------ ***Vienna's POV*** - Mula sa kinauupuan kong high chair dito sa counter table, kitang-kita ko ang lalaking labis kong kinasusuklaman. Nakaupo siya sa isang sofa, tila nag-iisa sa kabila ng presensya ng kanyang mga kasama. Kasama niya sina Javier at Cyrus, ngunit kapwa abala ang dalawa sa pakikipaglandian sa kani-kanilang kapareha. Samantalang siya, kahit may mga taong nakapaligid, ay waring nalulunod sa sarili niyang mundo. Napansin kong may nagbago sa kanila. Hindi naman basta-basta iniiwan nina Javier at Cyrus ang kanilang HQ tuwing gabi, ngunit heto sila ngayon—magkakasama sa isang bar. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit wala si Titus. Alam ko kung ano ang sinapit niya. Alam kong patay na siya. Isinakripisyo niya ang sarili niyang buhay para sa akin. Mukhang malaki na nga a

