Nasa bahay na si Alex pero hindi siya makapakili, inaantay niya ang text o message ni James. Umabot na ang dalawang oras pero hindi pa din nagpaparamdam sa kanya. Naisip niya na nagtampo o nagalit siguro ito kaya hindi na nagparamdam. Hindi na siya makatiis kaya siya na mismo ang nagmessage kay James.
“ hi James, nasa bahay ka na ba? “
Nakahiga na nun si James nung nabasa niya ang message ni Alex, agad naman ito nag reply
“ nasa bahay na ako kanina pa, patulog na nga ako. Ingat ka na lang bukas, text na lang kita kapag nsa resort na ako. Pahinga ka na dahil mat meeting ka bukas at alam ko pagod ka na “
“ sige, ingat kayo bukas “ sagot naman ni Alex.
Nag-ayos muna si James ng gamit niya at saka ito natulog.
Kina umagahan…
Bumangon na si James at tinawagan si Jason.
“ Bro good morning, mag aayos na ako iba pang gamit at pupunta na din ako sa opisina. Didiresto ka na ba dun? “
“ James, diyan na ako didiresto, antayin mo ako. Iiwan ko na lang yung sasakyan ko para mag-isang sasakyan na lang tayo “
“ ok bro, antayin na lang kita. See you later! “ sabay baba ng telepono
Pag tapos nilang mag-usap bumaba na si James, nakita niya na nag aayos na nanay at tatay niya.
“ good morning James kasama ko pala tito mo “
“ good morning tita, talaga? Mabuti siya na lang po magdrive ng van na dadalhin ko “ sagot naman agad nito sa tita niya
“ anak, gising ka na? inayos ko na mga gamit namin ng daddy mo. Saan ko ba ilalagay? “ tanong nito
“ sa van po, si tito na din ang magdri-drive “ sagot ni James
Naisip niya tutal hindi naman sasama si Alex kaya iinom na lang sila ni Jason at mag eenjoy, kaysa naman magmukmok ito dahil hindi sasama sa outing si Alex.
Mga ilang oras pa, dumating na si Jason sa bahay nila James. Nagpark lang muna ito sa labas ng bahay nila James dahil hindi pa nilalabas ni James yung sasakyan. Pumasok sa loob si Jason at nakikain na din. Nakita niya na malungkot si James kaya…
“ bro, bakit mukhang malungkot ka? “ nag aalala sabi ni Jason
“ wala bro, si tito pala ang magdri-drive kaya kahit uminom tayo ng marami. Ok lang “
“ wow… bago sa pandinig ko yata yun ah? “
“ sige, kumain ka lang muna diyan at maliligo lang ako bro. ilagay mo na lang din yung gamit mo sa van ha? “
Tumango lang ito habang kumakain. Hindi mapakali si Jason sa kaibigan niya kaya minessage niya si Alex.
“ good morning Alex, mga what time ka punta sa office? “
“ good morning Jason, baka hindi ako makasama dahil may meeting ako mamaya “
“ ah… kaya naman pala malungkot yung isa “ sagot ni James
“ ganun ba? Sorry Jason ha? Hindi ko kasi alam kung what time matatapos yung meeting ko, ayoko naman paasahin si James. “
“ ok lang, iinom naman kami mamaya ei “ matipid na sagot ni Jason
“ Saan bang resort yun? Message mo sa akin pero huwag mo na lang sabihin kay James na tinanong ko sa iyo “
“ sige message ko sa iyo mamaya, hindi ko din kasi alam kung saan. Sige mamaya na lang at ililipat ko pa gamit ko sa van, message na lang kita mamaya “ paalam nito kay Alex
Sa isip niya, bakit gusto niyang malaman kung saan kaming resort ei hindi naman siya pupunta. Naawa sa kaibigan dahil minsan lang talaga yun magka-gusto sa babae. Napa-buntong hininga na lang ito at kinuha ang gamit.
Mga ilang sadali pa ay bumaba na si James, dala mga gamit niya at pinalabas na ang sasakyan. Tumulong si Jason sa paglagay ng ibang gamit sa van para maka-alis na sila at maka-inom na agad.
“ nga pla bro, Saan tayo sa los banos? “
At sinabi naman agad ni james yung lugar, kaya agad niyang minessage si Alex.
“ mi, daddy sakay na po kayo sa sasakyan, si tita nasan na?
“ teka, tingnan ko sa loob anak “ sabay pasok sa loob ng bahay
At nung lahat ay nasa loob na ng sasakyan, ay nilabas na ang van at pinasok naman ni Jason yung sasakyan niya at saka sinara ang gate. Nasa byahe na sila papunta sa opisina ay biglang nagsalita ang nanay ni James.
“ anak, excited ako na makilala yung nililigawan mo. Si Alex, tama ba? “
Nagkatingin sila Jason at James dahil alam nila na hindi na makakasama sa outing si Alex.
“ baka po hindi na makakasama kasi po may meeting siya ngayon, pero try daw niya na makahabol “ sagot ni James sa nanay niya
Nagmessage agad si Jason kay james ng …
“ bro, bakit hindi mo sinabi kay mommy na hindi makakasama si Alex? “
“ bro, hayaan mo na kasi nasabi ko na nung isang araw na kasama natin siya tapos ngayon hindi na “
“ sabagay, hindi bale bro. iinom na lang natin yan mamaya sa resort, saka marami pang babae. Kung ayaw sa iyo hindi huwag. Hindi mo kawalan bro “ pinalalakas ang loob ng kaibigan
Tumingin na lang siya at ngumiti.
Nang makarating sila sa opisina ay naka ready na ang mga tao ni James, halatang mga atat mag swimming. Bumaba si James at si Jason, nag head count sila bago umalis at kung may kulang pang kailangan para bago sila pumunta dun sa resort nabili na lahat.
” guys good morning, ready na ba kayo? “ tanong ni James
“ yes sir, ready ng magswimming “ sagot nung isang tao niya
“ naku sir, yung mga babae. Masyadong atat mag-swimming “ sagot ng isa
“ guys marami ba tayong alak diyan? “ tanong naman ni Jason
“ naku sir Jason, marami po tayo niyan at kung magkulang naman tayo maraming bilihan dun “
“ good, magpapaka-lasing kami ng pare ko “ na tatawang sagot ni Jason
“ ok lets go guys, see you sa resort “
“ sir wala pa po si Ma’am Alex “ tanong ni Cris
Hindi makasagot si James dahil narinig ng tao niya na sasama si Alex tapos ngayon biglang hindi na pala.
“ sir, ayan na po pala si ma’am Alex ei “
Sabay tingin sa likod at nakita nga nya si Alex na bumaba sa sasakyan dala din ang gamit.
Lumapit si James kay Alex at…
“ oh..akala ko ba may meeting ka? “ tanong ni James
“ pina-cancel ko kasi alam kong magiging malungkot ka “
“ talaga? Pinasaya mo ako Alex akala ko talaga hindi ka makakasama sa outing namin “
Ngumiti lang si Alex at binigay na niya ang gamit niya kay James, kinuha naman niya ito. Habang papunta na sila sa van…
“ guys, are excited? Lets have fun “ sabi ni Alex sa lahat
Kita mo sa mukha ni James ang sobrang saya.
“ guys lets go “ sabi ni James
Apat na van ang dala nila James dahil kasama yung ibang asawa ng mga tao niya. Pumasok na sila sa kanya kanyang van, pina una ni James si Alex sa van at dun nakita ng magulang ni James si Alex.
“ mi, dad, tita and tito si Alex po, Alex mommy ko, daddy, tita at tito ko “
“ hello po “ sabi ni Alex sa knila
“ hello Alex, ang ganda mo iha? Kaya naman pala na inlove ang anak ko sa iyo “
“ oo nga Alex, ang ganda mo “ banat ng tita ni James
Ngumiti lang ang tatay ni James at tumango naman ang tito niya na nagdri-drive ng van.
