Chapter 12 (Communicate)

1933 Words
Selene Caz "Yes po Tito. We're done. Okay po" agad lumingon sakin si Jazer "Paki sulat ng mga sasabihin ko" utos nya sakin. Tumango naman ako sabay kuha ko nang kapirasong papel at ballpen. Agad silang nag-sitabi staka ko inilapag sa harap ng computer ni Jazer yung papel atsaka ako tumabi sa kanya. Lahat kami ay naka-abang sa sasabihin nya. Natapos na naming ma-solve yung second, third and fourth lock. Nung una ay nahirapan kami pero nag brain storm kami at naging successful naman. Yun nga lang, gaya ng sabi ni Jazer kanina... sadyang mahirap nga talaga ang first and last lock. Buti nga kahit papano ay biniyayaan ng utak si Jazer at nasagutan nya yung last. At si Papa naman ang sa first lock. Medyo nahirapan sya pero nagtulungan talaga sila ni Sir at nila Jazer. And now tapos na ma-identify ni Papa yung mga code at ili-list na lang namin yung nabuong sentence which is definition ng isang word, at pag nalaman namin yung word na yon... magkakaroon na kami nang access sa Red Island. Makakahingi na kami nang tulong. Huminga ako nang malalim staka nakinig ng mabuti sa sasabihin ni Jazer. Tumingin muna sya sakin ng seryoso na tinanguan ko naman. "Yes po tito, we're ready" agad nya ulit akong nilingon "A substance used to stimulate the production of antibodies and provide immunity against one or several diseases, prepared from the causative agent of a disease, its products, or a synthetic substitute, treated to act as an antigen without inducing the---" napahinto sya sa pagsasalita kaya napahinto rin ako sa pagsusulat. Napatingin kami sa kanya nang iabot nya sakin yung phone ko "Lowbatt" seryosong sabi nya. "Badtrip naman oh, wrong timing" maktol ni Jade. Napairap ako tsaka ko ibinalik ang tingin ko sa papel. "A substance used to stimulate the production of antibodies and provide immunity against one or several diseases, prepared from the causative agent of a disease, its products, or a synthetic substitute, treated to act as an antigen without inducing the..." pagbabasa ko sa nakasulat. "Treated to act as an antigen without inducing the... the what?!" iritang sabi naman ni Loreine. Napahilot na ko sa sentido ko. Pinagmasdan ko naman si Jazer na nakapikit. Sobrang pagod na siguro sya. Para sa kanya madali na lang to ih, pero dahil sobrang pagod sya ay hindi sya makapag-isip ng maayos. "Jazer... pahinga ka muna don, kami nang bahala dito" nag-aalalang sabi ko sa kanya. "No. I'm fine" seryoso pa ring sabi nya habang nakapikit. "Iho tama si Selene, magpahinga ka muna. Kaylangan nating magpalakas para sa pag-alis natin mamaya. Sige na kami nang bahala dito" nag-aalala ring sabi ni Sir kaya naman napalingon ako sa kanya. "Uhmm... Sir I think kaylangan nyo na rin pong magpahinga" iniikot ko ang paningin ko sa kanilang lahat "Nakapagpahinga na ko kanina, kayo naman ngayon. I can handle this, I swear. Trust me" pagkakausap ko sa kanilang lahat. "You sure?" nag-aalangang tanong naman ni Sir. "Yup. And oh, may food yung ibang bag naming dala sir, I suggest na kumain na rin po kayong lahat." nakangiting sabi ko. "Selene I'll help you---" seyosong sabi ni Jazer na pinutol naman ni Chester. "No dude, magpahinga ka na lang. Ako nalang ang tutulong---" "Shh... sinasayang nyo yung oras, magpahinga na kayo don. Ako nang bahala dito. Guys trust me okay? Sisiw lang to sakin no!" pagmamalaki ko sa kanila. "Yeah. May point si Selene. Habang nagre-regain tayo nang energy, sya naman ay sino-solve yung puzzle. Relax guys, hindi lang malakas si Selene, matalino pa. And we know her... hindi yan papatalo kaya wala tayong laban---aray! Ano ba?! Ikaw na nga tong inaangat ih!" maktol na sabi ni Loreine. Ang daldal ih kaya yan tuloy hinampas ko. "Andaldal mo! Sayang ka sa oras! Magpahinga na nga kayo don" pagtataboy ko sa kanila. "Fine" pagsuko ni Jazer "Call us if you need---" "Oo na! Oo na!" sigaw ko sa kanya. Wala na silang nagawa kaya nagsi-pahingahan na lang sila. Ibinalik ko ang atensyon ko sa nakasulat. Focus Selene... focus... Muli kong binasa ang nakasulat, pina-ulit ulit ko pa yon. Naka ilang minuto ako sa pag-ulit-ulit na pagbasa don, dahilan para pagpawisan ako. Napakunot noo ako nang may mapansin. "Ano bang dapat kadugtong nito?" tukoy ko sa last word. Hmmm... A substance used to stimulate the production of antibodies and provide immunity against one or several diseases, prepared from the causative agent of a disease, its products, or a synthetic substitute, treated to act as an antigen without inducing the... A substance used to stimulate the production of antibodies and provide immunity against one or several diseases, prepared from the causative agent of a disease, its products, or a synthetic substitute, treated to act as an antigen without inducing the... A substance used to stimulate the production of antibodies and provide immunity against one or several diseases, prepared from the causative agent of a disease, its products, or a synthetic substitute, treated to act as an antigen without inducing the... Inintindi kong mabuti, ow... paulit-ulit yung sinabing desease. Antibodies and provide immunity against one or several diseases. Antibodies against deseases? Prepared from the causative agent of a disease. Causative agent of a disease? Hmm... Binasa ko naman ang last sentence. "Treated to act as an antigen without inducing the..." bulong ko "Treated to act as an antigen without inducing the... the..." "The disease..."mahinang sambit ko. Tama! "Treated to act as an antigen without inducing the disease" pag-uulit ko sa sagot ko. Gaga! Bat di ko na isip yon kanina?! Napakadali lang kung iisipin pero putspa! Nahirapan talaga ako! Hello! Hindi ako kasing talino ni Jazer no! "Selene... you okay?" rinig kong tanong ni Chester. "Yah... quiet please." sabi ko nalang at muling ibinalik ang atensyon ko sa papel. Idinugtong ko na ang salitang disease sa last sentence. "A substance used to stimulate the production of antibodies and provide immunity against one or several diseases, prepared from the causative agent of a disease, its products, or a synthetic substitute, treated to act as an antigen without inducing the disease" mahinang basa ko sa sinulat ko. Okay, think Selene... think. Okay... uhmm remember. This sentence is a definition of a word. And that word is a key to the first lock. This is the last one Selene... you can do this. Inilista ko muna yung mga words na pwedeng makatulong sakin. *Substance *Used to stimulate *Provide immunity *Several diseases *Products *Synthetic subtitute *Treated Napangiti ako sa last word na sinulat ko. Muli kong binasa ang definition "A substance used to stimulate the production of antibodies and provide immunity against one or several diseases, prepared from the causative agent of a disease, its products, or a synthetic substitute, treated to act as an antigen without inducing the disease" napangiti ako. Mas easy to putspa, kaysa sa paghahanap ko sa disease! Agad akong nag-type at hinanap ang first lock staka ko itinype yung sagot ko sa password. "Vaccine..." pagbasa ko sa sagot ko Kinakabahan pa ko at pinagpapawisan sa sagot ko Lalong tumindi ang kaba ko nang mag-loading sya. Ano ba?! Tama ba yung sagot?! Gosh! Di ako makapag-antay! Nanlaki ang mata ko sa lumitaw sa screen. *RED ISLAND* 'Congratulations! You can now communicate with us' Nanginginig ang kamay ko habang itinututok ko ang arrow ng mouse sa salitang. (Please enter your message) I clicked it at nanginginig akong nag-type nang message. ***: Red Island Hindi ko alam kung bat sa dinami-dami nang naka-reserve sa utak ko na sasabihin sa Red Island ay yan lang ang naisipan kong i-type. RED ISLAND: Hey, it's unbelievable. Pano mo nagawang magkaroon ng access sa