"Where is Tim?" alalang-alalang tanong ni Cassandra pagkababa niya ng kotse. Sinalubong siya ng sekretarya ni Niccolo. "Ma'am, nasa office niya po si Sir Tim. Nagkukulong ho. Nag-lock ho siya ng pinto," tugon ng sekretarya. "Ha? Ba't siya nag-lock?" "Ewan ko ho, Ma'am." "May spare key naman kayo, 'di ba?" "Mayroon ho. Hinihintay lang ho namin kayong dumating para kayo ho ang magbukas ng pinto." Iniabot nito ang spare key kay Cassandra. Nagmamadaling pumasok si Cassandra sa company building. Halos pudpurin niya ang buttons sa elevator upang mabilis na makaakyat sa floor kung saan naroroon ang office ni Tim. Kinatok ni Cassandra ang pinto ng office ni Tim nang ilang beses. "Hon! Hon!" natatarantang sigaw niya. "Answer me, please! I'm really worried about you." Walang Tim na sumagot.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


