"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Diolph kay Cassandra pagkalabas nila ng hotel. Marahang tumango si Cassandra. Nilingon pa ni Diolph si Tim, ngunit nanatiling parang batong nakatayo lang si Tim habang nakayuko. Diolph thinks that maybe Tim has come back to his senses, but maybe it is a little too late for him kasi ganoon din si Cassandra- gising na. Humahangos na bumaba sina Clyde at Max mula sa kanilang mga sasakyan. Tumatakbo sila papunta sa entrance ng hotel nang makita nila si Cassandra. May nakaakbay na lalaki rito at hindi iyon si Tim. Tatawagin sana ito ni Max, ngunit nakapasok na si Cassandra sa kotse at mukhang nagmamadaling nagmaneho paalis sa lugar ang lalaking kasama nito. "Si Cassandra iyon, 'di ba?" tanong ni Max kay Clyde kahit na nasisiguro niyang si Cassandra nga i

