"Are you ready?" excited na tanong ni Presila kay Tim. "Honestly, Mom, tinatamad ako," tugon ni Tim. Lumabas ito sa kwarto at bihis na. Nilapitan siya ng ina upang ayusin ang kaniyang kurbata. "Don't spoil this day, Timothy. Wait until we get there. Kapag nakilala mo na ang anak ni Kumpadre Suarez, siguradong mawawala ang pakiramdam mong iyan." Tim just sighed and nodded. They went to the hotel na pagmamay-ari mismo ni Ben Suarez. It was a five-star hotel. Manghang-mangha si Presila habang iginagala ang mga mata sa buong paligid. "Look at this place. Isa lang ito sa mga pag-aari ng mga Suarez. Can you imagine how rich they are?" Tiningnan niya muli ang anak upang sipatin kung maayos ba ang itsura nito. Muli nitong inayos ang kurbata ni Tim. "You look good. Ang kailangan na lang ay maip

