HONESTLY, hindi na makapa ni Marco Polo ang saya na dapat ay nararamdaman niya ngayon na inaprubahan ng kanilang lolo ang pagiging CEO niya sa kompanyang ito. Ang kanilang lolo na si Don Marco Sandoval, the ultimate head of the company. Chairman to be exact. In general. Parang kailan lang, ito ang posisyon na pinangarap niya, hindi dahil alam niyang 'yon ang matayog na posisyon sa DB Company, kung hindi dahil sa inggit sa pinsan na si Alejandro. Parang kailan lang, no'ng hilingin niya sa mga bituin na sana ay siya ang makasungkit ng puwesto na 'yon ngunit dahil sa pagdating ni Monaliza sa buhay niya, ang hinahanap niyang pagmamahal ng kaniyang ama na si Marco Sandoval Jr. ay ito ang pumuno. His father, Marco Sandoval Jr. is an asshole. Nang mapunta sa kanilang pamilya ang pinsan niyan

