir, saka pala sir. Isama ninyo sa outing si mader and pader niyo para naman masaya “
Sabi naman ng isa
“ may kulang pa girl na isasama si boss, yung kausap niya sa fone kanina “
Sabay hiyawan sa loob ng kwarto
“ naku guys, tantanan nyo nga ako. Wala akong dadalhin na ex, gf or future ko sa outing. Si mommy and daddy lang siguro isasama ko plus si Jason na makulit “ sabay tawa
Tumunog ang fone ni Jason.
Ring…ring…ring
“ Bro sagutin mo na yung gf mo, magagalit yan pag hindi mo sinagot “ pang iinis na sabi sa kaibigan niya
“ hello, how’s this? “
“ hello, this is architect Alex. Ok ba tayo mamaya? “
“ oh, architect, yes po. Papunta na nga po kami sa meeting place “ sagot ni Jason habang kumakagat at ngumunguya ng pizza
“ that’s great, see you later. And by the way, hinay hinay lang sa pag nguya naririnig kasi “ tumatawa habang sinasabi niya kay Jason
“ ay… sorry, malakas pala “ sabay tawa
At binaba na niya ang telepono at nilapitan agad si James para sabihin na mag ayos na at tumawag na ang kausap niya. Pagka sabi ni Jason ay agad na ito nag ayos ng gamit at nagpaalam na din sa mga tao niya.
“ guys, mauna na kami kasi may date si Jason ngayon, kakatawag lang baka mabasted agad. Kumain lang kayo tapos ligpitin ninyo na lang mga pinagkainan natin ha? See guys tom “ paalam ni James
“ yes sir “
Lumabas na ng opisina yung dalawa, dumiretso si James sa sasakyan niya.
“ bro teka, may dala akong sasakyan “ sabi ni Jason
“ sige yung sa iyo na lang gamitin natin, ilalagay ko lang gamit ko sa sasakyan tapos puntahan mo na lang ako sa harap “
Kinuha agad ni Jason ang sasakyan niya dahil ayaw niyang ma-late sa meeting niya kay architect Alex, ng makita ni James sasakyan ni Jason ay agad na din itong sumakay. Ang usapan nila 8pm pero sa sobrang traffic mukhang malabong dumating yung dalawa ng ganung oras kahit pa 6pm na sila umalis sa opisna.
“ naku bro, grabe ang traffic “ nag aalalang sabi ni Jason
“ wala tayong choice bro, traffic ei “ parang walang pakialam naman sa traffic
“ total malapit na naman bro may 20 mins pa naman, lalakarin ko na lang at sumunod ka na lang dun. Drive mo na ito bro kung aantayin ko pa kasi umusat to baka malate ako ng husto “
Tumango na lang si James at binuksan ang pinto ng sasakyan at pumunta na sa drivers sit. Si Jason naman ay naglakad na para hindi malate sa kausap.
Pagdating ni Jason sa lugar, wala pa si architect kaya pumunta muna ito sa restroom para maghilamos sabay humanap ng magandang pwesto para sa meeting niya.
Makalipas ang 15 mins may pumasok sa restaurant na isang magandang babae, naka puting shirt at faded na pants. “ wow… ang ganda “ sabi niya sa sarili niya. Sino kaya ka-date nito?
Nakita niya na papalapit sa kanya kaya agad ito nag iba ng tingin.
“ excuse me, Mr. Jason? “ tanong nito
“ you must be Architect Alex? “ nagtatakang tanong
“ yes, ako nga pero you can call me Alex. Huwag ng Architect “ sagot niya
“ ah ok Alex “ na talagang namamangha siya sa kagandahan
“ Jason, right? Ok lang ba punta muna ako sa restroom bago tayo magstart sa meeting? “ paalam nito kay Jason
“ sure “
Pag talikod ay agad kinuha ni Jason ang fone niya at tinawagan si James.
“ bro nasaan ka na? tanong nito
“ naghahanap lang ng parking dahil puno ang parking dito “
“ pa valet parking ka na lang bro, kinakabahan ako kasi ang ganda ni Alex “
“ ha? Akala ko ba architect ka meeting mo, bakit Alex ang sinabi mo? “
“ oo, Architect Alex. Bilisan mo, sige na palapit na dto, bye “
Pumunta si James sa harap ng entrance at binigay ang susi dun para sa valet parking driver. At pumasok na ito sa loob ng restaurant. Magre-restroom pa sana siya ngunit tinawag siya agad ni Jason kaya natigilan siya sa pagpunta sa restroom.
“ bro “ sabay kaway sa kanya
Nag-sign naman siya ng sandali lang at tinuro ang restroom kya dumiretso siya dun.
Maya maya ay pumunta na si James kung saan siya nakikipag meeting.
“ Alex, I want you to meet my bro James. Interior designer din siya na tulad ko “ pakilala niya kay Alex
“ hi James “ sabi ni Alex
“ hello Ms. Alex “
At umupo na sa tabi ni Jason, dumating na order nila Jason at Alex kaya tinanong ni Alex kung ano order ni James.
“ burger and fries na lang and cola “ sagot ni James
At inorder na agad ni Alex yun para kay James
“ ok lets start sa meeting habang inaantay natin order ni James “ sabi ni Alex
“ no, its ok. Kumain na kayo? “ sabi ni James sa dalawa
“ no bro, antayin na naming order mo para sabay sabay na tayo kumain “
Habang nagme-meeting sila, panay ang tingin ni James kay Alex. Prang na love at first sight yata ito.
Pero naisip niya sa ganda at sexy ni Alex malamang may bf or asawa na yun. Mamaya ay dumating na order ni James
“ ok guys, lets eat “ sabi ni Alex
Tumango naman si Jason.
“ Alex, if you don’t mind. May bf ka na? “ tanong ni Jason
Napatawa ng malakas ni Alex at sinabi na single pa siya. Biglang nabuhayan ng loob si James kaso naramdaman niya na gusto din ito ni Jason.
“ good, kasi single bro ko si James “ sabi ni Jason
“ ha? Bakit ako?, single ka din naman ah? “ sagot ni James
“ papano kanina ko pa napapansin na panay ang tingin mo kay Alex ei “ sabay ngiti
“ naku kayong dalawa ah, kumain na lang kayo “ sabi ni Alex sa dalawang nagkukulitan
Bigla silang tumahimik na akala mo nanay ang nagsasalita sa mga anak.
Nang matapos silang kumain at mag meeting, nagpa-alam na si Alex.
Tumayo na din ang dalawa at bigla…
“ gusto mong mag coffee? Yaya ni James kay Alex
“ are you sure? Medyo late na din, may pasok pa kayo tom “ sagot naman ni Alex
“ hindi ok lang “ sagot agad ni James
Nagtataka si Jason dahil hindi naman ganyan si James, kadalasan siya pa ang nagsasabi kay Jason na umuwi na sila pero ngayon parang ayaw pa niya umuwi.
“ bro, gusto mo si Alex noh? “ tanong ni Jason
“ oo bro, pero alam ko na gusto mo siya “ sagot ni James
“ sige, sa iyo na tutal marami naming iba diyan at para magka love life ka na din “
“ ano number niya tol “ tanong ni James
“ ikaw ang magtanong bro? “
“ pero pag number ko, ang bilis mong ibigay noh? “ naiinis sa sagot ni James
Kumukuha ng tyempo si James ng biglang may nagmessage kay Alex at kailangan na daw niya umuwi agad.
“ James sorry, may nagtext sa akin and need ko na daw umuwi, sa ibang araw na lang siguro tayo mag coffee “
“ ah ok, kunin ko na lang number mo para matawagan or text kita “
Binigay naman kay James yung number niya at nagpaalam na sa dalawa.