{Glimpse from the past...} "ALEJANDRO!" Naririnig ni Alejandro ang tinig ni Angel na umiiyak na tinatawag siya ngunit malabo sa kaniya ang lahat. Hindi niya maalala. Hindi pa rin kasi siya makadilat. Tila siya natulog ng matagal at ang tinig ni Angel ang nagpagising sa kaniyang diwa. Kahit nararamdaman niyang nagising na ang kaniyang diwa ay wala rin siyang maalala kung bakit, kung ano ang rason ng pagtawag sa kaniya ni Angel... Basta naririnig niya 'to sa paraan na klarong kailangan niyang tumugon sa pagtawag nito sa kaniyang pangalan dahil kung hindi ay--- "Alejandro! Oh, my, thank God!" Ang umiiyak na pinsang niyang si Elice ang nabungaran niya nang imulat niya ang kaniyang mga mata... But no! Sigurado siya, hindi si Elice ang naririnig niyang paulit-ulit na tumatawag sa kaniya.

