Nagising si James na umiiyak siya pero kailangan niyang tatagan ang sarili niya para sa magulang niya. Bumangon na siya agad para maligo, kinuha na niya mga gamit niya at bumaba na din agad.
“ Good morning mi “
“ Good morning anak, halika sumabay ka na sa akin kumain “
At sabay na sila ng nanay niyang kumain. At habang kumain sila ay nagkwentuhan sila ng kung anu ano.
“ anak, uuwi ba ngayon si Alex dito mamaya? “
“ hindi ko po alam mi, baka hindi po “ sagot ni James
“ anak, malapit na pala birthday ko. Sabihan mo si Alex ha? “
“ naku oo nga pala mi, malapit na birthday mo. Sige sabihan ko po siya mamaya “
“ sige anak “
Pagka tapos nila kumain ay nagpaalam na agad ito.
“ mi, aalis na po ako “ paalam ni James
Tumayo na siya at nilagay niya pinagkainan niya sa lababo saka ito pumunta sa sasakyan.
“ anak, ako na ang magbubukas ng gate “
“ sige po mi, salamat “
Lumabas na si James at dumiretso na sa Bgc para maasikaso niya lahat ng dapat asikasuhin dun.
Mga ilang oras pa ay nakarating na siya sa Bgc kaya nag park agad ito. Nagyosi muna bago pumasok sa loob ng restaurant.
Tinawagan niya si Jason.
“hello bro, malapit na birthday ni mommy. Pumunta kayo ni Jane ha? “
“ hallo bro, naku oo nga pala birthday na ni mommy. Sige ayain ko si Jane, si Alex ba iinvite mo? “ tanong ni Jason
“ hindi ko alam, baka hindi na para mawala na sa isip ni mommy si Alex. Sasabihin ko na lang kay mommy na busy siya kaya hindi siya makakapunta “
“ Bakit kasi ayaw mo pa sabihin kay mommy para hindi ka na nahihirapan “
“ ayoko bro, hayaan mo na. makakalimutan din niya si Alex kapag hindi na niya ito nakikita “
“ si Alea pala, invite mo? “
“ ay oo nga pala ano? Sige tawagan ko mamaya “
“ sige bro, mamaya na lang at may meeting ako “
“ ok bro, kita pala tayo mamaya sa restaurant malapit sa office. Inom tayo kahit saglit lang. Gusto ko lang makatulog agad “
“ ok bro, no prob. Sundo mo na lang si Jane kung pwede bro, malapit lang naman ang restaurant sa office nila “
“ okay no prob, message muna lang si Jane na susunduin ko siya mamaya ‘
“ sige bro “
At binaba na nila ang fone. Si James naman ay pumasok na sa restaurant at nagsimula ng magcheck ng email saka nagdesign.
Malapit na maglunch kaya nagyaya si Cris na kumain, lumabas sila para humanap ng makakainan.
“ Sir hindi ba natin kasabay si Ma’am Alex kumain? “ tanong ni Cris
“ hindi, wala na kami “
“ ha? bakit sir “ nagtatakang sagot ni Cris
At nagsimula ng magkwento si James kay Cris kung ano ang nangyari. Naisip ni James na invite niya mga tao niya sa birthday ng nanay niya.
“ by the way Cris, punta kayo sa birthday ni mommy. Ikaw na magsabi sa ibang kasamahan natin “
“ sige po sir, pupunta kami. Kelan po ba? “
“ ngayong sabado na, saka Cris huwag mo na din muna sabihin sa iba na wala na kami ni Alex “
“ ok po sir, pero alam na po ba ng magulang ninyo na wala na kayo? “
“ hindi din, kaya yun din ang reason kaya ayoko muna malaman ng iba na wala na kami baka sa birthday mapag usapan dun sa saktong birthday ni mommy. Masira pa ang birthday ni mommy “
“ sige po, sir pag kailangan nyo pa ng makakausap nandito lang po ako “
“ salamat Cris “
Tinapos na nila ang pagkain nila, saka na sila bumalik sa restaurant.
