Tim is getting better and better everyday. Salamat sa medications, therapy, at walang sawang pag-aalaga ni Cassandra. Napapalibutan din si Tim ng mga kaibigang hindi siya hahayaang mag-isa. "Oh, bakit nakabusangot ka riyan?" usisa ni Diolph kay Cassandra isang araw na dinalaw niya ito. Ngayon nga lang ulit ako nakadalaw sa iyo, tapos para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ka yata natutuwang nandito ako," biro niya pa. Napangiti si Cassandra. "Hindi. Malalim lang ang iniisip ko. Nahihirapan kasi akong maghanap ng bibili sa Casa. Lahat ng kinausap ko, tumanggi. Sobrang layo raw ng Casa at malayo pa sa kabihasnan. Aanhin naman daw nila eh marami namang bakasyunan na mas malapit at mas maganda. Hinuhusgahan nila ang Casa nang hindi man lang ito tinitingnan." "Iyan ang dahilan kung

