Hindi nagtagal ay nagkamalay na rin sina Abby at ang iba pang mga kasama nito. Clueless ang mga ito sa nangyari, ngunit ipinaliwanag ng mga pulis sa mga ito ang buong pangyayari. Napa-Oh My God na lamang si Abby nang mapagtantong nag-imbita siya ng mga predators sa kaniyang bachelorette party. Muntik na silang mapagsamantalahan. And she couldn't imagine the worst scenario na maaari pang mangyari. "Paano mo nalamang kailangan ko ng tulong mo?" naluluha pa ring tanong ni Cassandra kay Diolph. "Bago ka pa umalis, may nararamdaman na akong hindi maganda. I was worried about you since you left. Hindi ako mapalagay. Gusto nga kitang tawagan para i-check kung okay ka, pero hindi ko ginawa dahil baka isipin mong nakikialam na ako masyado sa iyo," tugon ni Diolph. "Noong tumawag ka sa akin at s