Ring… ring…ring
Sinagot ni James ang tawag.
“ hello James, susunduin mo daw ako mamaya? “ tanong ni Jane
“ hello Jane, oo sundo kita ng mga bandang three. Niyaya ko kasi si Jason na uminom bago umuwi para pag uwi ko makatulog na ako agad “
“ okay, gusto mo ba ako na lang pumunta diyan? “
“ hindi, sundo na lang kita. Tawagan kita pag malapit na ako para makalabas ka na sa building nyo “
“ sige James, see you later “
Narinig ni Alex na kausap ni Jane si James sa telepono kaya tinanong niya ito.
“ si James kausap mo? “
“ nandyan ka pala, oo susunduin niya ako mamaya kasi iinom kami “
“ bakit lagi na yata umiinom si James? “
“ sa tingin mo Alex? “
“dahil ba sa akin? “
“ Ano ka ba Alex, talaga bang wala kang pakiramdam? Sinaktan mo ang tao, mahal na mahal ka ni James pero sinayang mo “ sabay talikod sa kaibigan niya
Nagpunta sa restroom si Alex para maghilamos, naisip niya na sobra niyang nasaktan si James. Hindi niya gustong saktan yun pero nagawa niya dahil sa nagselos lang siya. Gusto niyang kausapin si James at ayusin ulit ang relasyon nila pero paano? Ayaw na siyang kausapin ni James.
Mga ilang sandali pa ay nagmessage si James kay Jane na susunduin na niya ito. Kaya nag ayos na agad si Jane para hindi na mag antay ng matagal si James sa labas at baka makita pa nun si Alex.
Lumabas na ng building si Jane at nag antay na ito. Nakita niya na palabas na din ng building si Alex at yung babe niya kaya agad naman nagtago si Jane para hindi ito makita.
Sakto ang pagdating naman ni James kaya nakita niya si Alex at yung lalaki.
“ pare “ bati ng lalaki kay James
“ Uy, kayo pala. Susunduin ko lang sana si Jane “ sagot ni James
Saka naman lumapit si Jane kina James at Alex.
“ James, lika na alis na tayo “
“ ito na pala yung susunduin mo pare, alam mo bagay kayo? “ sabi ng lalaki kay James
“ tropa lang kami, pinasundo lang sa akin ni Jason “
“ so, sila pala “ pa tawang sabi sa kanya
“ oo, sila nga “
“ pano una na kami, Alex alis na kami “ paalam ni Jane
“ Saan kayo niyan? “ tanong ni Alex
“ iinom lang kaming tatlo “ sagot ni Jane
“ sama naman kami ni babe “ sabi ng lalaki
“ babe, huwag na. pagod ako. Gusto ko ng umuwi din “
Saka sumakay na si Jane sa sasakyan ni James at nagpaalam na sa dalawa.
Hinatid lang ng lalaki si Alex sa bahay nila saka umalis. Pag hatid sa kanya ay umalis din si Alex para pumunta dun sa restaurant malapit sa opisina nila James dahil alam niya yung ang tambayan nila. Nakita ni Alex na nag iinuman na sila at sobrang lungkot ni James.
Mga ilang sandali pa ay umalis na din dun sI Alex, habang nagdri-drive siya naisip niyang bumili ng cake para sa nanay ni James. At bago siya umuwi idadaan na niya muna yun sa bahay nila James.
“ Ma, tao po… “
“ anak, buti na dalaw ka? hindi pa kayo nagsabay ni James umuwi “ sagot ni nanay
“ ma, medyo busy po si James kaya baka mamaya pa yun uuwi. Saka dinaan ko lang po itong cake sa inyo ni daddy “
“ wow.. advance birthday gift ko ba ito? “
“ talaga ma, kelan po ba ang birthday ninyo? “
“ sa sabado anak, sinabihan ko si James na sabihan ka na pumunta sa sabado. Kahit busy ka anak please pumunta ka naman kasi gusto ko kumpleto tayo sa birthday ko. Pag hindi ka pumunta magtatampo ako sa iyo “
“ sige po, pipilitin ko pong pumunta sa sabado kahit saglit lang ma “
“ salamat, pumasok ka muna at dito ka na kumain. Sabayan mo na ako anak “ imbita ng nanay ni James
At pumasok na si Alex sa loob ng bahay. Inayos ng nanay ni James yung lamesa para makakain na sila ng gabihan.
Kumuha naman ng tubig si Alex saka umupo sa pwesto ni James.
“ anak, kumain ka ng kumain para pag uwi mo, matutulog ka na lang “
“ opo ma “
After ten minutes ay natapos na silang kumain kaya tumayo na sila at nilagay ang mga plato sa lababo.
“ Ma, ako na po ang maghuhugas “
“ huwag na anak, magpahinga ka na muna sa taas “
“ hindi po, ako na po maghuhugas ma “
Pumayag na din ang nanay ni James, at pumunta na siya sa sala para manuod muna ng t.v. Nung matapos ng maghugas si Alex ay magpapaalam na dapat siya ngunit…
“ anak, lika nuod tayo ng t.v para may kasama akong manuod “
Hindi na nakatanggi pa si Alex sa yaya ng nanay ni James kaya umupo na ito sa tabi at nanuod na sila ng t.v. Habang nanunuod sila ay nag-iisip si Alex paano siya magpapaalam at baka biglang dumating si James. Kaya nag lakas na siya ng loob magpaalam.
Pumayag naman ang nanay ni James pero pinaalala niya ang birthday niya sa sabado. Tumango lang ito.
Nung nasa sasakyan na si Alex, naisip niyang dumaan ulit sa restaurant kung saan nandun sila James. Dun niya nakita na lasing na lasing at umiiyak. Gusto niyang puntahan pero wala siyang mukhang maiharap at baka sumbatan lang siya kaya tinawagan na lang niya si Jane.
“ hello Jane, nasa labas ako ng restaurant. Ihatid nyo na si James at lasing na lasing na “
“ hello Alex “
Narinig ni Jason yun kaya kinuha niya ang fone ni Jane, saka lumayo sa kina James.
“ Bakit ka tumatawag? “ galit na tanong ni Jason
“ Jason nasa labas ako, nakikita kong lasing na lasing na si James kaya sinabi ko lang kay Jane na iuwi nyo na siya “
“ ayos ka Alex! Hayaan mo si James kung ano gusto niya, tutal ikaw naman dahilan kaya ganito ngayon ang kaibigan ko “
“ alam ko Jason, kasalanan ko. Kaya nga gusto ko inuwi nyo na siya para makapag pahinga “
“ wala kang karapatan kay James, unang una ikaw ang nanakit sa kanya. Pasalamat ka at mabait kaibigan ko at mahal ka kaya nagtitiis siya “
“ I’m sorry Jason “
“ sorry! Walang magagawa ang sorry mo sa sakit na binigay mo sa kanya kaya kung ako sa iyo. Huwag ka ng magparamdam kahit kelan sa kanya para makalimutan ka na niya agad “ sabay baba ng fone
Pag balik si Jason at tinanong ni James kung sino kausap niya. Sinabi lang niya na client niya kausap.
30 minutes na lang magsasara na ang restaurant at nandun pa din sa labas si Alex. Nakita naman ni Jane si Alex kaya minessage niya ito.
“ Alex anong ginagawa mo diyan? Umuwi ka na at baka makita ka pa ni Jason, galit na galit yun sa iyo sa ginawa mo sa kaibigan niya. Ako na bahala kay James “
“ lilipat na lang ako ng pwesto Jane sa hindi ako makakikita, gusto ko lang makita na nakauwi na si James sa bahay “
Hindi na sumagot si Jane sa message ni Alex dahil kinukuha na ni Jason ang bill at uuwi na sila.
“ bro, iwan mo na yung sasakyan mo dito. Hahatid na lang kita sa bahay “ nag aalalang sabi ni Jason
“ hindi bro, kaya kong magdrive “
“ James, lasing ka na. hayaan mo na ihatid ka namin “ sabi ni Jane
“ ano ba kayong dalawa, kaya ko. Sige na ihatid mo na bro si Jane sa kanila, medyo late na din naman. Saka nga pala sa sabado Jane ha? birthday ni mommy, asahan ko kayong dalawa dun at mag iinuman tayo “
Hinatid na ni Jason sa sasakyan si James.
“ sure ka bro, kaya mong magdrive? “
“ oo kaya ko, salamat kahit papaano gumagaan ang loob ko bro. salamat “ ma iyak iyak niyang sabi kay Jason
Nung narinig ni Jason yun at naiyak siya. Hindi niya napigilan na hindi maawa sa nararanasan ng kaibigan.
“ bro, tandaan mo. Nandito lang ako lagi kung kailangan mo ako, mahal kita bro “ sabi ni Jason
Napa hagulgol ng iyak si James kaya biglang lumapit si Jane sa dalawa.
“ tahan na, nag iiyakan na kayong dalawa “
Lumabas ng kotse si James at yumakap kay Jason.
“ bro, mahal na mahal ko si Alex. Bakit niya ako sinaktan ng ganun? “
“ tama na bro, nasasaktan ako “
“ Jason, James tama na, magiging okay din ang lahat “ sabi ni Jane
“ bakit? Bakit? Bakit? “ habang umiiyak si James
“ lasing ka na bro, hahatid ka na namin at baka mapano ka pa “
“ hindi kaya ko, hayaan nyo lang ako. Gusto ko pa uminom, gusto ng mamatay “
“ huwag bro, dahil lang ba sa babae? Mabait ka, gwapo at maraming babae nagkakagusto sa iyo, huwag mong sayangin buhay mo sa isang babaeng na hindi ka naman mahal. Let go bro “ habang umiiyak din
Awang awa si Jane kay James kaya naisipan niyang imessage ito ng palihim.
“ nakikita mo ba ang nangyayari ngayon? Grabe ginawa mo Alex, hindi ka na naawa kay James. Sana hiniwalayan mo na lang siya bago ka humanap ng iba “
“ nakikita ko Jane, parang nadudurog ang puso ko sa nakikita ko “ umiiyak habang nagta-type
Lumingon si Jason kay Jane kaya lumapit ito.
Niyaya na niya at sinabi na convoy sila dahil nagpupumilit si James na siya na ang magdri-drive.
Sumakay na agad si Jane sa sasakyan ni Jason, at sinundan na nila si James. Nung nakita ni Alex si James ang nagdri-drive ng sasakyan ay agad niya sinundan ito.
Napansin naman ni Jason ang sasakyan ni Alex.
“ Jane, kay Alex na kotse yun ah? Anong ginagawa niya? “
“ hayaan mo na Jason, gusto lang niya siguro makita si James na naka uwi ng maayos siya sa bahay “
“ maayos? Siya nga gumulo ng buhay ni James. Pwede ba? Tantanan niya kaibigan ko “ galit na sabi ni Jason
“ kalma ka lang Jason “
Hindi na kumibo si Jane dahil sa sobrang galit ni Jason.
Nung makarating sila sa bahay ni James ay agad na bumaba si Jason.
“ ano bro, kaya pa? “
“ bro, ikaw na magpark ng sasakyan ko sa loob “
At lumabas na ng sasakyan si James at pinasok na ni Jason yung sasakyan sa loob ng gate.
Binuksan naman agad ng nanay ni James ang pinto.
“ lasing na lasing ang kaibigan mo ah? Anong problema niyan? “
“ wala po mi, nagkasayahan lang po kami kanina “
“ sige iakyat mo na yung kaibigan mo “
“ sige po mi “
At inakyat na ni Jason si James sa kwarto saka ito nagpaalam.
“ nga pala Jason, nandito kanina si Alex “
“ bakit daw po mi “
“ nangu-ngumusta lang, may dala siyang advance cake ko “
“ ganun po ba? Sige mi, uuwi na po ako. See you sa Saturday “
“ sige, mag-ingat ka “
“ opo mi, goodnight “
Nang makalabas si Jason ay nagpa linga linga siya pero hindi niya nakita yung sasakyan ni Alex kaya umalis na sila at hinatid na niya si Jane sa kanila.
Nag aayos ang nanay ni James at papatayin na ang ilaw para maka-akyat na ito ng biglang may nagdoor bell. Kaya lumabas ito at nakita niya si Alex.
“ anak, buti hindi pa ako nakaka akyat, nandito na si James. Medyo nagkasayahan pala sila ni Jason “
“ ok lang ma, asikasuhin ko po muna si James saka po ako uuwi “
“ sigurado ka? gabi na, dito ka na lang matulog kung gusto mo? “
“ hindi po ma, maaga din po ako papasok bukas “
At pumasok na ng bahay si Alex, kumuha ng palanggana na may tubig. Inabutan naman ng nanay ni James si Alex ng bimpo.
Umakyat na si Alex sa loob ng kwarto ni James, nakita niya na ang dumi dumi ng kwarto. Puno ng basyo ng beer at punong puno ang ash tray ng yosi.
Kumuha muna si Alex ng damit ni James saka niya ito pinunasan, at pinalitan ng damit.
“ I’m sorry James, hindi ko alam na ganito mo ako kamahal “ umiiyak habang pinupunasan niya
Talagang bagsak si James sa kalasingan, nakita niya na tumutulo ang luha ni James.
“ bakit hon? Bakit mo ako pinagpalit? Hindi naman kita niloloko, mahal na mahal kita “
Nung narinig ni Alex yun lalo siyang naiyak at niyakap niya ito.
“ don’t cry, magiging okay din ang lahat sa atin “
Saka niya inayos ang kwarto ni James, kinuha lahat ng basyo ng beer at tinapon ang laman ng ash tray.
Sinara din niya yung bintana at binuksan ang aircon.
Umupo sa upuan si Alex at tinitingnan niya si James. Sobrang awang awa siya, hindi niya alam paano gagawin niya para maging okay ulit ito.
Pumasok ang nanay ni James.
“ okay na ba siya anak “
“ opo ma “
“ mabuti na lang nandiyan ka “
Naisip ni Alex na kaya ganun si James ay dahil sa kanya.
“ ma, aalis na po ako “ paalam nito
“ hindi ka ba talaga dito matutulog? “
“ hindi po “
“ siya, sige mag ingat ka, sasabihin ko na lang kay James na inasikaso mo siya ngayon “
“ ma, huwag na po. Huwag nyo na lang po sabihin sa kanya na nagpunta ako dito “
“ bakit? Nag aaway ba kayo? “ nagtatakang tanong ng ina
“ mahabang kwento po, pero sasabihin ko din po sa inyo pag may panahon. Salamat po ma sa pagtanggap sa akin “
Niyakap ng nanay ni James si Alex.
“ oo naman, hindi ka na iba sa amin. Mahal ka ng anak ko kaya mahal din kita “
Naiyak si Alex sa sinabi ng nanay ni James.”
“ sige po ma, aalis na po ako “ at saka bumaba na si Alex at lumabas sa bahay.
Habang nagdri-drive siya pauwi, naisip niya na mahal pa din niya si James.
“ sana hindi pa huli ang lahat James, gusto kong maayos relasyon natin. Mahal na mahal kita “ habang tumutulo ang luha niya.