MILAGRO. 'Yon ang malinaw na salitang nasa isipan ni Alejandro nang mga sandaling 'yon na hawak niya sa kaniyang mga palad at malinaw na nababasa ang sinasaad ng mga resulta ng panggagamot ni Doc Harvey Acosta kay Angel. Pinuntahan niya ang duktor para abisuhan 'to na anytime, and any day from now ay kakailanganin niya ng kopya ng lahat ng medical records ni Angel sa duktor dahil nagdesisyon na siya na ipagamot ang asawa sa Singapore, kung saan mas 'di hamak na accessible ang lahat at malalapatan ng lunas ang sakit ni Angel. Naroon na rin naman ang naging duktor na nodding acquaintance niya during college. Nakapag-usap na rin sila niyon at naidulog na niya ang problema sa espesyalistang kakilala na naka- base sa Singapore at nagtatrabaho sa isa sa prestihiyoso at malaking ospital do'n. H

