Nung maka alis na si Alex ay kinuha na ni James ang sasakyan at dumiretso na sa opisina dahil iniwan nila ang sasakyan knina. Habang nasa sasakyan nagpasalamat si Jason sa pagsama sa kanya. Tumango lang si James na parang nag-iisip.
“ bro, what’s wrong? “ tanong ni Jason
“ wala, naisip ko lang si Alex. Parang tinamaan yata ako sa kanya bro “
Tumawa ng malakas si Jason sa sinabi ng kaibigan, hindi naman kasi ganun yun lalo sa babae.
“ huwag mo ako tawanan bro, bakit ikaw? Ramdam ko naman na gusto mo din siya kaso ayaw mo lang sabihin sa akin “ sagot ni James
“ gusto ko siya pero ipapaubaya ko siya sa iyo bro, marami pa naming iba diyan at minsan ka lang magka-gusto sa babae. Alam naman natin yun bro “
“ thank you kaso hindi ko alam kung papano ko siya liligawan mukhang hindi ako papasa sa kanya “
“ ako bahala bro, tutulungan kita “
Ngimiti lang si James sa sinabi ni Jason.
At nung makarating sila sa opisina ay nagpaalam na agad ito, kinuha na agad ang sasakyan at umuwi na agad.
Mga ilang sandali pa ang naka uwi na din siya sa bahay. Tulog na mga magulang niya kaya umakyat at nagshower na din para maka pagpahinga.
Tumingin tingin sa social media pero naisip niya tingnan si Alex kaso hindi niya alam kung ano surname nito. Tinawagan ang kaibigan kahit medyo late na din.
“ hello bro, ano pala surname ni Alex? “
“ naku naman, tinamaan ka talaga ah? “ patawa tawa sagot sa kanya
“ sige na bro, titingnan ko lang din baka kasi may bf or asawa tapos matutulog na din ako “
“ Alex Reyes bro, titingnan mo lang ha? Baka naman pag nakita mo lalo kang hindi makatulog niyan “ sabay tawa ng malakas
“ loko loko, sige salamat bro. Goodnight “ paalam sa kaibigan niya
Agad tiningnan ni James ang Alex Reyes sa social media at nakita naman niya agad iyon. Napaka ganda niya talaga at kahit sinong lalaki ay hahanga sa kanya. Hindi mapakali si James kaya agad niya itong minessage.
“ hi Alex, are you home? This is James pala “
“ hi James, yes kanina pa. kararating mo lang ba sa bahay? Tanong naman ni Alex
“ no, kanina pa ako. Remind lang kita na magko-coffee tayo pag free ka ha? “
Ah yeah, sige I’ll let you know James “
“ good.by the way, saan ka pala nagwo-work kung ok lang? “
“ sa bgc malapit sa Venice, why pupuntahan mo ako? “ naka ngiting sagot
Napatawa si James sa sagot nito.
“ baka sakali kasi mapadaan ako tapos free ka, di pwede na tayo dun mag-coffee. May project din kami dun kaya halos everyday nandun ako “ sagot naman ni James
“ really? That’s good, para pag wala akong kasama and malapit ka sa area meet tayo dun “
“ sounds great Alex “ kinikilig na sagot
“ James, sleep na tayo. Medyo maaga pa ako papasok bukas. Thank you sa pag tawag, goodnight “
“ sige goodnight Alex “
Nung binaba na nila ang fone ay bigla namang may tumawg, si Alea.
“ hello Alea, napatawag ka? Late na ah? Bakit gising ka pa? “
“ bakit hindi mo ako tinext or tinawagan? Kanina pa ako nag-aantay “
“ sorry, nakalimutan ko. Kumusta ka na? “
“ ayos naman, bakit pala gising ka pa? tanong ni Alea
“ may tinext lang ako pero patulog na din ako dahil sa Bgc ako tom? “
“ talaga? Meet tayo dun ng lunch. Dun din office ko “
“ ha? Im not sure kasi may kausap ako tom din dun. Sa ibang araw na lang siguro “
“ ganun ba? Sige sleep na ako, goodnight “
“ ok, goodnight “
Pag baba ni James ng fone, binasa niya convo nila ni Alex. Nag friend request na din siya bago ito natulog.
Kina umagahan…
Napasarap ng tulog si James kaya ginising ito ng nanay niya.
Knock…knock…knock
“ anak, papasok ka ba? Tanong nito
Tiningnan niya ang wall clock at nakita niya na 6am na pala, agad agad tumayo at naligo. Humanap ng magandang damit at baka biglang magtext sa kanya si Alex. At least naka ready na agad siya, ginamit din niya ang kanyang pinaka mabangong pabango at nilagay na din sa bag. Pag baba niya ay napatingin ang nanay niya sa kanya dahil sa sobrang bango.
“ anak, parang may popormahan tayo ah? “
“ mommy, masama bang magpa gwapo kahit minsan? Tanong niya sa nanay niya
“ aba, hindi at kahit wala kang pabango. Mabango ka din at gwapo pa anak “
“ naku kaya mahal na mahal kta mi ei “
“ breakfast ka na muna anak “
“ mi, huwag na po. Nagmamadali po ako dahil sa bagong project kami “
Tumango ang nanay at binuksan ang gate, nung makalabas ang sasakyan ni James ay kumaway ito at nagpaalam. Tumawag si James kay Cris para itanong kung gawa na ang contract.
“ Sir, patapos na po. I-email ka na lang kay Mr. Santos tpos i-cc ko na lang kayo para makita ninyo “
“ hindi Cris, dalhin natin kay Mr. Santos pag dating ko diyan maya maya “
“ pero sabi po niya kahit email na lang po sir “
“ oo pero para mapirmahan na agad, saka may dadaanan din ako saglit habang inaantay natin ang pirma ni Mr. Santos “
“ ok sir “
At binaba na ni James ang telepono, after 15 mins nasa parking lot na si James. Nagyosi muna bago umakyat sa opisina.
“ good morning sir! Ang gwapo niyo lalo ngayon ah? “ sabi ng isang tao niya
“ good morning, talaga? Papasa na ba ako? “ nakatawang sagot
“ naku sir, sure na sure na sasagutin ka na agad nung kausap mo kahapon sir “
“ hindi yun, iba yung ka meeting ni Jason ang popormahan ko “
“ wow! Sir pakilala mo sa amin ha? “
Tumango at sabay na silang pumasok sa opisina.
“ Cris, after 10 mins aalis na tayo. Ayusin mo na yung contract, make it 2 copies and ilagay mo sa folder “
“ good morning sir, naka ready na po “
“ well kung ganun, lets go “
Hindi na pumasok sa opisina si James, nag log-in lang sabay labas. Habang nagdri-drive si James nagtanong ito kay Cris.
“ Cris nagka gf ka na ba? “
“ yes sir, kaso naghiwalay din kami dahil pinagpalit niya ako sa iba, bakit nyo po natanong sir “ nagtatakang tanong nito
“ wala kasi may gusto sana akong ligawan kaso hindi ko alam kung papano ko siya liligawan dahil hindi naman ako marunong manligaw “
“ kaya nyo yan sir, sa gwapo nyo. Sure na sasaagutin kayo agad “
“ sana nga Cris “
Nung malapit na sila, dumaan muna sila sa Starbucks at kumuha ng tatlong coffee. Naisip niya hiindi pa niya alam ang gusto ni Alex kaya ang kinuha na lang niya yung gusto niya baka sakali parehas sila ng gusto.
Tumuloy sila sa parking lot at nag park na din, dala ni Cris ang contract saka yung coffee na bigay sa kanya ni James, dala dala naman ni James yung coffee niya at yung coffee ni Alex. Nung nakapasok na sila sa restaurant ay wla pa dun si Mr. Santos. Si James naman ay agad na nagtext kay Alex.
“ hi good morning Alex, nasa area lang ako baka pwede kang puntahan ngayon kung hindi ka busy “ tanong ni James
Tumawag naman si Alex kay James.
“ hello James, sorry nasa meeting ako ngayon sa may venice. If you want pag tapos ng meeting namin saka tayo magkita “ sagot naman ni Alex sa kanya
“ nsa venice din kami ngayon, binili kita ng Starbucks. Sige mamaya na lang pag free ka “
“ ah ganun ba? Sige lets meet sa may escalator sa entrance “
“ talaga? Sige aabot ko lang sa iyo yung coffee mo “
At binaba na ni Alex yung fone at nagpaalam muna sa mga ka meeting niya. Nagpaalam na din muna si James kay Cris.
Pumunta agad ito sa sinabi ni Alex na lugar kung saan sila magkikita. Nung nakarating na si James dun nakita niya agad si Alex.
“ hi! Sorry naglakad pa kasi ako papunta dito. Kanina ka pa ba? “
“ hindi, kararating ko lang din “
Inabot agad ni James ang coffee ni Alex at sinabi..
“ hindi ko alam ang gusto mong coffee kaya yung gusto ko na lang i-norder ko sa iyo “
“ ano ba to? “ tanong ni Alex
“ caramel macchiato “ sagot ni James
“ wow! Favorite ko din to, thank you so much James. You’re so sweet “
Ngumiti naman agad si James dahil ngayon alam na niya na parehas sila ng gusto.
“ James, I have to go ha? Nag sandali lang ako sa mga ka meeting ko, thank you sa coffee “
“ your welcome Alex, see you soon “
Masayang bumalik si James sa restaurant at pag balik niya nandun na din si Mr. Santos.
“ James, sabi ko naman sa inyo i-email nyo na lang. napagod tuloy kayong dalawa “
“ no it’s ok Mr. Santos, importante kayo sa amin “
Tumawa si Mr. Santos kaya niyaya niya ang dalawa na dun na maglunch para sa effort na ginawa nung dalawa. Nung nasa kalagitnaan na sila ng pagkain, bigla naman nagmessage sa kanya si Alea.
“ Hi! Lunch tayo James? “ tanong nito
Tiningnan ni James ang fone niya kaso nakita niya si Alea pala ang nagtext sa kanya kaya binalik niya sa lamesa yung fone niya, mamaya tumunog na naman ang fone niya. Hindi na nito tiningnan dahil baka si Alea na naman ang nagtext sa kanya.
“ sir, may nagtext po sa inyo “ sabi ni Cris
“ hayaan mo lang yun “ sagot naman niya James
After 5 mins, tumatawag si Alex. pag anggat niya ng fone nakita niya si Alex ang tumatawag sa kanya kaya sinagot agad niya ito.
“ hello Alex “ tanong ni James
“ hello, free ka ba ngayon? Nagtext kasi ako kaso hindi ka nagreply kaya naisip ko baka nsa bulsa mo“
“ ay.. sorry nasa bulsa ko nga. Bakit tapos na meeting nyo? “ tanong agad ni James
“ kakatapos lang, hindi na kasi ako babalik sa office ngayon. Invite sana kita maglunch? “
“ ha? Patapos na kasi kaming maglunch nandito kami sa client. Give me 10 mins sasamahan na lang kita kumain? Kung ok sa iyo? “
“ ah ok, punta muna ako sa rest room tapos magkita na lang tayo somewhere “
“ ok, sige “
Kina-usap agad ni James si Cris at sinabi na mauna na siya sa office, dalhin na lang niya ang sasakyan at magko-commute na lang siya pabalik sa opisina mamaya. Tumango naman si Cris sa boss niya. At bingay niya agad ang susi ng sasakyan at naghiwalay na silang dalawa.
Ring…ring…ring
“ hello James, are you done? “ tanong ni Alex
“ hello, yes. Saan ba tayo magkikita? “
“ are you sure na ako lang kakain? “
“ oo, as in kakatapos ko lang kumain, or coffee na lang ako ulit “ sagot ni james
“ sige sa Fridays na lang tayo “
“ sige punta na ako dun, see you “
“ order na kita James ng coffee ha? Are you sure wala ka ng ibang gustong kainin? Kahit dessert? “ giit ni Alex
“ sige, coffee muna pag nandyan na ako saka ako titingin or mamaya na lang pag dating ko diyan “
Umorder na si Alex ng food niya. Pagdating ni James ay hinanap niya agad si Alex. “ wow… ang ganda niya talaga “ sabi nito sa sarili niya.
“ oh you’re here, have a sit “ sabi ni Alex kay James
At umupo si James sa harap ni Alex. Binigay naman niya yung menu kay James para maka order na din ito.
Kumaway siya sa counter para kunin ang order niya. Lumapit naman yung isang crew.
“ yes sir “ tanong nito
“ order ako ng mozzarella cheese and large coke “ sagot ni James
“ would that be all sir “
“ may gusto ka pa ba Alex? “
“ no, ok na ako sa order ko “
“ ok na boss “ sagot ni James
Mga ilang sandali pa ay dumating na order nila parehas at kumain na ito. Inalok ni Alex si James ng food niya pero talagang busog na ito at sinamahan lang niya ito.
“ Alex, try this. Favorite ko ito kapag dito ako kumakain “ sabay nilapit niya yung mozzarella cheese sa bibig ni Alex
Hindi naman napahiya si James dahil lumapit siya at kumagat ng konti.
“ hmmm… masarap nga, hindi ko pa na try yan dito pero magiging gusto ko na din siya “ sabi ni Alex
At muling niyang sinubuan si Alex. Mukhang nagkakapalagayan na sila ng loob kahit kahapon pa lang sila nagkakilala. After 1 hour, kinuha na ni Alex yung bill.
“ ako na magbabayad “ sabi ni James
“ no, ako na. binilhan mo na ako ng coffee tapos ako nagyaya sa iyo maglunch kaya ako magbabayad “
Nung nandyan na ang bill, kinuha agad ni James at binigay yung credit card.
“ ang kulit mo James, sinabi ko na ako na ang magbabayad ei “ naka tawang sabi ni Alex
Nginitian lang niya si Alex kaya hindi na nagsalita pa. Habang nag aantay sila ay nagtext naman si Alea kay James.
“ Hi! Are you Busy? “ tanong nito kay James
“ hindi naman kaso nasa date ako Alea “ sagot ni James
“ ah… ok. Sorry sa istorbo! Bye!!! “
Naiba ang mukha ni James at nakita naman agad yun ni Alex.
“ hey, what’s wrong? Hinahanap ka na ba ng gf mo? “
“ no, wala akong gf, nangunuglit lang “ medyo naiinis na sagot
“ gwapo kasi ei “
Hindi na kumibo ito. Dumating na din yung resibo at yung card kaya lumabas na sila ng restaurant.
“ James, saan ka na ngayon “ tanong ni Alex na medyo na guilty dahil mukhang nainis niya si James
“ pa balik na sa office, ikaw? “
“ pa uwi na siguro “
“ ah ok, sige see you. Sana maulit ulit ito Alex? “
“ oo naman, saan ka naka park? “ tanong ni Alex
“ pinadala ko sa tao ko yung sasakyan ko, mag gra-grab lang ako pabalik sa office “
“ saan ba office nyo? “
“ sa Q.C “
“ halika, hatid na kita James dun din naman ako sa area nakatira ei “
“ sure ka? “ sagot ni James na masaya
“ opo, taga Q.C ako “
“ sige pero ako na magdri-drive kung ok lang sa iyo “
Tumango naman si Alex. Hindi na maipinta mukha ni James ramdam na ramdam niya na may pag-asa siya. Habang nagdri-drive si james at may tumawag naman kay Alex. Napatingin si James sa fone ni Alex para tingnan kung sino ang tumatawag. At nang sagutin ni Alex ang fone..
“ hello Jason, why? “
“ hello, kelan ulit tayo magkikita? Para ma finalize natin yung project natin at isasama ko ulit yung bro ko ha? “
“ mamaya kung gusto mo? Magkita tayo sa office ni James, on the way na kasi kami dun ngayon “ sagot ni Alex
“ ha? What do you mean? Magkasama kayo? “ tanong agad ni Jason
“ yeah, kanina pa kami magkasama ng bro mo “
“ bilis naman manligaw ng bro ko ah, tinamaan na talaga sa iyo Alex “
“ loko loko, hindi naman nanliligaw bro mo “
Biglang sumagot naman si James..
“ bakit hindi ka ba pwedeng ligawan? Hindi na kita pawawalan “ sabi ni James, sabay ngiti kay Alex
Namula si Alex sa narinig at …
“ seryoso ka ba James na liligawan mo ako? “
“ seryoso ako Alex, gusto kita “
“ Jason mamaya na lang, kita na lang tayo sa office ni James at duon tayo mag usap “
At binaba na nila ang fone.
“ James, kakakilala lang natin. Bakit mo ako liligawan agad? “ takang taka sa sinabi ni James
“ totoo? I don’t know basta ang alam ko Alex, gusto kita at masaya ako pag nakikita kita “
“ ah ok, sabi mo ei “
“ nandito na pala tayo sa office, dito ko na lang park tabi ng sasakyan ko “
Ngumita lang ito. Binigay ni James ang susi ng sasakyan kay Alex at sabay na sila pumasok sa loob ng opisina.
Habang naglalakad sila, nagulat mga tao ni James dahil may kasama itong babae na mganda.
“ guys this is Alex, Alex meet my team “
“ hi guys “ bati ni Alex sa mga tao ni James
“ sir siya na ba ang magiging gf and future nyo “ sabi nung isa
“ yes, soon to be my gf and my future “ proud sa sinabi si James
“ sir, you mean siya ang magiging kasama nyo sa swimming natin? “
“ kung sasama sa atin “ sagot ni James sa tao niya
Tinanong agad ni Alex kay James yung sinabi ng tao niya at sinabi na may plan silang mag overnight swimming pero wala pa naman date kung kelan. Sinabi din niya na kasama din sa swimming si Jason. Umupo na si James sa upuan niya at umupo naman si Alex sa may sofa.
“ Alex, ok ka lang ba diyan? May gusto ka ba? “ tanong ni James
“ I’m fine, sige work ka na? antayin ko na lang si Jason dito
Nagtrabaho na si James. Napansin niya na naka tingin sa kanya si Alex pero dinedma na lang niya ito. Naisip ni Alex na mabait siyang boss at lahat ka close niya, gwapo, napaka gentleman lalo sa ginawa niya kanina. Kaya swerte ang magiging gf nito.