Chapter 14

2188 Words
Linggo ng Umaga. Hindi lumalabas ng kwarto si James kaya inakyat ito ng nanay niya. “ anak? “ “ po “ sagot ni James At pumasok ang nanay sa loob ng kwarto. “ knina ka pa ba gising? Bakit hindi ka bumababa? “ “ nagpapahinga lang po ako, pero baba din po ako “ “ sige, ano ba gusto mong ulam? “ tanong ng nanay “ kahit ano po, mi maya maya po pala aalis muna ako. Kunin ko lang po yung sasakyan ko, nalasing po kasi ako kagabi kaya hinatid na lang ako ni Jason “ “ ah kaya naman pala wala yung sasakyan mo sa labas “ Tumango lang ito at saka lumabas ng kwarto ni James. Kinuha ni James ang fone niya at tiningnan lang niya si Alex, at habang tinitingnan niya ito ay kusang pumatak ang luha sa mga mata niya. Ring…ring…ring… “ hello bro, Musta? Umiiyak ka ba? gusto mo ba ihatid ko yung kotse mo diyan mamaya “ sabi ni Jason “ hello bro, okay lang ako. Sige hatid mo na lang dito, sundo mo si Jane kung gusto mo tapos inom tayo “ “ sige sundun ko na lang bro mamaya maliligo lang ako “ “ anong gusto niyong pulutan? Ako na bibili ng beer na iinumin natin “ sabi ni James “ bahala ka na bro “ “ ok see you bro “ paalam ni James dahil nanginginig ang boses niya sa pag iyak. Gusto niyang tawagan si Alex para itanong kung sino yung lalaki na yun at bakit kahalikan niya kaso hindi niya kayang marinig yung isasagot sa kanya. Hahayaan na lang niya na siya ang kusang magsabi. Mga ilang sandali pa ay bumaba na ito at kumain. “ anak, nasaan si Alex bkit hindi na yata umuuwi dito “ tanong ng nanay “ naku mi, sobrang busy siya sa darating na reunion saka dami niyang client kaya late na siya nakakauwi. Ayaw naman niya kasi mi na maka istorbo kaya dun na lang siya sa kanila umuwi “ “ ah ganun ba? Kaya nalulungkot ka anak? Kasi nami-miss mo siya? “ “ opo mi pero nandiyan naman kayo kaya okay lang “ “ mahal na mahal ka namin ng daddy mo, nandito lang kami lagi para sa iyo “ Nang matapos kumain si James ay nagpaalam ito na lalabas para bumili ng beer at pulutan, dinala niya yung isang sasakyan. Habang papunta siya sa grocery ay tumawag siya kay Jason. “ bro, malapit na ako sa grocery. May ipabibili ka pa ba? Ask mo si Jane kung ano gusto niya? “ “ bro, ako kahit ano basta may beer at yosi lang. tanong ko kay Jane kung ano gusto niya? Or kami na lang dadaan sa grocery mamaya “ “ sige bro, nasaan ka na ba? “ tanong ni James “ malapit na ako bro kina Jane, mga 10 minutes nandun na ako. Mamaya na lang ha? “ At binaba na ni jason yung fone. Mga ilang sandali pa ay nakarating na si Jason sa bahay nila Jane. Nagmessage lang siya na nandun siya sa labas ng bahay nila kaya agad naman pumunta dun si Jane. “ Jason “ bati ni Jane “ bihis ka na, punta tayo kina James. Nagyayaya siyang uminom, bumili na siya ng pulutan at beer “ “ ah kasi …. “ sabi ni Jane At biglang lumabas si Alex. “ Alex nandito ka pala “ gulat na sabi ni Jason “ hi Jason, wala kasi akong magawa sa bahay “ sagot ni Alex “ oo Jason, kakarating lang niya dito “ sabi ni Jane “ ah… ok, sige hindi na din ako magtatagal. Alis na ako “ paalam ni Jason “ pasok ka muna at inom muna tayo “ yaya ni Alex “ hindi na kasi inaantay ako ni James, nayayaya din kasi siyang uminom “ “ dito na lang kayo uminom kung gusto niya “ sabi ni Alex “ hayaan mo na Alex, sila na lang muna “ Nagpaalam na si Jason sa dalawa at saka umalis, pumunta na siya sa bahay ni James. Nung makarating ito. Hinanap ni James si Jane kaya sinabi niya na nandun si Alex at nag iinuman sila. Hindi na kumibo pa si James at inayos na niya yung pulutan para maka inom na sila agad. “ bro sa kwarto na lang tayo uminom “ sabi ni James “ sige bro, kaso paano tayo magyo-yosi ei bawal dun magyosi diba? “ “ ngaun pwede bro, buksan na lang natin yung bintana “ “ wow… for the first time “ sabay tawa kay James Tinapik lang niya ang balikat ni Jason at saka kumuha na ng beer. “ lika na bro, dalhin mo ito para hindi na tayo bumaba pa “ Kinuha na ni Jason yung inaabot ni James saka sila umakyat. Nung nasa kwarto na sila ay agad na silang uminom, gusto ni Jason tanungin si James kung ano plano niya kaso hindi niya mgawa dahil alam niya kung gaano kasakit yun sa kaibigan niya. “ bro, Sila lang ba umiinom dun o kasama ni Alex yung lalaki? “ tanong ni James “ bro hindi ko alam, hayaan mo na nga si Alex “ “ grabe ginawa niya sa akin bro, hindi ko alam bakit naghanap agad siya ng iba. Hindi pa naman kami hiwalay “ “ hindi ko din masasagot yun bro, basta ang alam ko ngayon. Hindi ka niya mahal kaya move on “ “ ewan ko bro, mahal na mahal ko siya “ umiiyak habang sinasabi niya ito Lumapit sa kanya si Jason at tinapik siya. “ lika bro, punta tayo kina Jane “ yaya ni James “ ha? ok ka lang? niloko ka na tapos gusto mo pa makita at maka-inuman “ “ para maguilty siya bro, tutal ang alam niya wala akong alam diba? “ “ sure ka ba? “ tanong ni Jason “ sure ako bro, lets go “ Kaya nag-ayos na ang dalawa saka umalis. “ buksan natin yung bintana para makapag yosi tayo “ Tumango naman si Jason at nagsindi na sila ng yosi habang papunta sila sa bahay ni Jane. Mga ilang minuto pa ay nakarating na sila sa bahay nila Jane. Bumusina si Jason kaya binuksan ni Jane ang gate at nakita niya si James at Jason. “ oh… anong ginagawa nyo dito? Akala ko kina James kayo? “ gulat na gulat na tanong “ diba okay lang na uminom dito “ tanong ni Jason “ oo, welcome kayo dito “ sagot ni Jane Niyaya niya si Jason na lumabas ng sasakyan, kaya lumabas ito. “ Bakit? “ tanong ni Jason “ nasa loob yung babe ni Alex, kasama naming uminom  “ sabi agad ni Jane “ ah ganun ba? “ kaya lumapit agad siya kay James na niyayang pumasok Nagulat si Jane sa naging desisyon ni Jason, kaya sumunod na lang ito sa dalawa. Nung makapasok sila ay nakita agad ni James si Alex ng tawa ng tawa at nakita niya din yung lalaki sa picture. “ hi “ sabi ni James “ akala ko duon kayo iinom sa inyo “ gulat na sagot ni Alex “ hindi, nasabi kasi ni Jason na umiinom daw kayo dito kaya naisipan namin na maki-join na lang “ Hindi makapagsalita si Jane dahil bigla mag away sila. Nakikiramdam naman si Jason sa paligid. Kinuha ni Jane si James at Jason ng beer saka pina upo kung saan sila umiinom. “ babe, sila ba yung tropa ninyo? “ tanong nito “ ah… ah oo si James and remember si Jason dun sa smoking area sa office? “ “ yeah, dito pala hangout nyo? “ tanong nito “ ngayon lang kami uminom dito “ sagot ni James Nagtinginan lang si Alex at jane sa sagot ni James. “ James, ano gusto mong pulutan? “ tanong ni Jane “ ok lang kami, halika mag enjoy na lang tayo “ sabi ni Jason “ ikaw Alex, hindi ka nagsasabi sa amin na may babe ka na pala? “ sabi ni James Hindi nakapagsalita nun si Alex. “ oo bro, kakasagot lang naman niya sa akin “ “ good, congrats sa inyo “ sagot ni James “ salamat bro “ sagot nung lalaki “ congrats pala bro, Alex “ sabi naman ni Jason Habang nag-iinuman sila ay lumapit si Alex kay James. “ pwede ba tayong mag-usap? “ tanong nito “ sure “ At tumayo si James at pumunta sa loob ng bahay nila Jane. “ bakit Alex? “ nagagalit na sagot “ please James, ayoko ng gulo “ sabi ni Alex “ bakit ka natatakot kasi pinagsabay mo kami? “ “ hindi sa ganun James, mag eexplain din ako sa iyo sa ibang araw pero huwag naman dito “ nagmamakaawang sabi ni Alex “ tapos ka na magsalita? “ Hindi na nagsalita si Alex kaya bumalik na si James sa labas para uminom. Ngayon nararamdaman na ni Alex ang guilt sa ginawa niya kay James pero nangyari na. Lumapit si Jason kay James. “ bro, ano okay ka lang ba? Alis na tayo? Napipikon ako dito sa ginagawa nila “ yaya niya “ ayos lang bro, hayaan mo akong masaktan para madali kong matanggap lahat “ Nang makabalik si Alex ay umupo siya sa tabi ng babe niya. Sinubuan siya ng lalaki habang nakatingin lang si James sa ginagawa nung dalawa. “ lam mo bro, may mga taong makapal noh? “ sabi ni Jason “ bakit pre? “ sagot ng lalaki “ may babaeng manloloko, two timer. Kapal ng mukha “ Dali dali pumunta si Jane at inawat niyang magsalita si Jason. “ uminom na lang tayo bro, maya maya uuwi na din tayo kasi may pasok pa bukas “ sabi ni James “ halika na bro, uwi na tayo “ yaya ni Jason sabay labas Inubos lang ni James ang iniinom niya at sumunod na din ito kay Jason Hindi na sila nagpaalam pa. “ anong nangyari dun babe? “ “ I don’t know babe, hayaan mo na. Saglit lang hatid ko lang sila ha? “ “ ako na lang Alex maghahatid sa kanila, dito na lang kayo “ sabi ni Jane kay Alex Naglakad na si Jane palabas. “ Jane, pasensiya ka na? hindi ko ma-take yung ginagawa ng kaibigan mo sa kaibigan ko “ sabi ni Jason “ pasensiya ka na Jane, sige uwi na kami “ sagot ni James habang tumutulo ang luha “ sorry James, sige ingat kayo “ sabi ni Jane At saka pina antar na ni Jason yung sasakyan. Habang pauwi na sila. “ bro, mag one round tayo sa labas? “ yaya ni James Pumayag naman si Jason kaya pumunta sila sa restaurant na malapit sa office nila James. Nung makarating sila dun ay agad silang umorder ng isang bucket at nag inuman na agad. “ ano plano mo bro “ tanong ni Jason “ hindi ko alam bro, mahal na mahal ko si Alex. Hindi ko kayang mawala siya, hindi ko din alam kung papaano ko sasabihin kina mommy na wala na kami “ “ ano ka ba bro, sabihin mo na kina mommy. Umaasa ka pa ba magiging kayo pa din kahit na pinagpalit ka na niya sa iba? Gumisng ka nga bro? “ “ ewan ko bro, ayoko ko muna sabihin kina mommy “ umiiyak na sagot ni James “ umaasa ka pa nga, humanap na lang tayo ng iba diyan “ “ huwag na lang muna bro, uminom na lang tayo “ Awang awa siya sa kaibigan niya pero walang makakatulong sa kanya kundi sarili niya. Ang tanging magagawa lang ni Jason ay pag kailangan siya lagi siyang nandun. Mga ilang sandali pa… Ring…ring…ring.. “ bro, may tumatawag sa iyo “ sabi ni Jason Kaya kinuha niya yung fone at nakita niya si Alex ang tumatawag sa kanya, pag kita niya ay binalik na lang niya ang fone sa loob ng bulsa. “ sino yun bro? “ tanong ni Jason “ si Alex “ “ buti hindi mo sinagot, huwag mo na kausapin yun tutal may iba na naman siya. Uminom na lang tayo “ “ oo bro “ Maya maya naman si Jane ang tumatawag kay Jason. Nakita din ni Jason kung sino ang tumatawag sa kanya kaya hindi din niya sinagot. Naisip niya na kaya tumatawag si Jane para malaman ni Alex kung nasaan kami. Umabot sila hanggang magsara ang restaurant kaya umuwi na sila. “ bro, inom pa tayo? “ sabi ni James “ bro, uwi na tayo dahil may pasok pa tayo bukas “ Kya sumakay na sila sa sasakyan at umuwi na. Nang malapit na sila sa bahay nila James ay nakita nila ang sasakyan ni Alex. “ bro, sasakyan ni Alex “ “ anong ginagawa nila dito? “ tanong ni James At bumaba siya ng sasakyan at pumasok sa loob n bahay, sunod sunod naman si Jason. Nakita nila na nandun si Jane at Alex kasma nanay ni James. “ anak, kanina pa dito si Alex “ “ mi, nagka yayaan po kasi kami ni Jason “ “ kayong dalawa talaga basta magkasama, nakakalimutan ninyo mga girl friend nyo “ sabay tawa “ naku mi, hindi pa ako sinasagot kaya free pa ako “ sagot ni Jason “ pasensiya na kayo anak, Jane sa mga yan “ “ okay lang ma, minsan lang naman sila magsolo “ sagot ni Alex “ sige, mauna na akong umakyat. Goodnight “ Lumapit si James para halikan at yakapin ang nanay niya. Ganun din si Alex humalik sa nanay ni James. “ goodnight mi “ sabi ni Jason “ goodnight po “ sabi naman ni Jane Pag akyat ng nanay ni James ay agad na tinanong ni James si Alex bakit siya na punta dun. “ Jason, Jane okay lang ba na kausapin ko muna si James “ Tumango naman ang dalawa kaya lumabas muna sila. “ Anong pag-uusapan natin Alex? “ “ I’m sorry James sa nangyari “ “ yun lang ang kaya mong sabihin sa akin? Ano ba ginawa ko sa iyo para lokohin mo ako? “ Hindi makapagsalita si Alex dahil alam niya na kasalanan niya kaya naging ganun naging relasyon nila. “ mahal kita Alex, kahit kailan hindi kita niloko. Kahit tumawag or magtext sa akin si Alea, alam ko limitation ko, pero ikaw dahil lang hindi tayo nagsabay kumain ng lunch at nakita mo si Alea sa restaurant, pinag isipin mo na agad ako ng masama “ sinasabi niya habang umiiyak “ I’m sorry “ “ nangyari na Alex, naka sakit ka na? kaya kung wala ka ng sasabihin sa akin, matutulog na ako dahil may pasok pa ako bukas “ Kaya lumabas na ng pinto si Alex na umiiyak, naramdaman niya ang sakit ng ginawa niya kay James. Nagpaalam na din si Jane at si Jason.                                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD