-------- ***Vienna's POV*** - Narito ako sa loob ng isang bar, nakaupo sa isang sulok habang dahan-dahang iniinom ang malamig kong inumin. Malamlam ang mga ilaw, nagsasayawan ang mga tao, at bumabalot sa buong paligid ang malakas na tugtog. Ngunit hindi ko iyon pinansin. Wala akong pakialam sa ingay o sa nagkikislapang ilaw sa paligid—may mas mahalaga akong dahilan kung bakit ako narito. At hindi ako nabigo dahil tama ako sa hinala ko--- makikita ko siya dito. Mula sa kinaroroonan ko, tanaw ko si Dylan sa VIP section, may kasamang isang seksing babae na halatang ibinubuhos ang buong atensyon sa kanya. Halos hindi na lang dumaan ang hangin sa pagitan nilang dalawa sa sobrang lapit ng babae sa kanya. At mukhang nag-e-enjoy pa ang demonyong si Dylan sa presensya nito. Nanikip ang dibdib

