Akala nina Cassandra na si Pia lang ang may nais na makausap si Tim. Ngunit nagtaka sila kung bakit hindi pa rin umaalis ang sasakyan ni Ben. Mayamaya ay bumaba ng sasakyan si Ben at nakangiting lumapit sa kanila. "Papunta kami sa airport at ihahatid ko na sana si Pia nang makiusap siya sa akin na dumaan na muna rito. I was hesitant at first but I realized that I did the right thing of letting her," wika ni Ben. "Alam kong nakahingi na ng tawad ang anak ko pero para sa akin ay hindi iyon sapat. Tim, humihingi rin ako ng tawad dahil na hinusgahan kita. You are a good man. Nakita ko iyon. At maayos ang trabaho mo sa kompanya ko. I shouldn't have made it personal. I shouldn't have fired you. Alam kong may kontribusyon ako sa nangyaring hindi maganda sa iyo. And I am really sorry." Ngumiti s

