"Hindi pa rin ako makapaniwala na okay na ang lahat, Hon," nakangiting wika ni Cassandra habang naglalakad sila palayo sa puntod ng kanilang anak na dinalaw nila. "Para talagang nananaginip pa rin ako. Parang natatakot ako," aniya pa. Napatingin si Tim sa asawa. "Ba't ka naman natatakot?" tanong niya. "Okay na ang lahat." "Iyon nga, eh. Parang hindi na ako sanay na okay ang lahat. Kapag ganito, pakiramdam ko, may mangyayari na naman na hindi maganda. Kinakabahan ako." Huminto si Tim sa paglalakad. Kinuha niya ang parehong kamay ni Cassandra at mahigpit iyong hinawakan. "Ipanatag mo na ang loob mo, Hon. Wala nang mangyayaring hindi maganda, okay? Better days are ahead of us. Iyon lang ang dapat nating isipin. We've been through hell already. We're at the end of the tunnel." "Sana nga, T

