Chapter 13 (Killed)

1509 Words
Selene Caz "Selene! Faster!" sigaw ni Chester kaya agad akong tumakbo sa pintuan ng sports room. Natawagan na namin sila kanina at pinag-ready dahil susunduin namin sila. At ngayon kino-cover kami nila Jazer, Chester, Jade, Aldrin, Sir James at Mang Robert at kasama ko naman ngayon si Loreine. Nakailang katok pa bago may mag-bukas ng pinto. Agad na bumungad sakin si Clyde. Wala na kaming panahon para mag-dramahan kaya agad kong niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Ready na kayo?" tanong ko kay Clyde. Agad naman syang tumango sakin. Kaya nag-si-pwesto na sila at nag-si-handa na sa paglabas. "Guys, ready yourself. Diretso tayo sa bus." paalala ni Clyde. Pinauna nya yung mga schoolmates namin habang sila Jazer naman ang nagli-lead sa kanila. "Lyka..." tawag ko kay Lyka nang dumaan sya sa harapan ko. "P-pres" naiiyak na sabi nya. Dali-dali kong hinawakan ang pisngi nya. "Maliligtas ka" paninigurado ko sa kanya. "Halika na" sabi naman ni Clyde. Nagsilabasan na kami. Agad kaming nag takbuhan pero napapahinto rin kami tuwing may kakalabaning zombies. Nangunguna sila Jazer papuntang bus habang todo protekta naman sila Vince at Lewis kay Lyka, tumutulong na rin sa kanila sila Jack, Jade at Aldrin. Nakakasabay ko sa pagtakbo sila Sophie, Nicole at Loreine habang nasa likod naman ay humahabol ang mga kapwa ko SSG officers. "Sh*t!" rinig kong sigaw ni Clyde kaya napahinto ako sa pagtakbo at napalingon sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang makita kong sobrang daming zombies ang humahabol samin. At malapit nang maabutan sila Clyde. "Ahh!" sigaw ni Jona nang bigla syang madapa, yung SSG secretary namin. "Jona!" sigaw ni Clyde. "Selene halika na dali!" sabay hatak naman sakin ni Loreine. "S-saglit lang! Teka! Mauna na kayo don!" sigaw ko tsaka patakbong lumapit kila Clyde. Malayo-layo na ang pwesto nila samin. "Selene!" sigaw nila Loreine sakin. "Just run!" sigaw ko sa kanila staka ibinalik ulit ang atensyon ko kila Clyde. Nanlaki ang mata ko nang maabutan na nang zombies si Jona pero agad na pinaghahampas ni Clyde ang mga ulo non. "Jona tayo!" sigaw ni Clyde habang patuloy sa pagprotekta kay Jona. "Clyde..." bulong ko sabay hampas ko sa mga madadaanan kong zombies. Argh! Buong lakas ko silang hinahampas at ramdam ko na ang pagdaloy ng pawis sa noo ko. Meron patakbo mula sa left side ko kaya bumwelo muna ako at nang malapit na sya ay buong lakas kong inihampas sa ulo nya yung baseball bat. Arghh! Nagulat ako nang meron na sa likod ko kaya agad kong isinalag yung baseball bat sa ngipin nya. Arghh! Anlakas mong demonyo ka! Hinawakan ko sa magkabilaang dulo ang baseball bat habang ang mga ngipin nya ay pilit na kinakagat ang gitnang bahagi ng baseball bat. Mabilisan kong iniangat ang paa ko patungo sa tyan nya at buong pwersa ko syang tinadyakan don. Nakahinga ako nang maluwag ng matumba sya pero agad-agad din syang tumayo dahilan para mapabuga ako sa hangin. Putspa antibay! Dali-dali kong kinuha ang isa kong kutsilyo sa kaliwang braso ko at buong lakas kong itinarak yon sa ulo nya. Napaiwas ako nang magsitalsikan ang dugo nya sakin. Sh*t! Habang hawak ko ang kutsilyo kong nakatarak pa din sa ulo nya ay agad ko syang tinadyakan dahilan para matanggal sa ulo nya yung kutsilyo ko. Nang matumba sya ay agad kong ibinalik ang atensyon ko kila Clyde. Nanlaki ang mata ko nang malapit na talagang makagat si Clyde sa braso kaya walang pag aalinlangan kong inihagis ang kutsilyo ko gilid ni Clyde. Napapikit pa ko dahil sa kaba at baka sya ang matamaan ng kutsilyo ko. Kumabog ang dibdib ko nang matumba ang zombie sa gilid nya. Sh*t! Diretso sa ulo nya. Asintado! Nice one Selene! Patakbo akong lumapit sa kanya staka ko tinulungang makatayo si Jona. "Run!" sigaw ko sa kanya na agad nya namang ginawa. Nilingon ko yung zombie na pinuntirya nang kutsilyo ko kanina. Agad kong kinuha sa ulo nya yung kutsilyo atsaka ko itinarak sa isang zombie na pasugod samin. Binilisan na namin ang pagtakbo papuntang bus. Hinawakan kong maigi ang baseball bat at ilang beses yon kinumpas para sa makakalapit na zombies samin ni Clyde. "Selene mauna ka na!" sigaw sakin ni Clyde. "No way!" sigaw ko sa kanya sabay hampas ko sa ulo nang zombie na nasa likod ni Clyde. "F*ck Selene! Listen to me! Kaylangan mo nang mauna!" sigaw nya ulit. Galit ko syang nilingon sabay hampas ko nang baseball sa gilid nya kung san nakapwesto yung isang zombie. Paikot akong gumalaw at buong pwersa ko namang inihampas ulit ang baseball bat ko sa ulo ng zombie na nasa gilid