Nananakit ang ulo ni Tim nang magising siya. Napatanong siya sa kaniyang sarili kung paano siya napunta sa kama. Nang tingnan niya ang kaniyang wristwatch, hapon na. Biglang napabangon siya. Nasapo niya ang mukha dahil may usapan silang magkikita ni Kamila kaninang tanghali. Tiyak na nagtatampo na ito sa kaniya. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto. Patakbo siyang lumabas ng bahay. Narinig pa siyang inusisa siya ng Sita ngunit hindi niya man lang ito nilingon. Nang mga oras na iyon ay hindi pa nakakabalik sina Cassandra, Vanessa, at Diolph. Nagtungo siya sa likuran ng Casa at tumawid ng batis. Malayo pa lang ay nakakita na siya ng makapal na usok mula sa dereksyon kung saan nakatirik ang kubo nina Kamila. Kaagad siyang kinabahan kaya kumaripas siya ng takbo. Naiwan pa niya ang pares ng ka

