Chapter 11

2279 Words
Lunes, unang araw ng project nila James kina Mr. Santos. Nagising si James ng ala sais ng umaga  kaya tumawag ito agad kay Cris. “ Good morning Cris, pag dating mo sa office, asikasuhin mo yung mga kailangan ni Mr. Santos. Mauna ka na din dun sa site, susunod na lang ako. Medyo mala-late lang ako ng konti“ “ Good morning sir, sige po “ Pagkababa ni James ay agad naman ito naligo para maka-pasok  na agad sa opisina dahil ayaw niya masira kay Mr. Santos. Nag aayos siya ng gamit at bigla may tumawag sa kanya, sa pag mamadali niya ay hindi muna ito tiningnan. Bumaba at agad bunuksan ni James ang gate. “ anak, hindi ka ba muna kakain? “ tanong ng ina “ sa office na lang po mi, medyo nagmamadali lang po ako ngayon “ “ sige ako na ang magsasara ng gate “ “ salamat po mi, maaga na lang po ako uuwi “ Ngumiti lang ang nanay niya at sinara na ang gate. Mga ilang minuto pa ay nakarating na si James sa opisina at agad naman ito pumunta sa kwarto niya. Habang naglalakad. “ Good morning sir “ sabi nung isang tao niya “ Good morning, naka alis na ba si Cris? “ “ opo, mga 30 mins na sir. “ “ ok, sige magche-check lang ako ng email ko at pupunta na din ako sa site. Paki sabihan mo yung driver na hatid niya ako sa site mamaya. “ sige po sir “ Maya maya ay may tumawag na naman kay James. Naalala niya na may tumawag pala sa kanya kanina kaya agad niya ito tiningnan. Nakita niya sa Alea pala ang tawag ng tawag. “ hello Alea, napatawag ka? “ tanong nito “ hello James, bakit bawal ka na bang tawagan? “ “ hindi naman, bakit napatawag ka? “ “ mangu-ngumusta lang sana “ sagot nito kay James “ medyo busy lang Alea “ “ yayain sana kita mamaya mag-lunch “ “ baka mag lunch kami ni Alex mamaya, kung gusto mo sumama ka na lang sa amin para makilala mo na din girlfriend ko “ “ huwag na lang, sa ibang araw na lang tayo lumabas kapag free ka “ “ Alea, lagi kong kasama gf ko kaya kung gusto mo akong kasama ei tatlo tayo “ naiinis na sagot ni James “ sige, huwag na lang. bye “ Pagbaba ni James ng fone ay tumatawag naman si Alex. “ hon “ sabi ni James “ hon, bakit kanina pa busy ang fone mo? Sino kausap mo? “ “ tumawag si Alea hon, na ngu-ngumusta lang “ “ ah ok, pupunta ka ba dito sa project nyo? “ “ opo, mamaya. May inaayos lang ako ngayon sa opisina “ “ message mo na lang ako pag nandito ka na ha? Sabay na tayo mag lunch? “ ok po, I love you. Bye “ at binaba na ni James ang fone Bumalik na agad si James sa pagtra-trabaho para maka punta na siya sa site at macheck agad ang ginagawa duon. Naisip niya ang nangyari kahapon sa kanila ni Alex at parang nahihiya siya sa nangyari. Parang ayaw niya muna makipagkta kaso si Alex na mismo ang tumawag sa kanya. Hindi niya napansin na mag aalas onse na at hindi pa nakakaalis sa opisina si James kaya nagmadali na agad ito. Pinatawag na din niya yung driver na maghahatid sa kanya sa site at para makapag lunch na din sila ni Alex. Nakarating si James ng saktong alas dose, nagpakita lang ito kay Mr. Santos at agad niyang tinawagan si Alex. “ hon, sorry kararating ko lang sa site. Saan mo ba gustong maglunch? Tanong ni James “ hon dito ka na lang sa office pumunta, dito na lang tayo kumain dahil nagluto ako ng lunch natin “ sagot naman ng girl friend niya “ sige, punta na lang ako diyan, see you “ Kina-usap agad ni James si Cris at sinabi na maglunch na siya at pupuntahan lang niya si Alex para sabay silang maglunch. Tumango lang Cris at pumunta naman agad si James sa office ni Alex. Mga ilang minuto pa ay nakarating na si James kina Alex, sinundo naman agad ni Alex sa lobby si James at saka pumasok sa opisina. Nakita ni Alex si Jane, ang best friend niya kaya pinakilala niya agad ito kay James. “ Jane si James boyfriend ko “ pakilala ni Alex “ hi! “ sagot naman ni Jane Ngumiti lang si James. “ available ka ba mamaya? “ tanong sa kaibigan “ why? “ “ may papakilala kasi kami sa iyo “ naka ngiting sagot naman ni Alex “ sige, pag out “ sagot ni Jane “ good, sige lunch muna kami “ saka ito tumalikod at pumunta na sa canteen Bumili si James ng coke at water habang inaayos naman ni Alex yung pagkain nila. “ hon, tawagan mo pala si Jason para ma meet niya si Jane “ “ sige po hon “ Hindi nagsasalita si James dahil sa nahihiya siya sa ginawa niya. “ what’s wrong hon? “ tanong ni Alex “ nothing hon, kain na tayo kasi need ko pa bumalik agad sa site “ Hindi na din kumibo si Alex. Nang matapos silang kumain ay agad na din nagpaalam si James at bumalik na agad ito sa ginagawa nilang pagre-renovate. Hinalikan ni Alex si James bago ito umalis. Naisip ni James na wala naman siyang dapat ikahiya dahil gf naman niya si Alex at normal naman yun sa magkasintahan. “ hon, don’t forget to message Jason para mamaya? “ text ni Alex “ I will hon “ Kaya agad naman tinext ni James si Jason. “ bro, kita tayo sa bgc mamayang hapon. Kasama ni Alex yung irereto niya sa iyo “ “ ok bro, no problem. Tapusin ko lang meeting ko ngayon at pupunta na ako agad diyan “ “ hindi ka naman atat noh bro? “ pang iinis na sabi ni James “ loko loko, sige na mamaya na lang “ Pag baba nila ng fone ay agad naman minessage ni James si Alex para sabihin na pupunta ang bro niya. Ine-expect ni James na magte-text si Alex ngunit tumawag ito. “ hello hon, don’t fell guilty sa nangyari sa atin kahapon. Alam ko naman na kaya tahimik ka dahil dun, im sorry kung hindi kita napag bigyan “ sabi niya kay james “ hon, pasensiya ka na? tama ka naman na masyado pang maaga para dun, hindi ko lang kasi napigilan sarili ko kasi mahal kita “ “ I understand, and kalimutan na ntin yun ha? I love you “ “ sige po, I love you too. See you later “ “ see you, bye “ at binaba na ni Alex yung fone Parang nabunutan ng tinik si James nung sinabi ni Alex yun sa kanya, naisip niya ang swerte niya dahil mabait ang naging girlfriend niya. Habang nag-day dreaming si James ay bigla naman siya tinawag ni Mr. Santos. Kaya agad ito lumapit at kinausap tungkol sa project. “ Thank you James, masyado kang hands on sa project mo sa amin “ “ obligasyon ko po sir na makita ang ginagawa ng mga tao namin para walang masabi sa amin mga kliyente “ “ maganda yan, at lahat ng project ko. Kayo na ang gagawa “ “ talaga sir, hindi po kayo magsisisi. Salamat po “ Bumalik na si James sa pwesto niya at nagtra-trabaho naman sa ibang design nila. Wala pang dalawang oras ay sumulpot na agad dun sa Jason. “ bro, I’m here “ “ sir “ sabi naman ni Cris kay Jason “ uy pre “ sabay tapik sa balikat “ bro ang aga mo naman yata ah? “ tanong ni James “ ganun talaga, basta babae “ sabay tawa “ uy loko, huwag mong lolokohin. Kapag hindi mo gusto, huwag mong ligawan “ “ oo naman pero titikman ko lang “ tumawa ng malakas Suminyas si James na huwag siyang maingay, kaya tumahumik na lang ito. Kumuha ng menu at tiningnan niya kung may beer dun. Nung makita na meron ay agad naman siyang umorder. “ bro, may date ka mamaya. Baka ma-turn off naman sa iyo yun “ “ may extra damit at pabango ako sa sasakyan kaya huwag kang mag alala, cool ka lang bro “ “ bahala ka nga “ at bumalik na ito sa pagde-design Habang nagdedesign si James ay napatingin siya sa restaurant at naisip niya na mas maganda kung magkakaroon dun ng piano para mas maging sosyal ang itsura. Pinuntahan niya si Mr. Santos at sinabi niya agad yun. Pumayag naman dahil nakita niya na maganda naman talaga. Pagbalik niya sa upuan kung nasaan si Jason ay tumawag naman si Alex. “ hon, pa out na po kami ni Jane. Puntahan ka na lang namin ha? “ “ sakto hon nandito na si Jason, hon sa timog na lang tayo mag dinner para malapit sa bahay? “ “ ok sige hon, see you “ at binaba na ang fone Sinabihan agad ni James si Jason na papunta na sila Alex at Jane kaya kailangan na niyang mag-ayos ng katawan at baka makita pa siya ng ka date niya na umiinom na siya. Agad naman inubos ni Jason yung iniinom niyang beer at pumunta na sa sasakyan, kinuha niya yung magandang damit niya at pabango. Si James naman ay nagbayad ng bill ng kaibigan niya, at inayos na din niya ang gamit niya. Tinawag niya si Cris para sabihin na kausapin na niya yung mga gumagawa. Sinunod naman ni Cris dun sa  inutos sa kanya. “ Cris, sabay ka na sa amin. Ipag drive mo na si Jason at baka kung saan pa dalhin ni Jason yung date nun dahil naka inom na “ natatawang sabi ni James “ ok po sir, aayusin ko na din po gamit ko “ sagot ni Cris Ilang minuto pa ay dumating na sila Alex at jane, si James at si Jason naman ay naka upo sa isang lamesa malapit sa