ko. "F*ck you!" sigaw ko don sa zombie. "Selene!" sigaw sakin ni Clyde kaya galit ko ulit syang nilingon. Nanlaki ang mata ko nang itaas nya yung braso nya. M-May dugo. "C-Clyde..." nanghihina kong sabi. "Now listen to me---sh*t!" sambit nya sabay hampas ng zombie sa likod ko "You need to protect them, the people around you" seryosong sabi nya atsaka nagsibagsakan ang mga luha nya. "C-Clyde! T*ng*na! T*NG*NA KAYO!" sigaw ko sa mga zombies na nasa paligid namin at walang kapaguran ko silang pinaghahampas habang umiiyak. Clyde... no way... "Selene! F*ck! Selene listen! I don't want to hurt anyone... please. I don't want to be like them... kill me instead. I'm more than happy if you're the one who---" "I hate you! F*ck! I hate you Clyde!" napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kasabay non ang pagdilat ko dahilan para magsibagsakan ang mga luha ko. Ayoko nang nakikita kang nahihirapan. Hindi ko kaya... Ngumiti sya sakin. Napalunok ako at walang pag aalinlangan kong itinarak yung kutsilyong kinuha ko sa binti ko patungo sa ulo nya. Unti-unting nagsibagsakan ang dugo sa ulo nya. "Eto na lang ang magagawa ko para sayo" bulong ko kasabay non ang pagbagsakan ng mga luha ko "T-thank... y-you" nahihirapan nyang sabi bago malagutan ng hininga. "I'm sorry" huling sinabi ko bago tumakbo nang sobrang bilis Nagsisipatakan ang mga luha ko habang hinahampas yung mga zombies na nakakahabol sakin. "ARGH! I HATE YOU! PUT*NG*NA NYO! HALIMAW KAYO!" sigaw ko habang pinaghahampas yung mga zombies. "Selene!" sigaw ni Jazer na nakadungaw sa pinto ng bus na ngayon ay nasa harapan ko na. Nang huminto yung bus ay agad na bumaba si Jazer at patakbong lumapit sakin sabay atak papasok sa loob ng bus. Mabilisan kaming pumasok kaya pabagsak kaming naupo sa sahig ng bus tsaka nila madaliang sinara yung bus. Naramdaman ko nalang ang pag-andar non. Hinihingal akong napa-yuko. Agad na sinuri ni Jazer ang katawan ko. Nagsilapitan na rin ang iba naming kasamahan. "Are you okay? M-may masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Jazer na inilingan ko naman. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nanghihina akong tumayo habang ang mga mata nila ay nasa akin. Alam kong gusto nilang magtanong tungkol kay Clyde pero walang nagsubok na gumawa. "P-pag ba... pag ba nakapunta na tayo sa Red Island... may chance pa na... na makabalik tayo dito?" mahina kong tanong. "Selene iha, mahirap at masyado nang delikado" sagot naman ni Sir. Agad ko namang nilingon si Sir. "E-eh pano po sila Clyde? S-Sir hindi po ba natin sila ililibing ng maayos?" napakagat ako sa pang ibabang labi ko dahil sa tanong ko. "Selene..." malungkot na sabi ni Sir. Nakita kong nabigla ang iba naming kasama, lalo na ang ibang SSG officers dahil sa narinig nila. Patay na si Clyde. Tumango-tango ako at pilit na ngumiti. "N-naiintindihan ko po... magpapahinga lang po ako" nanghihinang sabi ko sabay upo ko sa kaliwang bahagi ng upuan, tabi nang bintana. At patuloy na nagbagsakan ang mga luha ko. Wala na kong makita sa labas dahil nakaharang yung kurtina at hindi ko rin naman pagkakaabalahang tignan pa dahil lalo lang nakakalungkot ang madadatnan ko. Naramdaman ko ang taong tumabi sakin. "Len..." bulong ni Loreine sabay sandal sa balikat ko. Napangiti ako nang mapait. Si Clyde... nag-sacrifice para kay Jona... para sa studyante. I'm sure ganon din ang ginawa ni Fin kaya sya naging zombie. Napangiti ako sa kawalan sa naisip ko. I am the one who killed Fin... na ginawa ko rin kay Clyde. Napatingin ako sa kamay ko. "I killed them..." bulong ko. Agad namang hinawakan ni Loreine ang kamay ko. "No Selene, you saved them. I'm sure masaya sila sa naging desisyon mo. Nag-sacrifice sila for us, which mean is alam nila ang kahahantungan nila sa dulo. Nag sacrifice pa rin sila kahit alam na nila ang mang-yayare sa kanila. Alam nilang masasaktan sila pero alam din nilang may isang leader na kayang magdesisyon para sa ikabubuti nang lahat. Nag sacrifice sila, at dapat lang na maging worth it yon" makahulugang paliwanag nya. Napangiti ako sa kanya sabay tuluan ng mga luha ko. "Sino pa bang magsa-sacrifice? Hanggang kelan nila dapat gawin yon?" malungkot na tanong ko. Huminga naman ng malalim si Loreine. "I don't know. Basta ang alam ko lang, sa panahon natin ngayon... sa nangyayare sa paligid natin..." tinitigan nya naman ako sa mata "Walang mabubuhay, kung walang magsa-sacrifice. Kung lahat tayo sellfish, walang mabubuhay. Hindi mabubuhay yung mga taong pinapahalagahan natin"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD