Hindi na napigilan pa ni Pia ang sarili at tinawagan niya si Tim. "Are you okay?" Iyon kaagad ang bungad na tanong ni Tim. Pia doesn't sound alright. She stammers and stutters. Halos hindi niya ito maunawaan. "Are you drunk? Where are you? Pupuntahan kita." Nasabi naman ni Pia kung nasaan siya. "Stay there. Huwag kang aalis hangga't hindi ako dumating," wika ni Tim. Ibinaba niya ang telepono at nagmamadaling umalis upang puntahan ang dalaga. Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang dalaga sa address na sinabi nito. "Tim!" bulalas ni Pia. Halos pikit na ang mga mata nito. "I know you will come for me." Nilapitan ito ni Tim at inakay patayo. "Iuuwi na kita sa inyo," aniya. "Lasing na lasing ka. Sino ba ang mga kasama mo? Mag-isa ka lang?" "Ayaw ko pang umuwi, Tim. Can we go somewhe

