Nagpatuloy si Cassandra sa paglalakad hanggang sa makita niya si Tim. Patuloy pa rin ito sa pagtawag ng Kamila. "Kamila?" aniya. "Sinong Kamila?" nanginginig ang boses na wika niya. Napahinto sa paglalakad si Tim at unti-unti itong lumingon sa kaniya. Napalunok ito at nagbaba ng tingin. "Iyan ba ang pangalan ng babae mo?" bulalas ni Cassandra. "Kasama mo ba siya rito kanina bago kita makita?" Nakimkim niya ang mga palad. Gusto niyang kumalma pero hindi niya magawa. "May babae ka? Babae mo iyong Kamila?" Pumatak nang sunod-sunod ang kaniyang mga luha. "Hindi lang siya basta babae," tugon ni Tim. "Huwag mo siyang iinsultuhin dahil sa oras na malungkot ako, siya lang ang may kakayahang pasayahin ako." Natiim ni Cassandra ang mga bagang niya. "At ako?" aniya. "Hindi kita kayang pasayahin,

