Chapter 16

2431 Words
Ala sais na ng umaga.. Nagising si James na hindi niya alam paano siya nakauwi, bumangon siya at nakita niya malinis ang kwarto niya. Bumaba na siya agad at nakita niya ang nanay niya na nagluluto ng agahan nila. “ Mi, ano niluluto mo? “ “ pancake anak, umupo ka na diyan. Malapit na ako matapos at sabay na tayo kumain “ “ sige po mi “ At habang nag aantay siya nagcheck muna siya ng mga email niya. At nagpost sa social media. “ anak, gusto mo pala ng cake? “ alok ng nanay niya “ wow.. saan naman galing ang cake ng mommy ko? “ tanong ni James “ ei di kay Alex, dumaan kasi siya kagabi “ “ mabuti naman, kahit busy siya ay dinalaw ka niya “ “ may pinagdadaanan ba kayo anak? “ “ wala naman po, bakit po? “ “ wala naman, nga pala nasabi ko na din na birthday ko sa sabado kaya ako na mismo nag-invite sa kanya “ “ ah okay po “ Nilagay na ng nanay niya yung pancake sa lamesa at kumain na sila. Pinagbaon din siya ng nanay niya ng cake  galing kay Alex. “ anak, ito pala baon mo. Yung bigay sa akin ni Alex “ “ sige po mi, kunin ko na lang po bago ako umalis “ Pagka tapos kumain ni James ay naligo na agad ito at umalis na. “ teka anak, yung baon mo “ habol ng nanay niya Pero naka alis na si James. Hindi siya pumunta sa Bgc ngayon dahil mas kailangan siya ng mga tao niya sa opisina. Buong araw siyang nagtrabaho at nagpaka-busy para pag uwi niya ay matutulog na lang siya. Biyernes ng umaga… Abala silang lahat sa birthday ng nanay ni James. Maagang nagising si James, bumaba na agad para tingnan niya kung nandun na ang tita niya dahil tuwing may okasyon o handaan lagi nilang kinukuha yun dahil masarap siya magluto. “ Good Morning mi “ “ Good morning anak, kain na para hindi ka malate sa opisina “ “ hindi po ako papasok ngayon, nag-file na po ako ng leave para sa birthday ninyo “ “ ang anak ko, thank you “ Niyakap niya ng mahigpit ang nanay niya at masaya siya dahil nakita niya na masaya ang nanay niya. “ anak, invite mo yung mga tao mo bukas ha? “ “ opo mi, pupunta sila dito bukas “ Tumulong si James sa pag aayos ng birthday ng nanay niya. Naisipan niyang papuntahin na si Jason para salubong sa birthday ng nanay niya. Ring…ring..ring “ hello bro, pag out mo mamaya punta ka na dito. Inuman na tayo “ yaya ni James “ hello bro, ano ka ba? Naka leave ako para maaga ako makapunta diyan. Sinabihan ko na din si Jane na pag tpos ng trabaho sumunod na lang sa inyo “ “ good bro, nasa bahay ka pa ba? “ “ wala na, pa park na ako sa labas nyo “ natatawang sagot ni Jason Lumabas agad si James para tingnan kung totoo sinasabi ng kaibigan niya. Tama nandun na nga siya at naka park na. “ I told you bro, nandito na ako “ “ bro salamat “ “ tutulong ako sa pag aasikaso ng birthday ni mommy “ Masaya silang pumasok sa loob ng bahay, for the first time nakalimutan ni James si Alex dahil sa birthday ng nanay niya. Tinawagan din niya si Cris na kung sino gustong pumunta mamaya, ei pumunta na. Taon taon talaga pinaghahanda ni James ang nanay niya. Umabot ng hapon, napagod na ang dalawa kaya nagka tinginan sila. “ inuman na “ sabi ni Jason sabay tawa “ oo bro, inom na tayo “ Nasa labas ang dalawang sasakyan ni James kaya nandun sila sa garahe nag iinuman. Nilabas nila yung t.v nila at sound system para makapag videoke. “ bro, magsound tayo para hindi naman malungkot “ Nagpatugtog si James ng mga disco song. Lumabas ang nanay ni James na may dalang pulutan. “ hinay hinay lang sa pag inom ha? bukas pa ang birthday ko “ Tumawa lang ang dalawa sa sinabi ng nanay ni James. “ salamat mi sa masarap na pulutan “ sabi ni Jason “ dito ka na matulog Jason at baka hindi ka na makabalik pag umuwi ka pa “ “ talagang hindi ako uuwi mi, kulang pa ang beer namin “ Dumating ang tito ni James kaya inutusan nila ito na bumili pa ng ilang case ng beer para ngayon hanggang bukas dahil kulang na beer nila. Niyaya na din nila yung tatay ni James na uminom. Habang nagkakasayahan sila hindi nila napansin ang sasakyan ni Alex sa harap ng bahay nila James. Tiningnan lang ni Alex si James sa malayuan saka ito umuwi na din. Naisip ni Alex na huwag ng pumunta sa birthday ng nanay ni James pero naalala niya yung sinabi ng nanay niya na kapag hindi siya pumunta ay matatampo siya. Tinawagan ni Alex si Jane. “ hello Jane, pupunta ka ba sa birthday ng nanay ni James? “ “ hello Alex, oo on the way na nga ako dun ngayon kasi sabi ni Jason pumunta na daw ako dun ngayon “ “ okay lang ba na pumunta ako bukas? “ “ oo naman, diba mismo nanay ni James nag invite sa iyo? “ “ oo, kaso naiisip ko si James baka masira ko araw niya? “ “ hindi mo pa nga gaanung kakilala si James, hindi ganung tao si James “ Biglang napa-isip siya sa sinabi ni Jane. “ Alex kung salbahe si James, sinabi na niya yung ginawa mo sa kanya pero tinago lang niya sa nanay niya dahil alam niyang masasktan ito “ “ alam ko Jane, mabait si James at hindi ako karapat dapat sa kanya dahil sinaktan ko siya “ “ magiging masaya si  James kung darating ka sa birthday ng nanay niya dahil yun ang gusto ng nanay niya na maging kumpleto kayo “ “ sige Jane, pupunta ako bukas. Salamat, ikaw na ang bahala kay James “ “ okay, no problem “ Pagkababa nila ang fone, naisip ni Alex na siguro kung okay pa sila siguro nandun siya ngayon. Dumating na si Jane sa bahay nila James at nakita niya sila James at Jason na nag-iinuman na. “ mukhang kanina pa kayo umiinom ah? “ “ hindi naman Jane, pumasok ka na sa loob para makakain bago ka uminom “ sabi ni Jason “ lika samahan kita sa loob para makakain ka, hindi mo maaasahan yang si Jason basta uminom na. Deadma na sa girl friend yan. Nga pala dito ka na matulog Jane ha? “ imbita ni James Pumasok na sila Jane at James sa loob. “ hello mommy, happy birthday po “ bati ni Jane “ salamat anak, lika kumain ka. James asikasuhin mo si Jane baka mahiya yan “ “ opo mi “ Kinuhanan agad ni James ng plato si jane at inabot sa kanya. Inalok niya ng mga pagkain na nasa lamesa. “ gusto mo ito “ tanong ni James “ sige “ Nilagyan ni James ng pagkain yung plato ni Jane at umupo sa tabi niya. “ Jane, dito ka na matulog ha? “ yaya ulit ni James “ hindi ba nakakahiya? “ “ sus, okay lang yun. Medyo late na din kasi saka walang maghahatid sa iyo dahil naka inom na driver mo “ sabay tawa Tumawa din si Jane sa sinabi ni James. “ sayang, wala si Alex dito. Sana mas masaya “ sabi ni James “ ayos lang yun, nandito naman kami. Saka bawal malungkot ngayon “ “ oo nga, mag enjoy lang tayo “ “ tama ka diyan James “ “ teka,, ano pala gusto mong inumin? Kuha na kita “ tanong ni James “ water na lang James “ Tumayo ito at kumuha ng tubig. Naisip ni Jane, bakit naghanap si Alex ng iba ei mabait, maalaga naman si James. Nang makabalik si James dala dala yung tubig at may dala na din leche flan para sa dessert naman. “ naku James, lahat na yata nilabas mo? Bukas pa ang birthday ni mommy “ “ ano ka ba? Para sa lahat ang handa ni mommy “ At nilagyan niya ng dessert ang pinggan ni Jane. “ konti lang James at iinom pa tayo “ “ ah sige “ Nang matapos kumain si Jane ay agad niyang kinuha yung pinggan ni Jane at nilagay sa lababo. Saka sila lumabas. Kumuha naman ng beer si Jason para iabot kay Jane para maka-inom na din. Umabot ng alas tres ng umaga ay hindi pa din tapos uminom silang tatlo. “ bro, matulog na tayo? “ yaya ni James “ ano suko ka na? “ pa yabang na tanong ni Jason “ hindi kaso baka pag dumating bisita ni mommy, tulog naman tayo “ “ sige na, tulog na tayo o kung gusto mo iakyat na lang natin yung ibang beer at dun ka na uminom. Saka pagod si Jane dahil galing pa yan sa opisina “ “ sige na nga bro “ binitbit na ni jason ang ilang beer Saka sila umakyat sa kwarto. “ dito na kayo sa kama ko matulog, sa sofa na lang ako matutulog “ sabi ni James “ tabi tabi na lang tayo matulog “ yaya ni Jane “ sige na matulog na kayo at iinom pa naman ako, Jane matulog ka na at pagod ka “ sabi ni jason “ wow totoo ba yan bro? “ nakakalokong sagot ni James “ loko loko, matulog ka na din “ Binuksan na ni James ang aircon ng kwarto saka humiga sa sala ng kwarto niya. “ bro, saan ako magyo-yosi? “ tanong ni Jason “ di bumaba ka “ sabay tawa Tumawa din si Jane sa sagot ni James, nakita niya kung gaano sila mag-usap na magkaibigan “ sige na, bahala kayong dalawa, basta ako matutulog na ako. Goodnight guys “ sabi ni Jane “ goodnight Jane “   Sabado… birthday na ng pinakamamahal na nanay ni James. Nagisng si Jane ng alas syete ng umaga, nakita niya na tulog pa yung dalawa. Si James na sofa at si Jason naka yuko sa lamesa. “ Jason, gising, lumipat ka sa kama “ At inangat niya ang ulo niya, hindi napansin ni Jason na dun na pala siya nakatulog. Inalalayan ni Jane sa kama si Jason para makatulog ng maayos. Kinumutan naman niya si James dahil giniginaw sa lamig ng aircon. Patalikod na siya ay bigla tumunog ang fone niya kaya sinagot niya agad. “ hello “ sabi ni Alex “ hello “ “ gising na ba sila James at Jason? “ “ tulog pa, bakit? “ “ sige, papunta na ako diyan. Malapit lang ako sa area kaya dadaan na ako “ “ sige, pababa na din naman ako. Kita na lang tayo dito “ “ okay “ At bumaba na si Jane. “ Happy birthday mommy “ “ anak salamat, Nasaan na yung dalawang bantay mo? “ “ naku mommy, ang dalawang security ko ayun naghihilik pa “ sabay tawa “ halika na at kumain ka na, huwag mo ng antaying magising yung dalawa at baka mamaya pa gigising yun. Late na yata sila natulog galing sa pag-inom “ “ oo nga po, lika na mommy. Sabay na tayo kumain “ Kumuha na ng pinggan ang nanay ni James at inabot kay Jane yung isa. May kumatok sa pintuan at pumasok.. “ Ma, happy happy birthday “ bati ni Alex “ anak, salamat at nakarating ka. halika pasok “ sabay bigay sa platong hawak niya “ sige po ma, salamat “ “ sakto, sabay sabay tayo kakain. Sobrang saya ko anak “ Pinaupo na ni Alex nanay ni James at siya na ang kumuha ng pagkain para dito. Habang nagkwe-kwentuhan sila ay bumaba na si James. Nakita niya si Alex na nandun “ oh buti nakarating ka sa birthday ni mommy, akala ko kasi hindi ka makakapunta dahil busy ka sa darating na reunion ninyo “ “ kahit busy ako pero para kay mommy, pupunta ako “ “ mga anak ko, teka kukuha na kita ng pinggan “ “ ako na kukuha mi, ikaw ang dapat na inaasikaso. Pag tapos mong kumain, maligo ka na mi ha? baka dumating na ibang bisita mo. Hayaan mo na kami mag-ayos ng ibang kailangan pa “ Inalok ni Alex si James ng maiinom. “ salamat Alex, ako na lang kukuha. Nga pala thank you sa pagpunta sa birthday ni mommy “ “ teka anak, parang may kulang at may bago ah? “ “ ano po yun ma? “ tanong ni Alex “ hindi ka hinalikan ni James, saka bakit pangalan tawagan nyo? “ “ si mommy, daming napapansin, kumain ka na lang mi “ sabi ni James “ hindi ako kakain habang hindi mo kinikiss si Alex “ Kaya hinalika niya si Alex sa nuo saka bumalik sa kina uupuan niya. Mga ilang minuto ay natapos ng kumain ang nanay ni James kaya nagpaalam na maliligo na siya. “ sige ma “ sabi ni Alex “ kami na bahala dito mi “ sagot naman ni James Nang makapasok na ng kwarto nanay ni James. “ salamat sa pag punta Alex, napasaya mo si mommy “ “ pasensiya ka na kung pumunta ako James, ayoko lang kasi sumama loob ni mommy “ “ hindi, masaya ako at nakarating ka “ Maya maya bumaba na si Jason. “ Anong ginagawa mo dito? “ tanong kay Alex ni Jason “ bro, huwag kang mainggay baka marinig ka ni mommy at ni tita “  Ei bakit nga nandito yan bro? “ “ kinumbida siya ni mommy, please… ibigay na natin kay mommy yung araw niya “ “ James aalis na ako “ sabi ni Alex “ no, stay. Para kay mommy na lang “ Hinatak agad ni James si Jason palabas ng bahay at pinasakay sa sasakyan saka sila umalis. “ Jane, aalis na lang ako para hindi magulo ang birthday ni mommy “ takot na sabi ni Alex “ Alex, hindi. Dito ka lang at baka hanapin ka ni mommy pag lumabas yun. Nakita mo naman kung gaano siya kasaya nung nakita ka niya diba? mag-uusap lang yung dalawa sa labas, pag balik nun. Okay na ang lahat “ Hindi na kumibo pa si Alex. Samantalang sila Jason at James pumunta naman sa park. “ bro, Bakit mo ba ako dinala dito” tanong ni Jason “ dahil baka marinig ka ni mommy, bro birthday ni mommy ngayon at siya mismo ang nag invite kay Alex. Ayokong  masira birthday niya dahil sa niloko lang ako ni Alex “ “ ang kapal naman kasi ng mukha? Ang lakas ng loob para magpakita sa iyo lalo kina mommy. Kung alam ni mommy na ginanun ka nung babaeng yun. Sure ako hindi din niya gustong makita yun “ “ please bro, balato mo na sa akin ang araw na ito “ “ hindi ko kayang makipag-plastikan sa taong yun, kung ikaw hindi mo kayang sabihin kay mommy ginawa sa iyo. Ako mismo magsasabi “  “ ano ba naman bro, ngayon lang ang hihingi ng pabor sa iyo. Pag bigyan mo na ako “ “ bakit ano ba meron kay Alex? “ tanong ni Jason “ ano meron sa kanya? Mahal ko siya bro, at kahit sinaktan niya ako basta kailangan niya ako. Nandito pa din ako para sa kanya “ pa iyak na sagot ni James Hindi na nagkapag salita si Jason, nagagalit siya pero mas matimbang sa kanya ang gusto at hiling ni James dahil mahal na yung kaibian niya. “ sige, papalagpasin ko ang araw na ito. Para kay mommy at para sa iyo “ “ salamat bro, salamat “ “ pero pag natapos na itong araw na ito, kakalimutan mo na siya “ Umuo si James sa sinabi ni Jason. “ sige, bro saglit lang magyo-yosi muna ako “ paalam ni Jason “ sige ako din bro “ Nagyosi na ang dalawa. Kinuha ni Jason ang fone niya para i-text si Alea. “ Alea, punta ka kina James ngayon. Birthday ni mommy “ “ talaga? Kaso hindi naman ako ininvite ni James? “ “ sinabi niya sa akin na itext ka, antayin ka daw  niya “ “ ganun ba? Sige mag-aayos na ako at punta na ako dun. See you later Jason “ “ sige, see you “            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD