Nakampante si Tim dahil dumaan ang ilang linggo na hindi nagparamdam sa kaniya si Pia. Hindi rin niya kayang mangahas na tanungin si Mr. Suarez kung natuloy si Pia sa pagbalik sa London. Ipinagpalagay niyang tapos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Ayaw na niyang magkaroon ng kahit na kaunting involvement sa dalaga. Focus na siya ngayon sa kanila ni Cassandra at sa kanilang kinabukasan. Maganda ang takbo ng kaniyang trabaho sa kompanya ni Ben. Parehas silang propesyonal at masasabi niyang maganda ang performance nila bilang team. Natitiyak niyang napatunayan na niya ang sarili. Nang araw na iyon ay excited siyang umuwi kay Cassandra. Balak kasi nilang kumain sa labas. Maaga siyang umuwi. Bumili pa siya ng bulaklak para sa asawa. Nakangiti siya pagbukas niya ng pinto ng kaniyang unit

