------- ***Vienna's POV*** - Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nakahaplos sa kanyang matikas na katawan. Nag-iinit ang pakiramdam ko sa titig niya sa akin. Basang-basa ko kasi sa kanyang mga mata na nadadala siya sa pang-aakit ko. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na wala akong pakialam kung kaibigan ko si Emanuele. I know what you are doing. You are flirting with me. At wala sa plano kong umatras mula sa pang-aakit mo sa akin," mariin niyang sabi. Hindi ko mapigilan ang mapalunok, parang gusto ko na tuloy ang umatras dahil parang apektado ako kaya mabilis kong ipinaalala sa sarili ko kung ano ang dahilan kaya nandito ako ngayon. At iyon ay ang akitin siya para mas madali sa akin ang paghihiganti sa kanya. Binawi ko ang hawak niya na kamay ko at itinapat ko ito sa malapad niyang dibd