“ naku po, hindi naman po “ nahihiyang sagot ni Alex kasi halos alam na ng pamilya ni James na nililigawan siya
Habang nasa daan, ay medyo inaantok si Alex kaya binigay ni James yung balikad niya para dun siya sumandal. At sumandal naman ito kay James, yung nanay niya ay parang kinikilig sa nakikita dahil sobrang bagay sila. Masaya siya na nakikitang masaya ang anak niya.
Sumenyas naman si Jason kay James na parang kinikilig sa dalawa, dahil kung titingnan mo parang sila ng dalawa pero wala pang formal na sinagot na siya ni Alex.
Makaraan ang dalawang oras ay dumating na sila sa resort, ginising na ni James si Alex. Kinuha na niya gamit niya pero kinuha ito ni James.
“ ako na magdadala ng gamit natin “ sbi ni James kay Alex
“ bro, dalhin mo din gamit ko “ pang iinis na sabi naman ni Jason
“ tumulong ka bro, tapos iinom na tayo “ sagot ni James
“ totoo? Iinom pa din tayo? Kahit nandyan si Alex “
“ oo naman Jason, iinom tayong tatlo “ sagot ni Alex
“ yan ang gusto ko, cool! Boto na ako sa iyo Alex para sa bro ko “
Tumawa lang si James, sabay bigay ng ibang gamit para maipasok na ito sa loob ng resort. Pag pasok nila tiningnan agad ni James kung ilan ang kwarto dun para maayos niya mga tao niya. Nakita niya may limang malalaking kwarto at kanya kanyang cr, lutuan, ihawan, bilyaran, videoke at dalawang malaking pool na may slide. Kaya yung isang room para sa mommy niya kasama tita at si Alex. Yung isang kwarto naman para sa tito niya, tatay niya, kay Jason at sa kanya. Yung tatlong kwarto ay para na sa mga tao niya ksama mga asawa’t anak nila.
Pagka ayos ng mga gamit nila, naglagay agad ng beer sa ref si jason, yung iba naman ay nag-ihaw, yung iba nagbihis ng pampaligo at nagswimming na. At si James naman ay inasikaso na si Alex sa lahat ng kailangan niya.
“ James, ok lang ako. Asikasuhin mo na muna sila “ sabi ni Alex
“ alam na ng mga kasama ko yan, pag nagutom sila kakain na lang mga yun. Matagal ko na silang kasama “
“ anak, Alex halika kumain kayo dito. Nasaan na yung isang anak ko? “ tanong ng nanay ni James
“ po? “ tanong ni Alex
“ si jason yun Alex, bata pa lang kasi kami magkasama na kami nun saka lagi kong kasama yun kahit saan pa ako pumunta kaya nung nag meeting kayo, kasama ako “ sabay tawa
“ grabe ang friendship ninyo noh? Kahit wala kayong ginawa kundi mag-asaran “
“ anong gusto mo? “ tanong ni James
“ malamig na coke na lang “ sagot nito
At kinuha na agad ni James ng coke si Alex. Nakita naman niya si Jason na nakikipag-inuman na sa mga tao niya.
“ bro, hinahanap ka ni mommy. Kumain ka muna at kayo din kumain muna kayo bago uminom “
Tumayo sila para kumuha ng pagkain at saka bumalik ulit sa mga pwesto nila.
Natatawa si Alex kay Jason at James kasi ngayon lang niya naka sama mga yun, si Jason ang tipo ng tao pag may inuman ei walang paki sa mga tao basta maka-inom. Si James naman masyadong maalaga sa mga kasama. Hindi lang sa kanya dahil nililigawan siya kundi sa kaibigan at mga kasama niya sa tabaho.
Inabot na ni James ang malamig na coke kay Alex at kinuha na din niya ng sandwich para makakain siya kahit papaano. Nagpaalam din siya na punta lang siya muna kina Jason at tumango naman ito.
