Chapter 9

2253 Words
Alas kwatro na ng umaga nag-iinuman pa din sila Jason. Inaantok na sila James at Alex pero umiinom pa din. “ Alex, matulog muna tayo? Medyo antok ka na din “ sabi nito sa gf niya “ sige, tulog muna tayo “ Kaya hinatid na ni James si Alex sa kwarto nila, hinalikan niya ito sa labi at saka ito pumunta sa kwarto nila. First time, tumagal sa inuman si James dahil hindi naman talaga ito pala inom. Nung nasa loob na siya ng kwarto ay himaga na agad ito pero hindi siya makatulog dahil naiisip niya si Alex. Ganun din pala nararamdaman ni Alex kaya lumabas ito at kumuha muna ng malamig na tubig saka uminom. Nakita niya na lumabas din si James sa kwarto niya. “ oh bakit, gising ka pa? “ tanong ni Alex “ hindi ako makatulog pero pagod na ako saka medyo lasing na din “ Kinuha niya na malamig na tubig si James saka niya ito pina-inom. Napansin ni James na maalaga pala si Alex kaya lalo itong na-inlove. “ sige James, matulog na tayo. Mahaba pa ang oras natin dahil hanggang Sunday pa tayo ng umaga dito “ “ gusto ko lang kasi lagi kitang nakikita, na mi-miss kasi kita “ lambing naman ni James Nilagay ni Alex ang kamay niya sa mukha ni James. “ sige sleep ka na baka mamaya magkasakit ka naman, saka pagod ka na din “ Yumakap lang si James kay Alex at humalik sa pisngi. Hinatid na ulit ni James sa kwarto si Alex at pumunta na din si James sa kwarto niya. Nakatulog na din agad ito nung nakapasok sa kwarto. Mga 8am na…  Nagising na si James, lumabas na siya ng kwarto. Dumiretso agad ito sa kusina para makita kung ano ang pagkain na niluluto ng tita niya at nanay niya. “ good morning anak, ang aga mo naman nigising ah? “ good morning mi, tita. Anong lulutuin niyo ngayon umaga? “ tanong ni James “ good morning sa gwapo kong pamangkin, nagluluto lang kami ng itlog at sausage “ sagot ng tita “ may tinapay po ba tayo? “ tanong ni James “ meron anak, saka nag-sangag din kami saka yung adobo at inihaw pa kahapon iinitin lng namin “ “ sige po mi, nga pala gising na po ba si Alex “ tanong sa nanay niya “ hindi pa anak, huwag mo na gisingin at late na din yata kayo natulog kanina “ Hindi na kumibo si James at umalis na dun, kumuha siya ng malamig na tubig at bumalik sa kwarto nila. Naligo na siya dahil plano niyang mag-swimming mamaya. Nakita niya si Jason nasa kwarto. “ bro, parang hindi ka natulog ah “ patanong ni James sa kaibigan Tumawa ito at sinabi niya na “ bro, happy ako kasi masaya ka kaya nag celebrate lang ako “ “ naku bro, sabihin mo miss na miss mong uminom. May mga alak at beer pa ba tayo? Baka kulangin tayo “ “ bro sobrang dami, kaya nga masaya ako. Sana lagi kayong may outing para masaya “ naka ngiting sagot nito sa kaibigan Pagka sabi ni Jason ay pumasok na si James sa cr para maligo, habang naliligo ito ay may narinig siyang kumakatok sa pinto nila. Kaya tinanong niya kay Jason kung sino yun. “ bro, sinusundo ka na ng gf mo “ “ sabihin mo bro, ligo lang ako at lalabas na din ako “ “ narinig mo Alex sabi ni James? “ pa tawang sagot kay Alex “ narinig ko, ang aga agang nang-iinis ah? “ naka ngiti din sagot nito Kaya lumabas na ito at pumunta sa may lamesa, nag prepare siya ng coffee ni James. Nang biglang lumapit ang nanay ni James. “ good morning anak, kumain ka na? “ “ good morning ma, sige po. Antayin ko lang po si James para sabay na kami kumain “ “ mag sandwich ka muna medyo matagal kang mag-aantay, matagal maligo yun “ “ sige po, kayo po ma kumain na din kayo. Ano po ba gusto nyo? Kuha ko na po kayo “ “ kanina pa kami kumakain ng tita ninyo, ikaw na lang “ “ ok po. Ma, maglalakad lakad na lang po muna ako “ “ sige anak “ Sa may pool siya pumunta at nakita niya na may mga nagswi-swimming na, nakita niya yung mga anak ng tao ni James na naglalaro sa pool. Binasa ito nung isa kaya.. “ naku ma’am Alex, pasensiya na po. Nabasa po ba kayo? “ ok lang “ at bumaba na din sa pool si Alex dahil nabasa na din naman siya. “ ate, ang ganda mo “ sabi nung isang bata “ talaga, maganda ba si ate? Sumagot ang mga bata, at nakipaglaro na ito sa kanila. Mga ilang sandali pa ay lumabas na si James at si Jason sa kwarto, hinanap ni James si Alex. “ mi, nasaan po si Alex? “ tanong nito “ nandito lang kanina pero sabi niya maglalakad lakad daw muna siya “ Luminga linga si James hanggang sa nakita niya na nasa swimming pool si Alex at nakikipaglaro sa mga bata kaya agad ito bumalik sa kwarto para kumuha ng towel para pag tapos ng mag-swimming si Alex mabigyan niya agad ito ng towel. Pumunta si James kung nasaan si Alex, habang papunta siya dun. Naisip niya siguro masaya kung magkakaroon sila ng mga anak dahil parehas silang maasikaso at siguradong maganda magiging anak nila dahil maganda si Alex. “ James “ tawag ni Alex “ Alex “ pinakita towel niya na dala “ halika, kumain muna tayo tapos saka na tayong mag-swimming “ Kaya umahon na ito. Nilagay agad ni James sa katawan ni Alex at pinunasan niya ito. Kung titingnan mo sila para silang matagal na magka-reslasyon dahil sanay na sila sa isa’t isa. Pumunta sa sila sa may lamesa para makakain, kinuhanan na ng pagkain si James at nilagyan ng mainit na tubig yung kape. “ anong gusto mong food James? Tanong ni Alex “ kahit ano, ikaw na bahala. Mag isang pinggan na lang tayo. Susubuan na lang kita kasi basa ka “ “ sure ka? tanong ni Alex “ oo naman, girlfriend kita “ Kinilig naman si Alex dahil first time niyang susubuan, pumayag siya dahil gusto niyang maranasan yung inaasikaso siya. At sinubuan na nga siya ni James. “ kumain ka din “ sabi ni Alex “ sige mauna ka na, pagtapos mo saka na ako kakain “ Ramdam na ramdan niya ang pagmamahal ni James sa kanya. Nang matapos silang kumain ay nagyaya na si James mag-swimming. “ sige, una ka na. nabusog ako ng sobra “ “ sige pero sumunod ka ha? “ sabay inabot niya muna yung celfone niya kay Alex At pumunta na si James sa swimming pool, at lumangoy na. tinitingnan lang ni Alex si James hanggang sa tumunog ang fone ni James. Nakita niya name ng isang babae kaya sinagot niya ito. “ hello James “ sabi nito “ Hello naliligo si James, sino to? “ tanong naman ni Alex pero alam naman niya ang pangalan ng tumawag dahil nakita niya sa fone nung nagri-ring ito “ si Alea, ah ganun ba? Si Jason? “ “ teka? Hanapin ko “ “ huwag na, sino pala to? “ tanong ni Alea “ si Alex, gf ni James “ “ ow… ikaw pala ang gf niya? “ “ why, may iba pa bang siyang gf si James? “ naiinis na sagot ni Alex “ wala naman, sige pakisabi na lang kay James na tumawag ako. Thanks. Bye “ sabay baba ng telepono Napansin ni James na parang may kausap si Alex sa fone niya at mukhang inis kaya umahon ito at pinuntahan si Alex. “ why? Sino tumawag? “ “ gf mo yata “ sabay bigay sa kanya ng telepono, inabot na din niya ang towel at siya naman ang pumunta sa pool para mag-swimming. Sumunod naman agad si James kaso hindi siya makapunta dun dahil mababasa ang fone niya. “ Alex… “ “ bakit? Mamaya na tayo mag-usap, kausapin mo muna yung tumawag sa iyo dahil nami-miss ka yata “ Tiningnan agad ni James ang fone niya at tiningnan kung sino ang tumawag sa kanya. Nakita niya si Alea. Na isip tuloy niya na baka kung anu-ano sinabi ni Alea kay Alex kaya ito nagalit. Hindi magawang tawagan ni James si Alea baka lalo lang magalit si Alex. Pinuntahan niya si Jason at sinabi na i-text si Alea at tanungin bakit siya tinawagan. Ginawa naman agad ni Jason yun. Imbis na magreply si Alea ay tumawag na lang ito kay Jason. “ Jason, bakit mo tinatanong kung bakit ko tinawagan ni James, pinag bawalan na ba si James na makipag-usap kahit kanino? yun ba ang gf niya yung naka usap ko kanina? “ “ Alea, ano ba kasi sinabi mo? Kung gusto mong maka-usap si james, ako na lang ang tawagan mo “ “ bakit? Bawal nga ba kausapin si James? “ “ ewan ko sa iyo Alea, sige na at umiinom pa kami. Huwag ka na muna tumawag o magtext kay james ha? “ sabi ni Jason sabay baba ng telepono Kina-usap agad ni Jason si James at sinabi niya na tumawag sa kanya si Alea, at sinabihan na din niya na huwag muna tumawag o magtext. Binigyan ni Jason ng beer si James at kinuha naman ito. Si alex naman nandun sa pool kasama ibang babae. Mga ilang oras pa ay umahon na si Alex at nakita naman agad ni james kay pumunta ito para i-abot yung towel. Kinuha naman ni Alex saka naglakad papunta sa kwarto nila. Nung malapit na sa kwarto ni Alex napatinggil na si James dahil hindi naman siya pwedeng pumasok sa loob. Tumalikod na lang siya at bumalik dun kina Jason para uminom. Hindi mapakali si James kaya tinext niya ito. “ please, huwag ka naman magalit sa akin. Wala naman akong kasalanan “ “ hayaan mo muna ako James, gusto kong magpahinga “ “ please… please … bati na tayo “ Hindi na sumagot sa text si Alex. Kaya uminom na lang si James. “ bro, shot ka nito “ alok ni Jason “ ano ba yan? “ tanong ni James “ brandy, swabe lang ang lasa niyan tapos saka tayo mag beer mamaya “ Kinuha na ni James yung binigay sa kanya ni Jason at nagsimula ng tumagay. Mga ilang oras pa nalasing na si James. “ bro, ayoko na yata. Lasing na ako, kayo na lang. papahinga muna ako “ sabi nito sa kaibigan Kaya sinamahan ni Jason si James sa kwarto at hinayaang matulog. Paglabas ni Jason, sabay labas naman ni Alex. “ Alex yung bf mo, ayun bagsak “ “ ha? Bakit? “ tanong ni Alex “ uminom kasi kami ng brandy, tpos tinamaan na siya “ “ sige ako na bahala, kuha muna ako ng malamig na tubig para mapunasan ko siya, salamat Jason “ Pumunta agad ito sa may lamesa at naghanap ng palanggana, kumuha din ng yelo saka nilagay sa palanggana na may tubig. Naghanap din siya ng tuwalya para mapunasan na agad si James. “ bakit ka kasi naglasing? Hindi mo naman pala kaya “ Hindi makasagot si James sa sobrang kalasingan. Lumabas ulit ng kwarto si Alex para ikuha siya ng malamig na tubig para mas lalong mahimasmasan si James. Pinilit niyang pa upuin si James para maka-inom ito ng malamig na tubig. “ I’m sorry Alex “ “ yan ba ang ok, halos lantang lanta ka? “ sige na matulog ka muna, dito lang ako para bantayan ka? “ “ I love you, please bati na tayo? “ sabi ni James “ sige, ok na. matulog ka na “ Humiga na si James at humiga na din si Alex sa tabi niya, hindi nila namalayan na parehas na pala sila nakatulog. mga ilang oras ay kumatok at pumasok sa kwarto ang nanay ni James, nakita niya na magkatabi si James at Alex kaya ginising niya si James. Nagising naman agad si Alex. “ ma, nakatulog po pala ako. Nalasing po si James sa inumom nila ni Jason kaya pinunasan ko at inalagaan muna “ “ ok lang anak, kumain ka na muna. Anong oras na? “ Nung tumayo si Alex ay nagising si James. “ mi “ sabi ni James “ anak, kumusta ka? kumain na kayo, anong oras na saka baka gutom na si Alex “ “ sige po, kakain na kami “ Sabay sabay na lumabas si James, Alex at nanay niya. Nakita naman agad ni Jason. “ ok ka na bro? tanong nito “ ok na ako, hindi ka pa rin tapos uminom? Uy… kumain ka naman “ “ tapos na bro, nagbabanlay na nga kami ng beer. Pinahirapan mo gf mo sa pag alaga sa iyo “ sabay tawa Tumingin ito kay Alex at niyakap. Kinuhanan ni Alex ng pagkain si James at siya naman ang nagsubo. “ kumain ka ng marami tapos maligo ha? maaga tayo magsleep ngayon “ “ huwag muna tayo magsleep? “ nagmamakaawang sabi ni James “ matulog ka na lang muna, pag ok ka na saka na lang tayo mag-swimming kung gusto mo “ Pumayag na si James sa sinabi ng gf niya. Kaya pagtapos nila kumain ay naligo na si James, at humiga na sa kama katabi ni Alex. “ I love you “ sabay yakap sa gf niya “ I love you too James “      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD