Nagbuntong hininga si Presila pagkababa niya ng sasakyan. Iginala niya ang paningin sa paligid. Hindi naman pala gano'n kasama ang lugar. Pumikit siya at lumanghap ng hangin. Well, talaga palang sariwa ang hangin sa Magenta. Pumasok muli siya at inutusan ang driver na ideretso ang sasakyan sa Casa Del Amore. "Mommy," wika ni Cassandra pagkababa ni Presila sa sasakyan nito. "Where's my son?" tanong ni Presila. "Natutulog siya. Mula kahapon, wala siyang ibang ginawa kundi matulog." Napatango si Presila at nagbuntong hininga. "Let's go inside, shall we? Marami tayong dapat pag-usapan," anito. Tumuloy sila sa loob ng bahay. Sinilip lang ni Presila si Tim. Buong buhay niya ay ngayon lang siya nahabag nang labis sa anak. "Hindi na ba siya nagpumilit na lumabas at makita ang Kamila na sina

