Ala-una ng umaga ng magising si James, nakita niya na katabi pala niya si Alex sa pagtulog. Hinalikan lang ni James ito sa pisngi at tumayo papuntang c.r, pag balik nito ay nakita niya na nagisiing din pala si Alex.
“ nagising ba kita? “ tanong ni James
“ hindi naman “
“ sige, tulog ka na ulit at lalabas lang ako. Wala na naman si Jason dito mukhang umiinom na naman“
“ samahan na kita “ sabi ni Alex
Hinawakan ni James ang kamay ni Alex at sabay na silang lumabas. Nakita nila na halos lahat ng tao niya gising, nagkakantahan ang iba, yung iba naman ay nagswi-swimming at yung iba ay umiinom.
“ James, ayun si Jason “ sabi ni Alex
“ saan? “
At tinuro ni Alex yung isang grupo na nag iinuman, malapit sa pool. Kaya pumunta sila dun.
“ bro, inom tayo? “ yaya ni Jason
“ ano? Umiinom ka pa din at hindi ka pa natutulog? “
“ hayaan mo na si Jason, tutal mamaya uuwi na din tayo. Pag bigyan mo na “ sagot ni Alex
“ boto ako sa iyo Alex, may kakampi na ako “ sabay tawa
Inabutan ni jason si Alex ng beer, at si James naman ang kumuha.
“ huwag ka na uminom James “ sabi ni Alex
“ beer lang naman ei “ sabi ni James
kaya binigyan ni Jason ng beer yung dalawa. Nagpaalam si Alex kay Jason na dun muna sila ni James sa malapit sa pool dahil gusto niya masolo ang bf niya. At tumango naman si Jason at sinabi,
“ basta pag na ubos ang beer ninyo kuha lang kayo dito “
“ sige salamat James “ sagot ni Alex
Kaya pumunta na sila dun sa malapit sa kabilang dulo ng pool at uminom na din sila.
“ James may gusto ka bang pulutan? “
Umiling lang ito at sumenyas na dito lang siya sa tabi niya.
“ James, sorry kanina. Nagselos lang kasi ako dun sa tumawag sa iyo “
“ naintindihan naman kita Alex, pero sana huwag ka naman magselos agad. Mahal kita at hindi kita lolokohin “
“ ok James, sorry ha? “
“ ok na tayo, thank you pala sa pag alaga sa akin kanina “
“ James, boyfriend kita at mahalaga ka sa akin. Hindi naman kita matitiis kahit nagseselos ako “ ngumiti at yumakap sa bf niya
“ salamat Alex, mahal na mahal kita “
Nag-kwentuhan na sila habang umiinom. Nung maubos yung beer ni Alex ay kumuha pa si James na ng dalawang bote.
Mga ilang sandali pa ay lumapit si Jason sa dalawa.
“ swimming tayo? “ yaya nito
“ sige kayo na lang ni James “ sagot ni Alex
At sumama si James kay Jason, pagdating sa pool ay nag paliksahan pa sila lumangoy. Natatawa si Alex sa dalawa kahit aso’t pusa yung dalawa kahit kailan hindi sila nagkakatampuhan o nag-away. Biglang na isip tuloy ni Alex na pakilala niya yung best friend niya kay Jason dahil sigurong magkakasundo sila.
“ alex, halika na dito. Ang sarap ng tubig “ yaya ni James
“ sige, ubusin ko lang tong beer ko “ sagot ni Alex
Tumango ito at nakipag laro na sa mga kasama niya. Ng matapos naman si Alex sa iniinom ay sumunod naman ito sa pool, pinuntahan niya si James. Kinuha ni James ang kamay ni Alex para alalayan at niyakayap niya ito. Bakat na bakat ang pagiging sexy ni Alex. Sabi niya sa sarili niya “ ang ganda ng katawan, ang sarap yakapin “
Napatingin bigla si Alex kay James.
“ bakit? May problem ba? “
“ ha? Wala, ang ganda mo kasi at sexy pa. ang swerte ko talaga “ na may pagnanasang sagot
“ ano ka ba? Girl friend mo na ako “
“ hindi lang ako maka paniwala na girlfriend na kita “
Hinalikan ni Alex sa lips si James at bumulong ng
“ I love you, gf mo na ako “
Kita mo sa mukha ni James ang saya ng oras na yun at bigla naman sumabat si Jason.
“ huwag nga kayong mang inggit “
Tumawa lang si James. Naisip naman ni Alex yung irereto niya kay Jason kaya…
“ Jason, may papakilala pala ako sa iyo pag uwi natin sa Manila. Best friend ko, mabait at maganda, bagay kayo nun “
“ talaga? Pakilala mo na agad sa akin “ sagot ni Jason
“ bro, magkaka gf ka na din “ sabi naman ni James
“ kayo nga sweet ninyo kaso wala naman kayong tawagan “ sabay tawa ni Jason
Naisip nila, oo nga bakit wala kaming tawagan. Kaya nag-isip agad si James na magandang tawagan nila. Hanggang sa tanungin niya si Alex.
“ Bakit nga wala tayong tawagan ei gf naman kita? “
Tumawa naman agad si Alex sa bf niya.
“ Bakit? Ano ba gusto mong itawag ko sa iyo? “ tanong naman nito
“ Love? Babe? Ling? Ano nga ba? Hindi ko din alam “ sagot ni James
“ hon na lang, kung gusto mo? “
Ah… sige hon na lang “
“ sige from now on James, hon na itatawag ko sa iyo “
Tumango naman agad ito sa gf niya. Sabay yakap.
“ ang lambing mo ano? Mahilig kang yumakap at humalik?
“ oo hon, mahilig ako talagang yumakap at humalik lalo kapag mahal ko “
“ halika na ahon muna tayo at kumain, medyo gutom na ako “ yaya ni Alex
Kaya umahon na sila at pumunta na sa lamesa para humanap ng makakain, kumuha si James ng plato at naglagay na din ng pagkain. Si Alex naman kumuha ng baso na may yelo para hindi na sila tatayo pag kumain na sila.
Pagtapos nilang kumain ay kumuha si James ng beer at pumunta naman sila sa videoke para makisaya sa ibang kumakanta.
“ Hon, kumanta ka naman “ hiling ni Alex
“ anong kanta ang gusto mong kantahin ko? “
Kumuha si Alex ng song book at naghanap na agad ito ng kakantahin ni James.
“ hon, alam mo ba itong kanta to? “ tanong ni Alex
“ anong title? “
“ I will be here “ sagot ni Alex
“ sige, ilagay mo na dun. Kakantahin ko sa iyo hon “
Pumunta na agad si Alex sa may videoke machine para pindutin yung number, at bumalik sa tabi ni James. Mga ilang kanta pa ay pinatugtog na yung I will be here at kumanta na si James. Ang dami na namang kinilig. Pag tapos kumanta ni James.
“ ma’am Alex kantahan nyo naman si Sir James “ sabi ng isa nandun
“ oo nga ma’am “
Kinuha naman ni James yung song book at siya na ang naghanap ng kantang kakantahin ni Alex.
“ hon, alam mo ba yung You ng carpenters? “ tanong ni James
“ oo, sige yun na lang kakantahin ko sa iyo “
“ anong number? “
Pag ka bigay ni James nung number ay agad ng pinundot yung kanta at kinanta na agad ni Alex. Nung kumanta si Alex ay tumahimik ang lahat, nagulat sa boses niya.
Tinititigan ni James si Alex habang kumakanta dahil sobrang ganda ng boses pala ni Alex. Nang matapos kumanta ay may nag request pa na kantahin yung ibang kanta kaya pinag bigyan naman niya ito. Si James naman habang nakikinig ay napaparami na pala ng inom.
Mga ilang sandali pa ay lumabas ang nanay at tita ni James. Maglu2to na sila ng agahan at mag-aayos ng gamit dahil aalis sila sa resort ng 8am. Lumapit ang nanay niya kay James.
“ anak, hindi pa ba kayo tapos uminom? mag aala-singko na ng umaga? “
“ mi, sige po tapusin ko lang po itong beer tapos matutulog na po kami “
“ good morning ma, sige po magtutulog na po muna kami kahit dalawang oras lang “
Niyaya na ni Alex si James, kaya hindi na inubos ni James yung beer na iniinom niya. Naglakad na sila papunta sa kwarto. Akala ni James magkatabi silang matutulog ngunit hindi pumasok si Alex sa kwarto nila James.
“ hon, hindi tayo magkatabi? “ tanong nito
“ umaabuso ka naman, porket magkatabi tayo kanina. Kaya ngayon gusto mo magkatabi tayo ulit “
Nakangiting sagot ni Alex
“ baka kasi pwedeng humirit ei “
“ sige na pasok ka na at matutulog na din ako “ sabi ni Alex
“sige na nga, see you later hon. I love you “
“ See you, I love you too “ at pumunta na si Alex sa kwarto nila
8:30am na pero hindi pa lumalabas si James sa kwarto kaya pinasok na ito ni Alex. Pag tingin niya natutulog pa at walang gumising sa kanya. Kaya dali dali niya ginising si James.
“ hon, wake up? Mag out tayo ng 9am, naka lagay na ibang gamit sa sasakyan at ikaw na lang ang inaantay “
“ ha? Bakit hindi ako ginising? “
“ busy siguro kaya hindi ka naalala, sige na mag-ayos ka na. ako na magliligpit ng gamit mo at dadalhin ko na sa van. Akin na muna ang fone mo baka makalimutan mo pa “
“ sige hon, maghihilamos at toothbrush na lang ako. Sa bahay na ako maliligo “ kaya agad ito nag cr
Habang nag aayos naman si Alex ay bigla naming tumawag si Alea. Sinagot naman ito ni Alex.
“ hello Alea, tama ba? “ tanong nito
“ hello, yes. Si James? “
“ nasa cr “
“ ah sige, paki sabi na lang na tumawag ako. Salamat “
“ ok “ at binaba na ni Alex ang fone
Pag labas ni James
“ hon, may tumawag ba? “ tanong ni James
“ yes hon, si Alea. Tawagan mo daw siya “
“ mamaya na lang hon “
At nag-double check siya ng gamit niya. Kinuha na ni James yung bag niya pero hindi niya kinuha yung fone niya kay Alex. Katibayan na wla siyang tinatago sa gf niya.
Lumabas na sila sa kwarto at pina check niya kay Cris yung ibang mga kwarto, baka kasi may maiwanan sila. Yung isa naman na tao niya, inutusan niya para tingnan yung mga kasama sila at masure na lahat ay makakasakay sa sasakyan.
Saktong 9am ay umalis na sila sa resort, dumaan sila sa bilihan ng pasalubong para may dala sila pauwi. Habang nasa byahe ay antok na antok si James kaya kinuha ni Alex mukha ng bf niya at nilagay sa balikat niya.
Mga ilang oras pa ay nakarating na sila sa opisina, kinuha mga gamit nila bumaba na sa sasakyan. magpapaalam na dapat sila kay James kaso mga tulog ang nandun sa van kaya nag alisan na yung mga tao ni James. Nagdrive na din ang tito ni James pauwi sa kanila.
After 30 mins, nandun na din sila James sa bahay nila. Kaya ginising na ng tito ni James ang mga tulog. Bumaba na din si Jason at nilabas ang sasakyan niya. Tumulong naman si Alex sa pagbaba ng gamit.
“ anak, dito ka na mag lunch bago ka umuwi? “ imbita ng nanay ni James kay Alex
“ ah.. sige po mga 3pm na lang po ako magpapasundo sa driver namin “
“ hon, ihahatid na kita sa inyo “ sagot naman ni James
“ bro, una na ako sa inyo “
“ Jason, dito ka na din kumain bago ka umuwi “ yaya ng nanay ni James
“ mi, sa ibang araw na po. May next week pa naman “
“ oh siya sige, mag ingat ka na lang “
Tinapik ni James si Jason sa balikat saka hinatid sa sasakyan.
Pag pasok ni James, niyaya niya si Alex na magpahinga muna sa kwarto habang nag-aantay ng makakain nila.
“ ma, akyat lang muna po kami ni James “ paalam sa nanay ni James
“ sige, anak. Phinga muna kayo “
At umakyat na ang dalawa. Pag pasok sa kwarto ni James nakita niya na sobrang linis nito at parang hindi lalaki ang may-ari ng kwarto.
“ ang linis ng kwarto mo hon “
“ naku marumi ako sa kwarto, nagkataon lang kasi bago kami umalis nung outing. Inayos ni tita kwarto ko kaya malinis ngayon. “
“ ah ok “
“ hon ok lang ba? Maliligo muna ako, saglit lang promise? “ sab ni James
“ sige, pwede din ba ako makiligo? “ tanong ni Alex
“ oo naman, gusto mo mauna ka na maligo? “
“ hindi mauna ka na hon “
Kaya inayos na niya ang gamit niyang pampaligo at naligo na si James.
After 30 mins ay tapos na ito maligo, inayos naman ni Alex ang gamit niya at kumuha ang towel.
“ hon ito na lang gamitin mo para hindi na mabasa yang towel mo “
Kinuha naman ni Alex yung tuwalya na binigay ni James sa kanya saka ito pumasok sa loob ng cr.
Nang matapos magbihis si James ay kumatok siya sa cr para sabihin na baba muna siya pero aakyat din naman agad.
Pagka sabi ni James kay lumabas na ito sa kwarto at bumaba na ito.
“ mi, anong niluluto ni tita? “ tanong ni James
“ sinigang anak, nasaan na si Alex? “
“ naliligo po mi “
Niyakap ng nanay niya si James
“ ang anak ko, inlove na inlove “
“opo mi, sobrang mahal ko po si Alex. Sana nga po kami na magkatuluyan “
“ anak, kung talagang kayo. Kayo hanggang sa huli, sana nga siya na maging asawa mo. Bagay kayo at sigurado gwapo at maganda magiging apo ko “
Niyakap ng mahigpit ni James ang nanay niya. Nakita naman ito ng tatay niya kaya…
“ ano meron? Ang drama nyong mag-ina “ nakatawang sabi ng tatay ni James
“ inggit ka lang “ sagot ng nanay niya
Niyakap din ni James ang tatay niya.
“ mahal na mhal ko po kayo “ sabi ni James sa magulang niya
“ mahal din kita anak “ sagot ng nanay niya
“ mi, akyat na ako at baka tapos ng maligo si Alex “
Umakyat na si James sa kwarto at pag pasok niya nakita niya si Alex na naka towel lang. lumapit ito kay Alex at niyakap niya. Hinalikan niya ito sa labi, hanggang matanggal ang towel niya. Nakita niya sa salamin ang hugis ng katawan nito. Pababa na ang kamay ni James at biglang sinabi ni Alex.
“ hon, masyadong pang maaga para sa ganito “
“ sorry hon, na carried away lang ako sa kagandahan mo “
“ ok lang hon, bihis na ako “
“ sige hon, bihis ka na “ hinalikan na lang niya sa pisngi si Alex at nagbukas na ito ng tv para manuod habang nag aantay sila ng lutong pagkain.