Red Island? The code we used was really hard. ***: My friends helped me. RED ISLAND: Ow I see, may iba ka pang kasama? Our boss need to know this. ***: Oh my God thankyou. Please hurry up. We really need you. RED ISLAND: Okay relax, first we need some information about you, so that we can easily find you. Atleast information about you, will do. Napalunok ako, tsaka ako agad nag-type ng message sa kanya. ***: I'm Selene Caz. 18 years old. I'm with my schoolmates and friends. RED ISLAND: Where are your exact location? ***: We're here in our school. Santiago Senior highschool. RED ISLAND: Ow anlayo. Okay. Relax Ms.Caz. Magpapadala ang team namin ng fighters and rescuers jan. Hahatiin namin sa dalawa. Ang kalahati ay sa van nakasakay at ang kalahati ay sa private plane namin na sakto lang ang laki. Don't worry. We will help you. Napaluha ako habang nagta-type. ***: Thankyou... by the way. May pamilya kami at isasama namin sila. RED ISLAND: Ofcourse. But before that, is there any transportation na pwede nyong magamit? Actually mahihirapan kaming pumasok sa location nyo dahil nagkalat ang zombies. Napalunok ako sa sinabi nya. ***: Yes, we have bus. RED ISLAND: Good, so... uhmm here's our meeting place. Lander field. Yung open area don. Dun mag-aantay yung private plane namin at papalibot naman sa paligid yung van namin. Sakto, malapit lapit yon sa bahay namin nila Jade. ***: Okay thankyou very much po! RED ISLAND: Okay, kikilos na kami. Mag-aantay kami kahit pa matagal. We'll rescue you... all of you no matter what. By the way, I'm Darylle, 19 years old. And I'm glad to meet you Ms. Caz. We'll wait you. See you soon. Napangiti ako. Magta-type na sana ako nang message nang biglang mamatay ang computer. Sunod-sunod na namatay ang power nila. What the heck?! Napalingon ako sa likod ng magsitayuan na sila dahil pati ilaw at aircon ay namatay narin. Agad na lumapit sila sakin. "What the hell?!" gulat na sabi ni Loreine. "Anong nangyare?" tanong naman ni Jade. "Namatay na yung power" sagot naman ni Sir. Agad akong pumunta sa likod at inayos ang mga gamit namin sa bag. "What?! Hala ka! Pano na yung mga pinagpaguran natin?! Mapupunta na lang yon sa wala?!" naluluhang sabi ni Loreine. Di ko sya pinansin at ibinigay ko ang atensyon ko kay Mang Robert. "Mang Robert, paki-contact nga po ulit sila Clyde." "O sige" sagot naman nya. "Uhmm Sir, can you drive? Atleast a bus?" nag aalangang tanong ko kay Sir. Napakamot naman sa batok si Sir. "I'm sorry Selene pero bicycle at motor lang ang kaya kong imaneho ih" sagot naman nya. "Ay ako Selene, kaya kong mag-maneho nang bus. Nakalimutan mo bang ako ang nagmamaneho ng school bus dito?" sabi naman ni Mang Robert habang hawak at nasa tenga nya ang phone ni Sir James. Nakahinga naman ako nang maluwag don. "Oo nga po pala. Teka, nasa inyo po ba yung susi nung bus?" tanong ko ulit sa kanya. "Abay oo naman, hindi lang naman susi nang gate ang pinagkatiwala sakin. Pati narin ang susi ng bus at mga rooms nyo" paliwanag nya dahilan para mapangiti ako. Akala ko kakaylanganin pa naming pumunta nang faculty para hanapin sa desk ng mga head teachers yung susi ng bus ih. Nagulat ako nang bigla akong hawakan sa braso ni Jazer. "Ano ba talagang nangyare?" naguguluhang tanong nya. Nginitian ko naman sila ng malapad. "Guys. We finally unlocked the code! Yah, at nakausap ko na sila. Nakaplano na. Tutulungan nila tayo. Sa dulo nitong Santiago Village. Sa Lander field mag-aantay ang susundo satin" paliwanag ko sa kanila. "Oh thank God" napatakip sa bibig si Loreine sabay akap sakin. "Diba parang ang layo naman non?" nagtatakang tanong ni Jade. "Sira! Dun naman talaga tayo papunta? Remember? Dun tayo nakatira" sagot naman sa kanya ni Aldrin. "Selene" napalingon ako kay Mang Rebort tsaka nya iniaabot sakin yung phone ni Sir James.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD