Nagising si James sa sakit ng ulo, nanlalata siya. Kaya naisipan niya na sa bahay nalang siya gagawa ng design.
Knock… knock… knock
“ anak, anong oras na? hindi ka ba papasok? “
“ Mi, dito na lang po ako gagawa ng design. Masama po kasi pakiramdam ko “
“ sige, pagluto kita ng sinigang para makakain ka ng may sabay. Bakit nga pala hindi umuwi si Alex? “
“ sige po mi, medyo busy lang po si Alex sa darating nilang reunion “
Niyakap ng nanay niya si James dahil nararamdaman niya na may pinagdadaanan na naman ito.
“ mahal kita anak, nandito lang lagi si nanay ha? “
“ opo mi, mahal ko din po kayo ni daddy “ at niyakap niya ito ng mahigpit.
Lumabas na ang nanay niya para makapagluto agad at si James naman ay naligo para gumaan ang pakiramdam niya.
Pagkatapos niya maligo at agad ito nagmessage sa opisina na hindi siya makakapasok at sa bahay na lang siya gagawa ng design.
Mga ilang sandali pa ay tumatawag na si Jason.
“ hello bro, musta ka na? “
“ bro, medyo mabigat katawan ko kaya dito na lang ako magtra-trabaho muna sa bahay. Salamat pala sa paghatid sa akin kagabi ha? “ sabi ni James
“ wala yun bro, basta pag gusto mo ng makakausap nandito lang ako “
“ salamat bro “
Pag baba ng telepono ay agad ng nagtrabaho si James para hindi niya maisip si Alex.
Ngunit kusang pumapasok sa isip niya si Alex at hindi niya kayang mawala sa kanya. Pinipigilan niya ang sarili na imessage o tawagan dahil baka makulitan na sa kanya si Alex kaya nilayo na lang niya yung fone niya sa kanya.
Bago mag lunch ay may tumatawag kay James, tiningnan niya ito kung sino pero number lang ang nag appear kaya sinagot niya.
“ Hello James si Jane to, nakuha ko number mo kay Jason. Musta ka na? “
“ hello Jane, ok naman. Salamat pala sa kahapon ha? “
“ wala yun James, nasa office ka ba ngayon? “
“ sa bahay lang ako magtra-trabaho, medyo mabigat kasi katawan ko. Bakit? “
“ wala naman, sige trabaho ka na “
“ ok “ at binaba na ni James ang fone
Naisip ni Jane na kausapin niya si Alex dahil naaawa siya dito, kaso hindi pa niya nakikita sa Alex sa opisina simula kanina.
“ ate, nakita mo ba si Alex? “ tanong ni Jane sa ka-trabaho nila
“ nakita ko sa canteen kanina “ sagot nito
“ ah ganun ba? Sige puntahan ko na lang, salamat “
At agad naman ito pumunta sa canteen para makausap niya agad. Ngunit laking gulat niya na may kasamang ibang lalaki si Alex at ang sweet nila.
“ Alex “ sabi ni Jane
“ Jane, friend ko pala “
“ hi, Alex pwede ba tayong mag-usap? “ sabi ni Jane
“ sige, saglit lang ha? “ sabi ni Alex dun sa lalaki
“ sige mamaya na lang, don’t forget later ha? iinom tayo, sama ka na din Jane “ sabi nung lalaki
“ ok sige, see you later. Bye “ sagot ni Alex
“ Alex, bakit ka sasama dun? Diba may boy friend ka? kawawa naman si James “
“ nag eenjoy lang ako Jane at walang masama sa ginagawa ko, sama ka mamaya dun tayo sa favorite hangout natin “
“ naku ewan ko sa iyo, imbis na ayusin ninyo relasyon nyo ni James ei yang lalaki na yan inaatupag mo “ sabay alis
Hindi na kaya ni Jane ang nakita niya dahil yung isa nagpapakalasing samantalang ito si Alex nag eenjoy naman. Naisip niya na yayain niya si Jason mamaya at isama si James para makita ni James yung ginagawa ni Alex.
Tinawagan niya si Jason.
“ hello Jason, may sasabihin ako sa iyo. Kailangan mong malaman “
“ sige ano yun? “
“ si Alex nakikipagdate sa ibang lalaki, hindi ko kukunsintihin si Alex sa mali ang ginagawa niya kasi kaibigan ko siya at ayoko din magpa-asa siya ng ibang tao “
“ ano? Teka akala ko ba ok sila ni James? “
At kinuwento na ni Jane lahat ng alam niya, sinabi din niya na mamaya magba-bar sila kaya need nilang pumunta dun para makita ni James.
“ hindi ko alam kung tama ba gagawin natin Jane, sobrang masasaktan bro ko “
“ ano gagawin natin? “
“ ewan ko, sige mamaya tawagan kita mag iisip muna ako. Maaga tayong magkita Jane, okay lang ba? Nalulungkot kasi ako sa nangyayari sa kaibigan ko, mahal na mahal niya si Alex tapos lolokohin lang pala siya “
“ kaibigan ko si Alex pero mali ginagawa niya kaya sinabi ko sa iyo “
“ salamat Jane, sige sunduin kita dyan agad at sunduin natin si James “
At binaba na nila ang telepono.
Simula nung nalaman ni Jason yung kay Alex, hindi na ito nakapag-trabaho. Kaya naisip niya na maaga na lang siya mag out para sunduin si Jane at pumunta sila agad kay James.
Mga alas tres ay umalis na si Jason sa opisina, minessage niya si James.
“ bro, punta kami ni Jane diyan. Inom tayo “ yaya ni Jason
“ bro, ayokong uminom ngayon. Medyo masama pakiramdam ko talaga. Kayo na lang muna ni Jane saka baka kasi umuwi si Alex dito hindi niya ako maabutan “
“ hindi naman pupunta si Alex ngayon dahil busy yun ngayon, sama ka na lang sa amin kahit hindi ka na uminom “
“ bro sorry, pass muna ako ngayon “
“ basta pupuntahan ka naming diyan, magbihis ka na “ sabay baba ng fone
Nang makarating siya sa opisina ni Jane, nakita niya si Alex na may kasamang lalaki. Nagyo-yosi yung lalaki habang naka yakap naman si Alex dun. Naiinis siya at gusto niyang sugurin pero hindi niya magawa. Kaya ginawa niya lumabas ito sa sasakyan at lumapit sa smoking area, agad naman nakita ni Alex si Jason kaya tinanggal niya ang pagkakayakap niya dun sa lalaki.
“ Alex, musta? “
“ ha? okay naman. Sinusundo mo si Jane? “
“ oo sana, uuwi ka ba ngayon kina James? “
“ sinong James babe? “ tanong nung lalaki
“ tropa naming babe “
Nung narinig ni Jason yun ay nagpaalam na agad ito kay Alex. Tinawagan na din niya si Jane.
“ hello Jane, nandito na ako? Nakita ko na pala yung bago ni Alex sa smoking area “
“ hello, sige lalabas na ako. Talaga nakita mo? Anong reaction? “
“ pinakilala sa akin, babe nga tawagan nila ei. Bilisan mo at naiinis ako baka makasapak pa ako “
“ sige… sige.. lalabas na ako “ kaya agad agad ito tumayo at pumunta sa parking lot
Nung nasa labas na si Jane, nakita niya si Alex at yung lalaki.
“ Jane, nandiyan pala si Jason “ sabi ni Alex
“ oo, papunta na nga ako dun “
“ babe, saglit lang kausapin ko lang best friend ko “
“ sige babe, no prob “
“ Jane, kausapin mo si Jason na huwag niyang sabihin kay James yung nakita niya “
“ bakit ko naman sasabihin? “ inis na sagot nito kay Alex
“ fling ko lang naman siya, mahal ko si James. Gusto ko lang nag enjoy muna sa company ng iba “
“ Alex, mali yun. Kilala mo ako, hindi ako kunsintidor na kaibigan. Mali ginagawa mo, kung may ayaw ka kay James dapat sinasabi mo sa kanya. Hindi ganyan…. Sige na, inaantay na ako ni Jason “
“ Please Jane “
“ kung gusto mo, ikaw ang kumausap kay Jason pero huwag ako “ tumalikod na ito at lumabas na ng opisina.
Hinanap ni Jane ang sasakyan ni Jason at nung nakita niya ay agad siyang pumunta dun, binaba ni Jason yung salamin ng sasakyan.
“ lika, get inside “ sabi ni Jason
At pumasok naman si Jane at saka sila pumunta sa bahay ni James. Habang nasa daan sila ay pinag usapan na nila ang gagawin nila. Kailangan na malaman ni James yung ginagawa ni Alex kaysa magmukha siyang tanga. At least maka move on agad siya kung sakali makita niya yun.
“ Jason malapit na tayo kina James, sure na ba tayo na pupunta tayo kung nasaan yung dalawa? “ tanong ni Jane “
“ Jane hindi ko alam pero dapat malaman niya kaysa umasa yung bro ko, alam niya ok pa sila yun pala may iba na si Alex “
“ sabagay tama ka naman, sige kung sa palagay mo tama yun. Okay na din ako “
Nag park na sila sa harap ng bahay nila James, at nag door bell.
“ anak, na dalaw ka. sino kasama mo? “ tanong ng nanay ni James
“ hello mommy, si Jane po yung nililigawan ko. Si James po? “
“ good afternoon po “ bati ni Jane
“ good afternoon din iha, pasok kayo. Si James nasa taas, nilalagnat at masama pakiramdam “
“ bakit nilagnat mi ? “ tanong ni Jason
“ pagod, dami ng nainom at stress “
Hinawakan ni Jane sa kamay si Jason at sumimple na huwag na lang nila dalhin dun si James at baka lalong ma stress. Hindi pinansin ni Jason dahil buo desisyon niya na makita ni James ang ginagawa ni Alex. Naisip niya kung hindi pa nila ipapakita kay James hanggang kelan ganun si James.
“ mi, akyat na po kami “
“ sige akyatin nyo na “
At umakyat na ang dalawa pero bago pumasok yung dalawa sa kwarto, hinawakan ni Jane kamay ni Jason.
“ Jason ei kung hanapan na lang natin si James ng iba, huwag na lang tayo tumuloy “ nag aalala para kay James
“ hindi ko na isasama si James pero pupunta pa din tayo dun, kukuhanan na lang natin sila ng pictures para pag gumaling si James saka natin ipapakita. Hindi ko kayang makita naloloko si James. Kukumustahin lang natin siya saka na tayo aalis “
“ sige “ sagot ni Jane
At pumasok na sila sa kwarto ni James.
Nakita nila na natutulog yung kaibigan kaya umupo ito sa tabi niya at tinapik.
“ bro, musta ka na? “
“ masama pakiramdam ko, Jane nagkausap ba kayo ni Alex? Uuwi daw ba siya dito? “
“ James masyadong busy si Alex ngayon kasi may bagong client siya, kapag hindi na siya busy baka umuwi na din siya dito “
“ oo nga bro, pagaling ka na para masundo mo na siya sa office “
“ sige, salamat “
“ dumaan lang kami pero hindi na din kami magtatagal para makapag pahinga ka, pagaling ka na bro para naman makapag inuman tayo “
Tumango lang si James.
Bumaba na din ang dalawa.
“ mi, dad, aalis na po kami “ paalam ni Jason
“ aalis na po kami “ paalam din ni Jane
“ sige mag ingat kayo, salamat sa pag dalaw “
“ oo naman mi, alam mo naman na parang kapatid ko na si James “
“ swerte ko naman, dalawang mabait at gwapo anak ko “ sabi ni nanay
“ si mommy talaga, sige po alis na kami. Balik na lang po ako sa isang araw “
Nang makalabas na sila ng gate ay pinuntahan na nila agad yung bar kung saan nandun sila Alex.
“ Jane, pwesto tayo sa lugar na hindi tayo makikita ha para makunan natin sila ng maayos “
Tumango naman si Jane.
“ Jason huwag ka na lang mag park dun sa bar mismo baka makita ni Alex yung sasakyan mo “
“ ei saan tayo magpa-park “ tanong ni Jason
“ sa 711 na lang, maglakad na lang tayo pupunta dun “
“ sige “
At nagpark na nga sila sa may 711, at naglakad ito. Pa tingin tingin sila sa lugar baka bigla nilang makita si Alex. Hanggang makarating sila sa entrance, nagbayad ito ng entrance fee at nag-request na sa tagung lugar sila i-pwesto. Nung nasa upuan na sila ay tinawag nila yung waiter para maka order na sila ng beer.
“ Ma’am Jane, nandito po si Ma’am Alex “ sabi nung waiter
“ talaga kuya, huwag mong sabihin na nandito ako ha? nasaan siya? “
At tinuro naman ng waiter yung pwesto ni Alex. Nakita niya kasama niya yung lalaki, nagha-halikan nagya-yakapan.
Nakita din ni Jason yung ginagawa ni Alex, gusto niyang sugurin pero inawat siya ni Jane.
Inutusan ni Jason si Jane na kunan na niya si Alex kaya sinunod naman niya ito. Halos lahat ng anggulo nakuha ni Jane.
Tiningnan naman agad ni Jason yung mga picture at nakita niya na kuhang kuha na naghahalikan si Alex at yung lalaki.
“ good, maganda kuha mo. Walang ligtas si Alex kapag nakita ito ni James “
“ natatakot ako Jason baka kung ano magawa ni James “ natatakot na sagot ni Jane
“ hindi ganun si James, kilala ko siya saka mas ok yun kaysa mukhang tanga yung kaibigan ko “
Hindi na nagsalita pa si Jane at uminom na lang ito.
Mga ilang oras pa ay nagyaya na si Jane umuwi, kaya kinuha na nila ang bill at binayaran na agad ni Jason.
“ thank you Jane, hindi mo kinunsinti si Alex sa mali niyang ginagawa “
“ hindi naman ako kunsintor Jason, sana lang hindi ka magsisi pag pinakita mo na kay James “
“ sure ako Jane, hatid na kita “
Naglakad na sila palabas ng bar at hinatid na ni Jason si Jane sa bahay nila at saka umuwi na si Jason sa bahay.
Makalipas ang tatlong araw…
Maagang nagising si James, tinext niya si Alex.
“ good morning, tuloy ba tayo mamaya sa bahay ninyo? “
“ good morning, hindi marami akong ginagawa “
“ ganun ba? Pwede ba tayong mag usap pag out mo? Puntahan kita sa office nyo “
“ busy ako James, ako na lang pupunta sa inyo pag hindi na ako busy “
Hindi na sumagot si James kaya naligo na ito saka umalis. Pumunta siya sa bahay ni Jason.
“ Bro, punta ako diyan. Inom tayo? Magkikita ba kayo ni Jane? “
“ sige bro punta ka na lang dito, tapos saka tayo pumunta sa bahay ni Jane “
“ sige bro, see you “
After 30 mins, nakaarating na si James sa bahay ni Jason.
“ bro, sasakyan ko na lang gamitin natin “ sabi ni Jason
“ sige bro “
Pasok ka na sa sasakyan para makapunta na tayo kina Jane.
Nung makapasok na si Jason sa sasakyan.
“ bro, minessage ko pala si Alex, tinanong ko kung tuloy inuman natin sa kanila “
“ anong sagot sa iyo bro “
“ busy daw siya kaya hindi tuloy “ sagot ni James
“ bro, may papakilala pala kami ni Jane sa iyo “
“ sino si Alex? Surprise nyo sa akin? Sige na sabihin mo na sa akin “
“ hindi no… bakit naman kita papakilala kay Alex ei kilala mo na yun ”
Tumawa lang si James.
Nang malapit na sila sa bahay ni Jane, nakita nila si Alex na may kasamang lalaki.
“ bro, sino yun? “ tanong ni James
“ ewan ko? Huwag mo na pansinin yun bro “
Habang bumubusina si Jason ay hindi pa din naaalis ang mata niya kina Alex at dun sa lalaki.
Binuksan na ni Jane ang gate kaya pumasok na ito sa loob.
“ bro, Jane, may hindi ba ako alam? Sino yung kasama ni Alex? “
“ Saan? “ tanong ni Jane
“ duon sa labas ng gate nila Alex, ano ba bro? maawa ka naman sa akin? Sino ba yun? “
“ James naka ready na yung beer natin, inom na tayo? “ sabi ni Jane
“ Jane, bro please naman “
Kumuha si Jason ng dalawang beer at binigyan niya si James, kinuha naman niya ito at uminom.
“ bro, please “ maiyak iyak na pagkakasabi ni James
Kinuha ni Jason ang fone at pinakita niya kay James yung picture ni Alex kasama yung lalaki
Nung nakita ni James yun ay agad bumagsak ang luha niya at hindi na nagsalita agad.
“ bro, okay ka lang? “ sabay yakap ni Jason
“ James “ sabi naman ni Jane
“ I’m ok, lika inom tayo. Mahabang habang inuman to? “ sabi ni James
“ James hinay hinay lang, kagagaling mo lang sa sakit “ nag aalalang sabi ni Jane
“ okay lang ako talaga, mag hard kaya tayo para masaya? “ yaya ni James
“ bro, mahina ka sa hard saka kagagaling mo lang “
“ sagot ko bro “ sabi ni James
Hindi pumayag si Jason dahil hindi naman talagang pala inom si James.
Hanggang umabot sila ng gabi at nalasing na si James.
“ bro, Jane anong kasalanan ko para lokohin ako? “ umiiyak na sabi ni James
“ James, sige iiyak mo yan para gumaan ang pakiramdam mo “ sabi ni Jane
“ bro, makakahanap ka pa ng higit kay Alex. Gusto mo hanapan kita bro? “
Humuko na lang si James para hindi makita na umiiyak siya saka umiinom.
Mga ilang sandali pa ay may nagdoor bell. Nung binuksan ni Jane ang gate, nakita niya si Alex. Sumilip ito at nakita niya si Jason at James, aalis na sana siya kaso nakita siya ni Jason.
“ Alex ikaw pala? “
“ Jason, nag iinuman pala kayo nila James “
“ oo, nag rerelax lang kami pero uuwi na din kami maya maya “
Pumasok si Alex at nakita naman agad ni James.
“ hon ikaw pala, inom ka? “ yaya nito kay Alex
“ sige salamat “ at kumuha siya ng beer
“ bakit parang galing ka sa iyak “ tanong ni Alex kay James
“ ah wala to, medyo lasing na at pagod “
Awang awa sila Jason at Jane pero hindi na lang sila kumibo.
“ bro, tama na pag tapos mo sa isang bote uwi na tayo “ sabi ni Jason
“ sige bro, hon ubusin ko lang to. Uwi na kami ha? “
“ Jason sa bahay na lang muna si James para maasikaso ko, sobrang lasing na ei “
“ ah.. sige Alex “ sagot ni Jason
“ no bro, uuwi na lang ako. Hatid mo na lang ako sa bahay. Kaya ko hon, hindi pa ako lasing “
“ no lasing ka na “
Umiyak si James habang umiinom at sinabi
“ hon, im ok. Kaya ko to hindi pa ako lasing. Ayokong mahirapan ka sa pag aasikaso sa akin. Huwag mo ako alalahanin “
“ Alex, ako na bahala kay James. Kaya pa niya “ sabi ni Jason
“ sige, ingat na lang kayo “
Kinuha na ni Alex yung beer ni James at saka hinatid sa sasakyan.