------ ***Third Person's POV*** - "Ano'ng nangyari? Bakit parang banas na banas 'yung umalis? At sino 'yung babaeng kasama niya?" Agad na tanong ni Javier pagkalapit nito sa kanya. Sayang at hindi nito naabutan ang matinding titigan nila ni Emanuele kanina. Kung nagkataon, baka mas naunawaan nito ang tensyon sa pagitan nila. Sa totoo lang, handa siyang makipagsuntukan kay Emanuele dahil sa sinabi nitong asawa nito ang babaeng iyon. Ngunit pinigilan niya ang sarili—hindi dahil natatakot siya kay Emanuele, kundi dahil ayaw niyang magalit sa kanya ang mismong babaeng iyon. Hindi siya naniniwala na totoong asawa ni Emanuele ang babae. Bukod sa wala silang suot na wedding ring, wala rin ni isa sa mga kakilala nila ni Emanuele ang nakakaalam kung ikinasal na nga ba ito. Isa pa, kung totoong