entrance. “ hon “ sabi ni james sabay kiss sa lips “ Alex “ bati naman ni Jason “ Jason, best friend ko si Jane, jane si Jason best friend naman ni James “ “ hi Jason “ sabi ni Jane “ hi Jane, nice to meet you “ sagot ni Jason “ Cris, nandito ka pala. Si Jane best friend ko “ pakilala ni Alex “ hi ma’am “ Kinuha na ni Cris mga gamit ganun din yung gamit ni James. Lumabas na sila sa restaurant at pumunta na sa parking lot. “ hon, ako na magdri-drive. Si Cris na lang ang magdri-drive ng sasakyan ni Jason “ “ dito na lang tayong apat hon, isama mo na kaya si Cris? Tutal saglit lang naman tayo magdi-dinner dahil may pasok pa bukas “ sabi ni Alex “ ah.. sige “ Tinawag niya si Cris at sinabi na magkita na lang sila sa isang restaurant na malapit sa office. “ sige po sir “ Pumasok na ng sasakyan si James, si Alex naman katabi niya kaya yung dalawa ay nakaupo sa likod. Medyo naiilang pa sila kaya hindi nagsasalita si Jason. “ bro, ok ka lang ba? “ tanong ni James “ oo bro “ sagot naman nito agad “ Jason, parang naninibago ako sa iyo ah? Hindi ka mainggay “ sabi ni Alex Ngumisi lang si Jason dahil nahiya kay Jane dahil masyadong formal, naisip niya kung maging sila baka pag bawalan na siyang uminom. Mga tatlong oras na nakalipas ay nakarating na sila sa restaurant na malapit sa offce nila James. Pinark na ni James ang sasakyan. Nandun na din si Cris na nag aantay sa kanila. Niyaya ni James si Cris na pumasok na sa loob, kaya sumunod naman ito. Kumuha ng lamesa na good for six at umupo na sila dun. “ order na tayo “ sabi ni James “ hon anong gusto mo? “ tanong ni Alex “ jane ano gusto mo? “ tanong ni Jason “ Cris umorder ka lang kung ano gusto mo ha? huwag kang mahiya “ sabi ni James Umuo lang si Cris at umorder na siya. Kumuha din siya ng isang beer para sa kanya. “ sir Jason, beer din po ba kayo? “ “ hindi mag coke lang ako “ Natawa si James sa sagot ni Jason dahil hindi naman ganun si Jason. “ bro, mag isang beer tayo para makapag relax naman tayo “ “ ha? sige bro “ At kumain na sila, hindi makakain si Jason dahil naiilang siya kay Jane. “ Jason, huwag mong isipin na nandito ako para makakain ka “ sabi ni Jane “ sige ” kaya kumain na agad si Jason Nagustuhan naman ni Jane yung ugali ni Jason, at ganun din si Jason kay Jane. “ bro, kuha pa tayo ng beer “ na parang bitin pa sa pag inom “ sige bro, kumuha pa tayo kahit tig isang round pa tayo ni Cris “ “ hon baka malasing ka ha? “ nag aalalang sabi ni Alex na pabulong “ ok lang ako hon, tapos naman uuwi na tayo saka ihahatid mo naman ako diba? “ sabay ngiti sa gf “ ay ang boyfriend ko, sige na nga “ “ pwede ba ako mag beer din “ sabi ni Jane “ umiinom ka? “ tanong ni Jason “ oo naman, malakas akong uminom “ sabay tawa Ngumiti si Jason na naisip niya kapag naging gf niya ito, may ka bonding na siya sa pag inom. Nagyaya si Jason sa sabado sa bahay nila para dun uminom, sabi ni Alex na dun na lang sila mag inuman sa bahay nila tutal wala naman mga magulang ni niya dahil pumunta mga iyon sa Hongkong at two weeks pa ang balik. Pumayag naman sila James at Jason, niyaya din ni James si Cris na sumama sa kanila ngunit nagsabi yun na hindi siya pwede dahil sa birthday ng kapatid niya. Mga ilang sandali pa, kinuha na ni James ang bill pero si Jason na ang nagbayad. “ bro ako na “ sabi ni James “ ako na bro, sa susunod ka na lang “ “ sige bro “ Pagtapos nila magbayad ay lumabas na sila at nagpa alam na din si Cris. “ hatid na kita Jane “ sabi ni Jason Pumayag naman siya dahil medyo late na din. Nagpaalam na sila Alex at James. Pagdating sa bahay nila James. “ hon, wala ka bang kasama sa bahay ngayon? “ “ meron mga maid at driver hon “ sagot ni Alex “ dito ka na lang muna matulog, kung ok lang sa iyo? Don’t worry hindi na mauulit yung nangyari nung isang araw “ “ ok lang ba? “ “ oo naman, teka pasok ko na yung sasakyan sa loob. Tpos maaga na lang tayo umalis bukas para makakuha ka ng gamit. Iwan mo na din yung sasakyan mo? “ “ hon, ayos lang. kahit anong sasakyan dalhin natin bukas, basta hatid sundo mo ako ha? “ lambing na sagot ni Alex “ opo hon, mahal na mahal kita “ At pumasok na sila sa bahay, umakyat sa kwarto, at natulog na.                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD