"ANG tigas naman ng ulo mo kasi, Angel e!" Habol-habol ni Theo ang kaibigan niyang nagdadabog sa kasalukuyan. Papasok ito sa sarili nitong kuwarto sa mga oras na 'yon na hinahabol niya nga. Nainis kasi 'to sa kaniya. Naabutan siya kanina ni Angel na ka- video call niya ang Tita Agnes nito na naninirahan sa ibang bansa kapiling ang asawang afam at pinaalam niya rito ang kalagayan ni Angel. Partikular sa ayaw na ni Angel na magpagamot. Kaya niya pang i-tolerate ang paglilihim ng kaibigan niya sa sakit nito sa nag-iisang kamag-anak, pero hindi ang hindi na nito gustong magpagamot sa sakit na 'yon. Nagdadabog na naupo sa kama niya si Angel at nagkumot hanggang sa leeg at rumolyo na parang lunpia. Gano'n ito 'pag malungkot. Ang alam nga ni Theo ay tulog 'to kaninang iwan niya sa kuwarto nito