Habang kinakausap ni James tao niya, napatingin si Alex at naisip niya “ ang swerte naman talaga ng magiging gf or asawa ni James, kaya plano niyang sagutin si James kaso nagdadalawang isip siya dahil bago pa lang ito nanliligaw tapos sasagutin na niya agad. Hindi na niya ma-control ang feelings niya at baka sumuko na din si James sa panliligaw kaya paano na.
Napatingin si James kay Alex at ngumiti, tinawag niya ito kaya lumapit naman siya. Nakita niya pawis na si James kaya pumunta agad si Alex sa kwarto nila at kumuha ng pamunas. Pag balik dun, pinunasan niya ng pawis si James at naghiyawan ang mga tao dun dahil sobrang sweet ng dalawa.
“ guys, bago matapos ang outing may made-develop “ sabi ni Jason
“ sir James, boto kami kay Ma’am Alex. Bagay kayong dalawa “ hirit ng isang tao niya
Ngumiti lang ang dalawa.
“ Alex, kuha na ako ng beer. Iinom na ako, ikaw ba? “ alok ni james
“ sige kukuha na lang ako mamaya, mauna ka na “ sweet na sagot naman ni Alex
At kumuha na ng baso na may yelo at isang beer. Kinuha naman ni Alex si James ng pulutan niya.
Pinakikita ni Alex na gusto na din niya si James.
“ kinuha na kita James ng pulutan mo, ok ba sa iyo yung liempo? “ tanong niya
“ salamat Alex “
Laging nasa tabi lang ni James si Alex para kapag may kailangan si James ay siya na lang ang kukuha. Naramdaman ni James na sasagutin na siya sa pinararamdam sa kanya ni Alex. Binulungan niya si Alex…
“ thank you, I love you “
“ welcome, I love you too “ sagot ni Alex na pabulong din
Nagulat si James sa sinabi ni Alex kaya ang sabi niya…
“ ha? Anong sabi mo? Tama ba ako ng narinig? hindi pa kasi ako nagsisimulang uminom pero parang na lasing na yata ako sa narinig ko “
“ sabi ko, welcome… I love you too “
“ you mean, tayo na? “ tanong ni James kay Alex
Tumango lang ito kay James kaya bigla itong napa sigaw
“ yes….. kami na, sinagot na ako ni Alex “
Napatingin lahat pati magulang at si Jason ay nagulat din sa sinabi ni James.
“ Congrats bro, inuman to the max. kailangan nating magcelebrate, sagot ko tatlong case ng beer “ sabi ni Jason
Lalong sumaya ang outing nila dahil two in one, na close nila ang deal kay Mr. Santos tapos sinagot pa ni Alex si James. Lumapit naman ang nanay ni James sa dalawa at niyakap niya mga ito.
“ masaya ako sa inyo mga anak, mahalin ninyo ang isat isa “
Niyakap ni Alex ang nanay ni James na lalong kina inlove ni James sa ginawa ni Alex sa nanay niya.
At sumapit ang gabi nagkakantahan sila, magkatabing umiinom si Alex at James, ng biglang kumanta si James.
“ This song is dedicated to my one only love, Architect Alex. Mahal na mahal kita “
Nagsimula ng tumugtog ang kanta, habang kumakanta si James ay naka hawak ito kamay ni Alex. Halos lahat kinilig sa ginawa ni James na para kasing nanghaharana si James sa gf niya. Sobrang kilig naman ni Alex sa ginawa ni James sa kanya.
“ I love you James, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya “ sabay yakap sa boyfriend niya
Pag tapos kumanta ni James, hinalikan niya si Alex sa lips sabay sabi ng …
“ I love you “
Hiyawan ang mga tao ni James, pati magulang niya ay talaga naman kinilig.
Buong gabi nag-inuman sila James at Alex kasama sila Jason at ibang mga kasama nila. Yung iba naman nasa pool lalo mga babae. Yung mga bata natulog na pati magulang ni James at yung tita niya, pero ang tito ni James kasama nilang uminom.
Naging masaya ang gabi na yun. Hinding hindi makakalimutan ni James yung araw na yun dahil yun ang araw na sinagot siya ng babaeng pinaka-mahal niya.