Nagsimula nang planuhin ni Cassandra nang mas maigi ang detalye ng mga plano niya para sa magiging buhay nila ni Tim sa lungsod. Naibenta na ang Casa at naibigay na niya ang titulo kay Diolph. Gamit ang perang napagbentahan sa Casa ay nakabili siya ng lupa upang pagtirikan ng kaniyang bagong restaurant. Tumulong si Presila. Ibenenta niya ang ilan sa mga properties niya na hindi naman nagagamit upang makadagdag sa kailangang puhunan ni Cassandra. Everything is going well according to plan. Lumipas ang mga buwan at nasimulan na ang pagpapatayo ng restaurant ni Cassandra. Isang araw ay binista nila ni Tim ang site. "Ang restaurant na ito ang simbolo ng bagong buhay natin, Tim," nakangiting wika niya kay Tim. Humilig siya sa balikat nito. "Dahil sa lahat ng pagsusumikap mo ang lahat ng ito

